XXXIV : Hindi

927 27 11
                                    


ION

"Kuya,wala ba talagang nakakita sa inyo?"tanong ko.

Kagabi ko pa hindi mahagilap ang cellphone ko at hindi ko manlang nadala sa pageant na pinuntahan ko. At halos maghahapon na rin pero di ko pa din mahagilap yon.

"San mo ba huling ginamit noi?"tanong ni nanay at pare pareho kami ngayong naghahanap.

"Hiniram ni kuya kasi yon nay. Tapos sabi ko naman ilagay nya na lang ron sa tabi ng tv."

"Tito noi. Nilagay ko po yon dun sa bag sa may bulsa.Don po sa tabi ng cabinet?"inosenteng sagot ng pamangkin ko.

"Sa tabi ng cabinet? Bakit di ka nagsasalita kagabi ko pa tinatanong yon."dali dali kong hinanap at di naman ako nabigo.

Patay! Lowbat pala kaya hindi rin matawagan. Naghagilap naman ako agad ng charger at pagkatapos ay lumbas na ulit.

"Nakita ko na nay,lowbat na lowbat na pala."sabi ko.

"Galit ka ba sakin tito noi?"napalingon ako sa pamangkin ko at agad na lumapit sa kanya.

"Hindi po. Hindi galit si tito noi sayo ha? Napapraning lang ako kasi akala ko nawala na ng tuluyan yung phone ko,pero di ako galit ha?Sorry."ngumiti naman sya at tumango.

"Anak,huwag ka muna kayang umuwi?"

"Titignan ko ho muna nay. Puros absent kasi ako nitong mga nakaraang linggo kaya kailangan kong pumasok. Pero try ko pa rin pong magpaalam kay direk."sagot ko.

"Ayaw mo lang mahiwalay ng matagal kay tita meme eh. Yieeee."pangaasar ng mga pamangkin ko.

Napangiti na lang ako sa sinabi nya.

Maya maya pa ay nagsialisan na rin sila at kami nalang nila nanay at dalawa kong kuya ang naiwan.

"Anong nangyari kagabi noi?"tanong ni kuya habang pumapapak ng maning pulutan namin."Alam mo na,medyo malayo kasi kaya umuwi na kami ng maaga. Hindi tuloy natapos yung pageant."

"Nanalo ba si Rai?"

Umiling lang ako saka nagsalin ng alak sa baso."2nd runner up lang sya kuya."

"Oohhh.."

Si Rai.Yung ex ko. Representative pala kasi sya sa barangay nila kaya ayun nagkita kami kagabi. Okay naman kami casual nga kami at pareho naman na kaming nakamove on. Masaya naman ako para sa kanya dahil masaya rin ang lovelife nya at ganun din naman sya sakin.

"Nameet na ba sya ni ate?"tanong ni kuya.

"Ha?Ano yun kuya?"

"Kilala ba ni ate Vice si Rai.?"ulit nya.

"Oo. Pero di pa sila nagmemeet in person eh."

Natigilan ako saglit ng may maalala.

"Sandali lang kuya ha."mabilis kong pinuntahan ang cellphone ko ng maalalang ni hindi pa pala ako nakatawag o nakakapagtext manlang kay Babe mula pa kahapon. At halos hindi rin naman naging ganon kadalas simula nong pauwi pa lang ako rito.

Hindi ko rin alam kung ako lang ba o talagang nagiging mailap na kami sa isat isa simula nong nag-away kami tungkol kay Calvin. Pinipilit kong hindi na sana mapag-usapan pa ang tungkol ron pero paulit ulit na inuungkat. Akala ko nakalimutan nya na rin kaya minsan ay hindi na sya nagtatanong pero minsan ay sinisimulan nya na namang ungkatin.

Hindi na ako galit. Hindi naman ako nagalit. Pero ayoko nang pagusapan kaya sana move on na. Kung bakit ba kasi bigla biglang lumilitaw yon eh. Nakakainis.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now