XVIII :Para-paraan

916 29 3
                                    

General

"Bakit ganyan peslak ni meme?"tanong ni Orli habang tinatanaw ang bakla mula sa loob sa babasaging namamagitan sa pwesto nila at sa bakla na nakaupo sa sofa at yakap yakap ang unan.

Nanonood ito pero mababasang matamlay ito base pa lamang sa pagkakaseryoso ng mukha.

"Eh diba nga kasi,tumawag si Babe nya,tapos sinabing hindi pa makakauwi ngayon dahil may sakit raw yung nanay nya."sagot ni Kitty.

"Arte-arte naman nito si meme,eh akala mo naman first time hindi makasama yung jowa.."natatawang sambit ni Orli.

"Loka..Syempre,tomorrow is the 'big day',birthday na kaya ni meme.Tapos wala sya,alam mo naman yan,lalo nat magbibirthday prod bukas sa Showtime,kailangan nya ng support,diba?."

"Pero,di naman magagawa yung surprise kung hindi uuwi si kuya eh.."ani Buern."First time na may lalaking gagawa ng surprise para kay meme,kailangan nating magtulungan rito,deserve ni meme yon noh."

"At tsaka hindi mabubuking si Ion sa surprise nya kay meme,at hindi maghihinala yun si meme,alam nya kasing simpleng tao lang yung jowa nyang yun eh,hindi nya maiisip na may ganung pakulo ,kahit nga ako namangha sa plano nya eh."ani Budi.

Sumang ayon sila sa sinabi nito.Napakalaking sorpresa ang gagawin nila bukas para sa bakla,noong nakaraang buwan pa ay napagpaplanuhan na nila ito,lalong lalo na ng team Vice.Ngunit noong nakaraang tatlong linggo lang nila nalaman ang sariling pakulo ng nobyo nitong si Ion.But,they have to keep it secret.Iilan lang ang nakakaalam ng plano,ang malalapit na kaibigan lang ng bakla at binata.Para namang maging extravagant ang surprise nilang iyon.

Ofcourse,it is Vice first birthday na open na sa public ang relationship nila ng binata.And Ion wanted it to be special,and memorable.He wanted to keep his girlfriend birthday the most unforgettable,remarkable and precious day for the both of them.

"Chikahin na lang natin dali!"sambit ni Orli at nanguna ng puntahan ang bakla.Sumunod na lamang ang mga bakla.

"Anong drama yan mah?",umupo sila palibot sa bakla."Eto naman ang lungkot lungkot agad,baka naman makahabol iyon bukas.."

"Di naman ako malungkot no,"sagot nito sa malamyang tono.

"Hindi raw,lokohin mo lelang mo mah,"sambit naman ni Buern."Ganyan na pala itsura mo ngayon pag masaya ka?I do not know lang mah."

"Hmmm,masisi nyo ba ako?"

"Eto naman kasing si nanay Zeny last minute pa nagkasakit eh."natatawang sabi ni kitty saka kumindat sa katabi na sya rin namang nambatok sa kanya.

"Gaga!anong tingin mo ginusto din nila yun,boba ka."tugon niya rito.Palihim naman syang kinurot nito sa tagiliran."ano ba naman to,syempre nililito nga."bulong nya.

"Pwede naman kayong magcelebrate after eh,mas masaya pa,yung kayo lang dalawa .."ani Buern at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Eh syempre,"umayos naman sa pagkakaupo ito at ipinatong sa kandungan ang unan na kanina ay yakap yakap nya."Gusto ko lang naman sana bumawi ngayon,eh kasi noong nakaraang birthday ko,hindi ko naman nagawa yong isang bagay na hiniling nya noon na gawin ko sa harap ng marami,eh pagkakataon na sana toh.."

"Hayaan mo na,hahabol yun.Pagdasal na lang natin na gumaling na si nanay."

Nagring naman ang telepono ni Buern sa kalagitnaan ng paguusap nila.Lumayo ito ng kaunti upang sagutin ang tawag.

Ilang minuto lang rin ay bumalik ito.

"Si Aaron saka emman,in-clear lang yung ibang mga details para bukas,"ngumuso ito kay kitty ng siguradong hindi na sa kanya nakatuon ang bakla."uy bakla,ang usapan natin magpapamanicure tayo diba?kontakin mo na..Kailangan din ni meme ng linis,"pinanlakihan pa nito ng mata ang isa.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now