XXXXII : Again

1.5K 47 44
                                    

ION

Kinakabahan ako.

Oo kinakabahan ako. Pano ba ko napunta rito eh kahapon lamang nasa Tarlac pa ako ah? Kahapon lang umiiyak pa ko kay nanay, at ngayon nandito na ako.

Handa naman ako pero kinakabahan ako.

Namimiss ko na kasi siya.

Namimiss ko na siyang katabi. Namimiss ko na siyang kaholding hands. Namimiss ko na siyang hapitin sa bewang. Namimiss ko na siyang katabi matulog. Namimiss ko na siyang yakapin. Namimiss ko na siyang halikan.

Namimiss ko na talaga siya. Kahit iyong simpleng pagsusungit niya sa akin namimiss ko na rin. Yung pasimple nyang pagseselos. Yung 'goodmorning babe nya na hinahanap ko pa rin lalo na tuwing umaga. Yung ingay niya mula sa kusina hanggang sa sala.

At siya mismo. Namimiss ko na si Vice. Yung mga kamay niya, yung noo niya, yung ilong niya, yung mata niya, ultimo yung buhok niyang kaunti na lang ang natira.

Miss na miss ko nang titigan ang mukha nyang walang kasingganda sa paningin ko ,pati yung legs nyang makikinis at yung pamatay nyang balakang namimiss ko na ring pagpantasyahan --charot! Baka malaman niya.

Pero seryosong miss na miss ko na yung reyna ko. Miss na miss ko na yung magiging 'misis' ko.

Kinakabahan ako ngayon pero mas nangingibabaw sakin yung pagdarasal na sana maayos na siya. Sana hindi na siya balikan ng depresyon niya. At sana kung sakali man hayaan niya akong samahan ko siya sa anumang pangamba niya.

"Mahal ka non kuys. At alam naming sinisisi mo ang sarili mo pero bunga iyon ng depresyon niya." Kumbinsi sakin ni kuys Jhong.

"Depresyon kuys? Hindi ko alam pasensiya na kuya. Wala manlang akong nagawa."

"Ano ba Ion, di na yun importante. Ang samin lang wag mo ng pahirapan si cutiepie dahil baka magkanda letche letche pa diyan at hindi na naman kayo magtagpo."tugon nya.

"Anong ibig mong sabihin kuya?"tanong ko.

"Please lang bumalik kana rito dahil baka bukas magising kana lang nasa harap na siya ng bahay mo dahil may plano siyang puntahan ka diyan!"

Naghihintay pa din ako dito sa ABS. Pero hindi pa din ako mapirmi dahil kinakabahan ako.

Pano ba ko magsisimula? Pano ko ba siya iaaproach?

Hi? Hello? O sorry? Ano bang dapat mauna kong sabihin?

Okay na kaya talaga siya? Hindi na kaya siya galit sa akin? Namiss nya rin kaya ako?

"Vice is not a perfect person,nagagalit pa din iyon,nauubusan ng pasensya,selosa,matalino pero minsan napapangunahan ng emosyon. Gusto ko lang sabihin sayo,na kung sakali man,sana habaan mo pa yung pasensya mo,sana huwag kang magsawa. Mahal na mahal ka ng kapatid ko,at nakita kong ganun ka rin sa kanya. Pero alam nating hindi dito matatapos lahat,magsisimula pa lang kayo at mas marami pang pagdadaanan."

Tama si ate Tina eh. Isa lang ito sa mga pagsubok na pagdadaanan namin. Pero alam kong mahal na mahal namin ang isa.

Hindi ako magdududa ron. Iyon ang kakapitan ko.

"Hello kuya?"

"Wag kang aalis diyan kahit anong mangyari ha. May isesend kami sayo pampalakas ng loob."diretsong saad nya saka binaba agad ang tawag.

Hindi naman nagtagal ay agad akong nakatanggap ng audio clip mula naman kay kuys Teddy.

Ano naman to?

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now