Chapter 3

76K 1.4K 67
                                    


Chapter 3

"Sa'n nga kayo galing?"

"Hoy sagutin mo naman kami ng maayos."

Hindi ko alam kung ilang beses na nila akong tinanong mula kanina sinasagot ko naman ang mga tanong nila pero hindi naman sila naniniwala sa'kin.

"Sa tabing kalsada nga." Nag buntong hininga ako. Pang ilang sagot ko na ba'to ng maayos?

"Hindi naman kasi kayo naniniwala." Umirap ako sa dalawa.

Nandito kami ngayon sa gazebo, nakatambay uwian na naman eh.

"Eh anong sinabi niya sa'yo?" Tanong sa'kin ni Shae, natigilan ako. Tinago ko kasi ang singsing ayokong makita nila 'yon 'no sigurado akong mag tatanong lang sila ng mag tatanong.

"Wala." Sagot at kumagat sa burger na hawak ko.

"Mukha mo, hindi kami naniniwala, tanga." Mataray na sabi sa'kin ni Jane at sumubo rin siya ng fries.

"Hindi ka naman n'ya sinaktan 'di ba?" Tanong sa'kin ni Shae habang sumisipsip ng milktea. Mabilis naman akong umiling.

"Hindi 'no! Ano--nakipag friend s'ya sa'kin." Biglaang lumabas sa bibig ko. Saan galing 'yon Nev? Hays bahala na, basta 'yon!

Naningkit ang mata ng dalawa havang dahan dahang nilalapait ang mukha nila, halatang hindi convince. Napa-iwas naman ako ng tingin.

"Hoy tumigil nga kayo." Saway ko sa dalawa. Umirap naman sila bago umayos ng upo. Kahot papaano'y nakahinga ako ng maluwag.

H'wag naman sana nilang gawin ang palagi nilang ginagawa kapag hindi ako nag sasabi ng totoo--ang hindi ako pansinin!

"Ayaw mo pa kasing sabihin. Neveah." Seryoso at halatang nag tatampong sabi ni Shae. Tumingin ako kay Janw at nakanguso siya habang nakatingin sa'kin.

Ito na naman po kami. Hindi na naman nila ako titigilan hanggat hindi nila nila nakukuha ang gusto niya.

I sighed. Kinuha ko ang milk tea ko at sumipsip ako ro'n ako ako nag salita

"Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong boyfriend ko na si Declan--" Agad akong natigilan dahil sa nabulunang si Jane pati ang nasamid na si Shae.

"Gags sandali! Nalunok ko ng buo 'yung ilang pearl!" Umuubo ubong sabi ni Shae habang hawak ang leeg n'ya.

Agad kong kinuha ang tubig ko at ibinigay kay Shae si Jane naman ay uminom rin sa tubig niya.

"Pashnea ka! Serysoo ka sa sinabi mo?!" Hindi maka-paniwalang tanong ng dalawa ng maayos na sila.

Sinabi mo na Neveah! Bawal mo na 'yung bawiin! Aish, nakakainis naman eh.

"Oo?" Patanong rin na sagot ko tsaka ako napangiti ng pilit.

"Neveah seryoso ka talaga?" Tanong sa'kin ni Jane sa mas seryosong paraan.

"Paano?" Si Jane.

Okay..mabuti at hanggang doon pa lang ang nasasabi ko dahil kung pati siguro nasabi ko ang about sa 'Fake Fiancé' lalong nila along pinaulanan ng mga tanong nila.

"A-ano.." nakagat ko ang ibabang labi ko, hindi ko alam kung ano ang p'wede kong idahilan.

"Ano ba talagang ginawa sa'yo ni Declan?" Pigil ang inis na tanong ni Jane, seryosong seryoso ang mukha niya habang nakatatingin sa'kin. Napalunok ako, sa totoo lang minsan lo lang siya makitang gan'yan ka-seryoso 'yun ay kapag talagang pinipigilan niya ang inis niya.

Kung p'wede ko lang sabihin na pumayag ako sa gusto ni Declan para hindi mawala ang scholarship namin..Hay buhay.

"Hi girls, I heard my name?" Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong may kamay na pumatong sa balikat ko.

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon