XXI: RING A Bell

1.2K 49 87
                                    


General

Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa bakla ng nakarating sya sa gitna.Tuwang tuwa syang inilibot ang paningin ng makita ang mga kaibigan nyang narito sa party nya.Sandali pa ay naupo na sya sa pinakagitna.Inabutan sya ng microphone ng mga bakla.

"Ayan,napakaganda mo naman Meme.."ani Lassy.

"Ikaw lang naman panget satin,"ani Vice."Teka lang,ang papanget ng suot nyo.Hahaha,oh my God,ang cheap ko pala noon."

"Kita mo na,ang panget na nga namin pinagsuot pa kami nang custome mo na mas panget pa sa panahon ng mga Homo Habilis,"ani Wacky.

"Aba Gago to!"nagtawanan naman ang mga naroon ngunit sinaway sya ng mga kaibigang bakla.

"Sssshh Meme,andito yung mga boss,"saway ni Negi na matawa tawa rin.

"Sorry po,sorry po.."paumanhin nito."Goodevening po.."

"Kaloka naman itong si meme,so eto na nga..Magroll-call muna tayo,nandito na ang Its showtime family?"Hinanap nito ang kinaroroonan nila."Ayan,hi sa Its showtime family.Kumpleto sila ngayon."

"Next naman,ay ang mga bosses ng Abs,magandang gabi po.Ma'am sir,"entrada ni Mc sa mga ito habang nakatingin sa table ng mga ito.Kinawayan naman sila ni Vice.

"Wag ka bakla,sa mga bisita natin,tignan mo nga naman.."singit ni Wacky."Narito ang pamilya ni Ion,ang Perez Family.."nilingon ni Vice ang itinuturo ng kaibigan at gulat man ay nagawa nyang nginitian ang mga ito."Taray,nandito ang mga kapatid ni Ion,grabe naman ang pamilya ng boyfriend ni meme.Pero nasan si Boyfie?"

"May sakit si nanay,"bulong ni Vice at tumango naman ito."Ohhhh.."

"Syempre,ang pamilya Viceral hindi naman mawawala,mga sisters at pamangkin..Oh ayan,"napatingin naman ang bakla ngunit agad na kinunotan ng noo nya.

"Asan si nanay?"bulong nya.

"Nagbanyo daw sabi nina Buern."sagot ni Lassy.

"Eh sina Buern?"

"Kausap nina mama Ogie,tsaka Pooh.."

Tumango na lamang ang bakla.Inilibot nya ang paningin at tuwang tuwa naman syang makita ang mga malalapit na kaibigan sa showbiz.Kumaway kaway sya sa mga ito.Tatayo na sana sya ng pigilan sya ng mga bakla.

"Meme,diyan ka lang.Di ka pa pwedeng aalis dyan.."ngumuso na lamang ito."For the opening prayer,sir Gary."Umakyat ito sa mini stage,at matamis na nginitian ang bakla.He even whispered 'happy birthday' to her,after he gave her a hug.

Pumikit ang bakla at kasabay ng panalangin ay bumubulong rin siya ng pasasalamat sa Diyos.Natapos ang panalangin at nagpatuloy sa kantahang inihandog ng mga paboritong banda niya.Ben&Ben at December avenue.

Habang napapasayaw sa tugtugin ay nililibot lang ng bakla ang paningin sa buong venue,napakaganda ng mga disenyo at napaka engrande kung pagmamasdan.Napakunot noo naman sya sa mga YES designs Led light na nakita nya,sa ilang sulok ng venue,may malalaki may maliit at magkakaiba ng kulay.

'Saveeh,nagsponsor pala ang Yes magazine sa birthday ko,hindi ako nainform.'

Sa space naman sa harapan ng mini stage nya ay may isang malaking pabilog na may makintab na pailaw sa palibot nito.

"Meme,eto magugulat ka.First time nilang gagawin ito,"nagtawanan ang mga bakla sa tabi nya."Hahahah,buti na lang mas pinili nating magsuot ng ganito,kesa sa gagawin nilang medyo may kahihiyan.Eto na meme.Kumapit ka..Ang iyong Glam team at Team Vice.."nakipalakpak na lang ang bakla kahit matawa tawa ito sa itsura ng mga kaibigan ng pumunta ito sa gitna at nagsimulang magsayaw.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now