XXXVI : Hinuha

1.1K 39 19
                                    


VICE

Putcha ang sakit hindi ko alam kung bakit pero ang sakit.

Ang bigat.

At hindi ko alam kung bakit. Pero parang may mali.

At lalo lang mas bumigat ang dibdib ko nung nagpatuloy pa ako sa pagbabasa.

Hindi naman ako naapektuhan nito dati pero bakit parang ang sakit sakit naman ata.?

Hindi kaya tama sila? Bukod sa nagsasawa na sya sa akin eh baka hindi na nya ako kailangan.?Hindi kaya babae na ang hanap nya? Hindi kaya tama silang lahat?

Hindi kaya tama ako?Na humanap na lamang sya ng pagkakataon para iwan ako?Para saktan ako?Kaya ba hindi namin maayos ayos to kasi yun naman na talaga yung dapat mangyari?Kaya ba ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon?Kahapon?Nung isang araw?Nung isang linggo?

Sign na ba to? Eto na ba yung unti unti na lang syang mawawala,aalis at hindi ko na lang mamamalayan na mag-isa na lang ako?

Kung ganon,bakit hindi na lang nya ako diretsuhin? Bakit kailangang idaan sa ganito?

Eto na naman yung mga lintik na luha. Akala ko ba hindi nyo na ko kailanman dadalawin ha? Bakit lately kayo na lang lagi kong kasama? Hindi kaya habang buhay ko talaga kayong makakasama ha? Siguro nga.

"Mah,para mo nang awa,kumain ka naman."napalingon ako kay Kitty na sa pangsampung pagkakataon ay bumalik na naman rito sa kwarto ko para pilitin akong bumaba at kumain."Ilang araw ka nang ganyan,yung kain mo isang kutsara lang,at ngayon patubig tubig ka na lang. Mukha ka nang bangag dahil hindi namin alam kung pagtulog pa ba yung ginagawa mo tuwing gabi."

Hindi ako sumagot. Eh ano ngayon kung di ako nakakatulog sa gabi?

"Tapos para kang hangin lang saming lahat,at parang wala lang sayo na umalis na yung jowa mo rito,na parang hindi mo lang talaga namamalayan."

Gusto ko syang samaan ng tingin sa sinabi nya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Ano?Kasalanan ko pa? Siya yung umalis diba? Anong gusto nyo pigilan ko ?"parang may gustong sumabog sa loob loob ko."Ano habang buhay na lang ba akong magmamakaawa para hindi ako iwan ha?"at hindi ko na napigilan ang pagiyak ko.

Lumapit naman sya sa akin at tumabi sa higaan ko."Mah."

"Masakit na kasi eh. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko o namin,pero may hindi na tama eh. Mabigat."

"Matatapos rin to mah. Kumalma ka please."hinahagod nya pa ang likod ko ng bahagya pero hindi ko alam kung nakabawas ba iyon o mas lalo lang akong nakaramdam ng sakit dahil iba ang gusto kong gumawa nito sa akin. Yumakap sa akin, magpatahan, kumausap,at tumabi sakin sa pagtulog.

"Kumain ka naman me,ilang araw na oh,nangangayayat kana."sabi nya. Wala rin naman akong gana? Para san pa ko kakain?"Hindi na namin alam kung pano pa namin sila paniniwalain na may sakit ka,at kung pano namin ipapaliwanag kung bakit hindi sila pwedeng pumunta rito sayo. Nagaalala na yung mga kaibigan mo sayo,at sigurado akong pagagalitan ka ng mga iyon."

Pinunasan ko ang mukha ko."Papasok ako ngayon."

"Ano me?"

"Papasok akong showtime ngayon."hindi naman sya nakaangal ng mabilis akong naglakad patungong banyo at naglinis ng sarili.











VHONG



Para akong praning na kanina pa pasulyap sulyap sa kaniya. Nasa unang contestant pa lang kami ng tawag ng tanghalan at magsisimula pa lamang kami sa interview.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now