026

928 30 26
                                    

Kanina ko pa binabalewala si Franz at Shanti na nasa kwarto ko. Ang ingay ni Franz! At tska, sobrang aga pa, sinilip ko kanina, 5:42 pa. Ano ba kasing nakain nila at napag-isipan na sunduin ako ng ganitong kaaga?

"Tulog mantika naman ng prinsesa natin, diba Shanti Dope?"

"Tss."

"Sungit. Kala mo naman sinong pogi."

At bakit pinasok ni Mama (Friday, Saturday, Sunday tska Monday, uuwi ako sa bahay which is 15 kilometers away sa University namin tas Monday sa gabi ako umuuwi sa apartment) sina Franz? For all she knows baka anong gawin ni Franz sakin! I get it, kilala na ni Mama si Franz (childhood friend) pero still, lalaki siya! Mukha pa namang rapist si Franz...

"May Kuya pala si Gwy?" Tanong ni Shanti.

"Wala."

"Edi sino to?"

"Kapatid."

"Kuya nga!"

"Hindi nga! Kuya mo? Kuya mo? Ha?!"

"Ba't ka nagagalit? Ba't ka sumisigaw?!"

"Ha-- ay ambot nimo oy piste!" Franz said with his Cebuano accent.

"Ha? Hoy ayan ka nanaman sa alien language mo!"

"Tumahimik ka nga! Wag kang sumisigaw!"

"Eh sa sumisigaw ka eh?!"

"Malamang! dapat pantay tayo!"

"Ang iingay niyo!" Sigaw ko sabay labas sa comforter ko. Sinamaan ko ng tingin si Franz at Shanti. Franz sheepishly smiled while walang expresyon yung mukha ni Shanti. "Out." Turo ko sa pintuan.

Shanti nod while Franz eyed me suspisciously, "Teka, umiyak ka ba? Ang maga maga na ng mata-- sabi ko nga." Hindi natuloy ang sasabihin ni Franz kasi sinamaan ko siya ng tingin.

Mga salot sa lipunan! Ang aga aga nambulabog na!

I sighed nung nakalabas na sila. I checked my phone kung may notifcations ba but I sighed. Wala parin.

Hanggang kailan ba kami ganito? Okay, I get it. Layla needs him. Alam ko na yun pero yung hindi magpaparamdam ng almost 2 weeks pero online naman? I can't take that.

I know Layla's place in Migo's life. Damn, they've had each other's back since sperm pa sila! Like me and Franz pero duh? Hindi naman kami umabot sa ganun na bigla biglang nag MIA tas susulpot later on!

And me? I've been with Migo for 3 years, almost 4 years, lang naman compared to Layla na parang pang forever na.

Ano ba ako kompara sakanya? Sino ba ako kompara sakanya? I'm just a mere passerby of Migo's life. I kind of accepted the fact that I don't opt to stay forever with him unlike Layla.

Damn insecurities.

I sighed as I stood up and did my morning routines. Pagkatapos dun ay tinuyo ko ang buhok ko. I applied powder sa face ko tska lip tint. I tied my hair in a ponytail nung tuyo na siya.

I wore a white shirt and my maroon jumpskirt. I also took my fila white sneakers.

Damn, I look girly for a break-up. This is so not me...

Buti nalang activity day namin ang Monday... which means, we can wear whatever we want basta according sa dress code, and you could also go out unless if may pinapabilin yung teachers na gagawin.

I sighed for the nth time and went out. I saw how Franz whistled and a teasing smile creeped in Shanti's face. I rolled my eyes at them.

Bakit ang bully ng mga boys?!

Hey, Can I Rant?Where stories live. Discover now