Chapter 26

44.7K 795 7
                                        

Chapter 26

Isang buwan na ang nakalipas simula ng maging kami ni Declan at maayos naman ang relasyon namin, ganon padin kaming mga mag kakaibigan nakatira sa iisang apartment, gusto na nga akong kuhanin ni Declan at doon kami sa condo niya pero hindi ako pumayag. Balak kong mag hanap na ng trabaho pero hindi ko pa nasasabi kay Declan si Shae at Jane palang ang nakakaalam, balak kong sabihin sa kaniya 'to mamaya. Hindi pwedeng aasa ako kay papa lagi malaki na 'ko.

At buti nalang simula ng ikwento sakin ni Declan ang Knights ay walang ibang ngyayari. Wala rin silang grupong nakakaharap.

Lagi pa ring natawag si papa sakin minsan ay si Nero.

Pero ngayon ako ang tatawag dahil pasko, ang bilis ng panahon grabe! Nandito ako ngayon sa kwarto ko madaling araw pa lang at malamang ay tulog pa ang mga yon, tatawagan ko na dapat si papa ng biglang may tumawag. Si Declan!

Agad kong sinagot 'yon.

"Aga ng gising, ah? Hindi ka ba nakatulog? Merry Christmas, love." Malambing na bati niya, napangiti ako.

"Nagising lang talaga ako ng maaga. Merry Christmas, love." I greeted back and smiled.

I waited for his response pero ilang segundo siyang natigilan.

"Haha natameme ka nanaman dyan?" Natawa ako.

Maya maya ay narinig ko ang pag tunog ng kung ano. Para siyang may hinawakan, parang tunog ng susi.

"Where are you going?" Tanong ko.

"Love?" Tanong ko.

"I wanna see you." Mahinang sabi niya, namamaos. Nakagat ko ang ibabang labi. Ang pogi niya sa imagination ko.

"Ako rin." Pag amin ko.

"Really? Bakit nga ang aga mong nagising?" He asked.

"Babatiin ko sana si papa, eh. Balak kong umuwi sa 'min." Sagot ko habang tinatabunan ang binti ng kumot. Maaga pa talaga dahil madilim pa.

"Hmm, talaga? Pwede sumama?" He asked, hoping. Lumawak ang lag ngiti ko at agad na napatango kahit hindi niya nakita.

"I'd love that!" I answered excitedly.

Naglaho ang ngiti ko ng may maalala.

"But how about tito Danilo?" Hindi ko napigilan itanong.

"Wala dito si Dad, palagi naman syang busy sa business hindi talaga kami nag kakasama pag pasko." Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi nya.

Parehas kaming natahimik.

"Neveah? Isasama mo na 'ko talaga?" Maya maya ay tanong niya ulit, hindi makapaniwala.

"Yes, love. Sorry dahil ngayon lang kita isasama, ah?" Humina ang boses ko, parang guilty.

"Pupuntahan kita r'yan ha? I'll be there in 15 minutes."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, seryoso ba siya e anong oras pa lang?.

"Declan baka mapaano ka sa daan, anong oras pa lang puwede namang mamaya na? Ang dilim pa, oh!"

"Ako bahala."

"Psh. Mag ingat ka."

"Yes ma'am."

And the call ended.

Hindi mawala ang ngiti ko kahit isang minuto na makalipas matapos ang tawag. That man. Maya maya ay napag pasyahan ko na ring tawagan si papa.

"Hi pa! Merry Christmas pooo!" maligayang bati ko kay papa nang sagutin niya ang tawag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Started With a Dare [EDITING]Where stories live. Discover now