EPILOGUE

1.6K 42 11
                                    

GENERAL

"Alam mo Babe, hindi ko lubos maisip, ni hindi minsan sumagi sa guni-guni ko na mamahalin kita at aabot tayo sa puntong ito."panimula nya habang nakatitig sa bakla na para bang ito ang pinakamagandang nilalang ng Diyos. "Napaka imposible naman kasi ang taas taas mo, napakahirap abutin."

Ito pa lamang ang lumalabas sa bibig nya ngunit wala ng palya ang paglandas ng mga luha nya sa mata.

"Pero hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nong maging tayo na. Masakit 'nong una kasi nagtatago tayo eh. Naglilihim tayo ng nararamdaman, hindi tayo pwedeng lumabas, hindi pwedeng makitang sweet o magkasama. Natakot akong hindi tayo pwedeng maging malaya, dahil nong minahal kita, 'yon yung ipinangako ko sa sarili ko na, hindi kita hahayaang nakakubli lang, itinatago, ide-nideny, inililihim. Sabi ko, aalisin ko yung mga lungkot sa mata mo at papalitan ko ng kaligayahan. At hindi naman ako binigo dahil ibinigay ka sakin. Pero nung una ,inisip ko, kung 'karapat dapat ba ako sayo? Karapat dapat ba akong mahalin mo? Maibibigay ko kaya sayo yung mga bagay na deserve mong matanggap? Bagay kaya tayo?' Ang dami kong tanong noon, pero kagaya ng pagmamahal ko sayo, hindi ko mahanapan ng sagot. Pero lahat, lahat ng pwede kong gawin para mapatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal ginawa ko, at gagawin ko pa rin araw araw para maramdaman mong mahal na mahal kita. Dumating man sa punto na, hindi ka agad naniwala, nangamba ,pero minsan hindi sumagi sa isip ko na iwan ka at bitiwan. Kasi bihira ang nabibigyan ng pagkakataon na mahawakan ang buwan, pero sakin ibinigay ang pinakamagandang kalawakan."

Hindi na rin napigilan ng bakla ang nagbabadyang luha sa mata.

"At kagaya nga ng palagi kong sinasabi, hindi ko hahayaang masaktan ka, hindi ko hahayaang masaktan ang damdamin mo. Mahal na kita hindi mo pa man ako mahal. Mahal kita kahit ano pang sinasabi nila. Mahal na mahal kita Babe. Hindi ko hahayaang maging magisa ka sa pagtanda, dahil sasamahan kita hanggang sa huli kong hininga. Araw araw kong ipaparamdam sayo ang pagmamahal ko, ang pagmamahal kong kinekwestiyon ng ibang tao. Ibibigay ko sayo lahat, lahat-lahat at buong-buo. Noon pa man pinaghahandaan ko ng maging mabuting mister sayo dahil ikaw lang naman ang gusto kong maging misis ko. Iyang mukha mo ang gusto kong makita pagmulat ko pa lang sa umaga, at ang boses mo lang ang gusto kong marinig bago ako pumikit sa gabi. Ikaw lang, Mahal na mahal na mahal na mahal kita Babe. Wala na akong ibang mahihiling pa at wala na akong ibang gusto pang makasama kundi ikaw. At kahit ano pa ang dumating hinding hindi kita susukuan. Dahil Mahal, minahal, mahal na mahal, pinakamamahal, pinakamamahalin at mamahalin kita, kahit si tutoy, si Vice Ganda o si Jose Marie Viceral ka pa."

"Kaya, hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang imposible nating maabot ang langit. Dahil itong pagmamahalan natin ay mas higit pa, sa kayang ibigay nang isang panaginip." Hinalikan nya ang kamay ng nobya na pagkatapos ng seremonyang ito ay magiging asawa na niya.

" I love you so much Babe."

Their friends can't hid their tears as they witness them crying in bliss.

Now it is Vice turn to speak.

"God knows how happy I am na dumating ka sa buhay ko. And everyone knows na halos bumitaw na ako at hindi na maniwalang may nakalaang pagmamahal sa akin. I was so sad and low kasi pakiramdam ko magiging magisa lang ako. Na kahit nasa pinakataas na at tuktok ng career ko, kahit kinikilala ako ng maraming tao at kahit sobrang dami pa ng pera ko hinding hindi ako makakaranas ng pagmamahal. Hinding hindi ako makakaranas na ipagmamalaki ako sa mga tao. Hindi ako makakaranas ng malayaang pagmamahal. Malungkot na malungkot ako kasi nawawalan na ako ng pag-asa, pero dumating ka. Sinagip mo ko. Sinagip mo ko sa lahat. Sa lungkot at sa pangamba, sa takot. Ikaw ang dahilan ng pagkalma ko. Ikaw ang nagbigay ng kapayaan sa akin para makatulog ako ng mahimbing sa gabi at magising ng masaya at may nilo-look forward na maganda sa umaga. Ikaw ang nagbigay sa akin ng totoong saya. Ipinaglaban mo ako kahit kinakalaban tayo ng mundo, minahal mo ako kahit itakwil ka man ng ibang tao. Araw araw mo saking ipinararamdam iyong halaga ko at iyong pagmamahal mo."

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now