XXXI : Magalit

1.1K 33 2
                                    

VICE

Halos maiyak na ko habang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay ko.

Agad akong nagtungo sa kusina upang tignan kung naroon pa siya at baka naghihintay pa nga sakin kagaya ng sabi ni Archie.

Pero bumagsak ang balikat ko ng wala naman akong nadatnan na kahit ano roon. Wala namang bakas na naghanda sya. Asan na ba yon?Hindi kaya nakatulog na naman sya o natulog na lang?

Mabilis akong naglakad patungong kwarto ngunit hindi ko pa man naihahakbang ang mga paa ko sa unang baitang ng hagdanan ay napukaw na ang atensyon ko ng isang ingay mula sa malapit sa pool area.

Bakit parang tunog ng nagkabanggaang bote?

Dahan dahan akong naglakad patungo roon habang nanalangin na sana ay tama ang nasa isip kong nandoon siya at hinihintay lang ako.

At hindi naman ako nagkamali.

Nakasubsob ang kalahating pisngi nya sa lamesa habang nakatulala at nakagilid naman ang mga pagkain.

Shucks!Ano ba tong nagawa ko na naman?

"Babe.."tawag ko sa kanya.

Ineexpect kong malungkot o galit na mukha ang sasalubong sa akin. Inihanda ko naman na ang sarili ko para rito pero bakit parang ang bigat bigat naman yata?

Iniangat nya ang ulo at walang emosyong tumingin sa akin. Doon ko na lang napansin ang mapupungay at medyo mamula mula na nyang mga mata.

Bumaba ang tingin ko sa iilang mga bote ng alak sa ilalim ng lamesa pati na rin sa ibabaw nito. Obvious naman na umiinom sya dahil wala namang ibang tao rito kundi kami lang dalawa.

Binalik ko ang tingin ko sa mukha nya at saglit pa akong tinitigan bago sya ngumiti na ipinagtaka ko.

"Babe,andiyan ka na pala."

"Umiinom ka?"tinanong ko pa rin kahit obvious naman.

Nilingon nya ang lamesang may nakahaing mga pagkaing mukhang siya pa ang nagluto at napansin ko rin ang isang boquet of pink and purple tulips na nakapatong sa upuan sa harap nya.

'Para sa akin yan shet'.

"Ah oo."simpleng sagot nya."Wala naman kasi akong gana mag-dinner mag-isa eh,kaya uminom na lang ako."

"Bakit?"

"Bakit ako umiinom?Bawal ba?," ngumisi sya."Bakit ikaw?Ikaw pwede gumimik tsaka mag-enjoy kasama nila,ako hindi pwede uminom mag-isa?Bakit ganon?Unfair ah."aniya at hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

Tumawa siya kaya bigla akong nagkunot noo.

"HAHAHA joke lang naman!" natatawang sambit nya."Masyado kang serious diyan."

Hindi ako naniniwala!Gusto kong magalit o mainis o magpakita manlang sya sakin ng kaunting sama ng loob nya dahil sa kagagahan na nagawa ko. Pero bakit ganto? Bakit nakakaya nyang umaktong parang wala lang?

Ininom nya muli ang alak na nasa harap nya at agad ko namang inagaw iyon sa kanya.

"Tama na yan."sambit ko at hinablot sa kanya.

"Uy bakit?"alma nya. Alam kong medyo lasing na sya dahil hindi naman sya ganito eh."Gusto mo rin?Bawal sayo to ah."

Huminga ako ng malalim at paulit ulit dahil pakiramdam ko ay nauubos na naman ang pasensya ko sa nangyayari ngayon. Mas gusto ko pang mag away kami kesa ganito kasi di ko alam kung anong mangyayari kapag ganito lang kami at hindi sya nagpapakita ng kahit anong emosyon manlang.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now