Chapter 9

57.6K 1K 14
                                    

Chapter 9

Sinuot ko nga ang pinakita ko kanina Kay Declan na damit.

Syempre ang dalawa ay bihis na bihis din.

"Malayo ba pupuntahan natin?" Tanong ni Jane, silang dalawa ni Shae ang nasa backseat at kaming dalawa naman ni Declan ang nasa front seat.

"Medyo malayo-layo." sagot ko, napatingin naman ako kay Declan na seryosong nag mamaneho pero maya maya ay tumingin din s'ya sa'kin.

"What?" Tinasan pa'ko ng kilay. Kahit talaga kailan para s'yanh may dalaw.

"WaIa." I rolled my eyes, syempre dapat mas mataray ako.

Dahil walang nag iimikan samin ay binuksan ko ang radio, nakaramdam din ako ng gutom! Huhu.

Tumingin ako Kay Declan.

"Declan?" Mahinang tawag ko sa kanya, agad naman s'yang napatingin sa'kin.

"Hhmm?" Peto agad niya ring ibinalik ang paningin niya sa kalsasa. Lihim akong napanguso.

"Nagugutom na'ko." dahil 'ata sa sinabi ko ay hinito nya ang sasakyan sa tabing kalsada, gosh nandito na naman kami.

"May dragon kaba sa tyan?"

"Ano!?"

"Yeah Yeah, whatever" sabi n'ya na parang wala lang. Nakakainis naman.

"Malapit na tayo, oh stick-O" agad namang nag ningning ang mga mata ko! My favorite! Pero bakit kaya s'ya may stic-o rito? Hays ano bang pake ko? Tumingin ako sa labas ng bintana at tama s'ya malapit na kami kaya okay na'to alam ko naman na mag nuluto sila Devon eh.

"Gusto n'yo?" Alok ko sa dalawa, agad naman silang kumuha ro'n.

"Ikaw Declan?"

"Subuan mo'ko, love ahh. "

Aaminin ko na gwapo s'ya pero...wait sinabi ko bang gwapo s'ya?! Okay fine totoo pero eray erase!

"A-ano? Bahala ka nga r'yan." tumawa lang sya.

Napa-rolled eyes na lang ulit ako ng marinig ko pa sila Jane na nag bubulungan.

Hindi naman nag tagal ay nakarating na kami sa Pentagon House.

Agad akong bumaba ng iparada n'ya ang sasakyan.

"Kanining Bahay to?" Tanong nilang dalawa at pareha na kumapit sa braso ko ng makalapit sila sa'kin.

"Kanila Declan." maiksing sagot ko, nauna kaming nag lakad ni Declan, lihim akong natigilan ng maramdaman ko pa ang pag papadaudus ng kamay nya papunta sa bewang ko, nag hatid yun ng kakaibang pakiramdam, para akong nakiliti na ewan.

Binuksan na nya ang pinto. Bumungad samin ang tatlo na pare parehong naka upo sa sahig at nag lalaro ng video games.

"Tanga mo, naman Ashton." inis na sabi ni Ethan.

"Ako pa tanga? Eh iilag nalang hindi mo pa kaya kaya pff."

"We're here" naagaw ni Declan ang atensyon nila, lahat Sila ay napatingin sa mga kaibigan ko.

"Hi miss!"

"Yo! Miss"

"Nag luto kayo?" Tanong ko sa kanila,

"Oo may inaayos pa si Devon sa kusina" naramdaman ko ang pag kapit ng dalawa sa braso ko.

"Hala, ang gwapo nila sino yang mga 'yan ngayon Nevz?" Bahagya pa'kong kinurot ni Jane, gosh basta talaga gwapo--pero sabagay totoo naman.

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon