Chapter 11

53.8K 1K 23
                                    

Chapter 11

Monday

Monday, ang pinaka ayaw Kong araw sa lahat! Kailangan gumising ng maaga dahil bawal ma-late.

Napa hikab ako at kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si papa.

"Anak? Napatawag ka? Good morning kumain ka na?" Malambing na bati ni papa, napangiti ako.

"Nangangamusta lang po, good morning din po, kakain palang po ako pa kayo po?" Tanong ko.

"Kakain pa lang din, okay lang naman kami dito, mag aral ka ng mabuti Anak ah"

"Naks naman! Syempre namn pa!"

"Sya sya, sige na at gigisingin ko pa si Nero"

Hays! Si Nero talaga! Sabi ng 'wag papahirapan si papa eh! Tigas talaga nglalaking 'yon.

"Sige po pa! Ingat din I love you po!"

"Sya sige sige, Mahal din kita anak mag ingat ka riyan" Sabi ni papa at pinatay na ang tawag.

Tumayo naman ako sa kama ko, oo tatayo palang ako, puyat ako kagabi dahil Kay Declan at sa mga kaibigan niya. Ang kukulit! ini-inis ako nang ini-inis nyemas!

Kinuha kona ang towel ko at pumasok na sa CR.

Mabilis lang akong natapos, nag bihis na ako ng uniform at bumaba na nakalagay pa sa ulo ang suklay, naabutan ko naman ang dalawa ro'n.

"Good morning Nev, akala namin hindi ka umuwi kaya hindi ka namin ginising." tumango lang ako sa sinabi ni Shae, napahikab pa.

"Okay ka lang? Bat parang puyat ka?" Si Jane.

Tumingin ako sa kanila, umupo na rin sa upuan ko syempre naka-uniform na rin sila.

"Si Declan kasi ayaw akong patulugin ang kulit" parehas nanlaki ang mga mata nilang napatingin sakin.

Shocks! Bakit ba hindi ko naisip na ang dudumi nga pala ng mga utak ng mga 'to? Hays!

"Kasi ininis nya 'ko ng ininis bat ba kung ano ano iniisip nyo?"  Kunot noong pag lilinaw ko.

"Ano ba iniisip namin?" Tatawa tawang sabi ni Jane.

"Ewan ko sa inyo, kumain na kayo at kakaunin kayo nila Ashton" kung nanlaki ang mga mata nila kanina, mas malaki ngayon.

"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong pa nila.

"Oo sinabi sakin kagabi eh" totoo kaya hindi ako lalo makatulog sila atang apat kinulit ako, kahit naman sabihin mong hindi pero kinukulit pa ri  nila ako, well maliban Kay Ethan na silent type.

Napatayo nalang ako ng biglang may nag doorbell.

Sure akong sila na 'yan.

"Nandyan na sundo ko bye, mamaya nalang sa school antayin ko kayo" sabi ko na parang service ko si Declan at tumayo nag dere-deretso papunta sa pinto.

Binuksan ko ang pintuan at pag kabukas ko bumungad sa'kin ang tatlo.

Declan.

Ashton.

Raden.

"N-nasa loob Sila." turo ko sa mga kaibigan ko.

"Thank you." ang gaganda ng mga ngiti ng mga pisteng to!

"Let's go." hinigit nako ng bwisit na Declan, agad ko namang Hinampas ang kamay nya.

"Kaya ko!" Sigaw ko sa kanya, tinaasan niy lang ako ng kilay bago pinadausos ang kamay sa baywang ko, ano pa nga bang magagawa ko?

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon