Chapter 20

49.6K 885 11
                                    

Chapter 20

Pag kasakay namin ay napa buntong hininga agad ako.

Lagi ko nalang nararamdaman na may paru-paro sa tyan ko kapag kasama ko sya minsan natutulala ako sa kanya. Normal paba 'to? Kapag siya ang kasama ko? Kasi hindi ko naman iyon nararamdaman sa iba.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko kasabay ng pag iling.

"Ano bang sign kapag in love?" Wala sa sarling tanong ko, parang gulat naman na napatingin sakin ang dalawa, ako kasi ang nasa gitna nila.

"Nev? In love kana kay Declan?" Nagulat ako sa tanong  ni Jane, diba nga fiancée ko si Declan?

Napiling nalang ako hindi nga pala totoo yon, It all started with a dare ginantihan lang ako ni Declan.

"F-fiancee ko nga si Declan 'di ba?"

"Don't us Beb, ilang oras lang kayo nag kakilala ni Declan Yung dinare ka namin tas may singsing ka agad? We know you Nev..a lot hindi ka basta basta mag kakagusto sa iilang oras mo palang nakilala," I sighed and nodded. Of course they really know me, a lot.

Tumango si Jane sa sinabi ni Shae para bang ganon din ang sasabihin nya.

"Pero ano? May nararamdaman ka ba sa kaniya?" Tanong ni Jane. Sandali akong natigilan, hindi alam kybg sasagot ba.

"Ay tumpak meron!" Hinampas pa ako ni Shae sa likod at mahina pang tumili. Kahit kailan talaga ang isang ito.

"Nahihirapan kang malaman kung may nararamdaman ka o wala? Ganito yan Beb," Umayos ng pag kakaupo si Jane at inayos pa talaga ang aircon ng taxi paharap sa kaniya. Isa pa itong isang 'to eh.

"Ganito kasi daw yan, pag minsan nauutal ka kapag kausap mo sya tapos kapag minsan natutulala ka-- wait ano nga 'yong Isa?" Napanguso siya at napakamot ng ulo. Napangiwi naman ako at mahinanh natawa.

"Ayy basta, kapag may iba kanang nararamdaman kapag kasama mo sya,"

Huh? 'yong parang may paru-paro sa tiyan? 'yong natutulala ka kapag nakita mo sya? Minsan nag iislowmo pa? At nauutal minsan kapag kausap mo sya? Ganon ba?

Shit! Is that really possible? Ang korni pero iyon nga ang nararamdaman ko.

"B-bakit Jane? Nainlove ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Humawak siya sa baba at tumingala, animoy nag iisip.

"Na in love naman ako sa ex ko dati pero diko naramdaman 'yon, buti nga hindi eh bwisit siya kapal ng mukha heyof," Sagot niya parang mat galit pa.

"Oh kalma ka lang dyan Jane," tumawa naman si Shae.

Sumandal na lang ako sa backrest ng sasakyan at hindi na nag salita. Hindi nag tagal tumigil na ang taxi sa babaan. Inayos na namin ang mga gamit namin at inabot ang bayad natigilan pa nga kaminng makitang si Gelo pala iyon, tiga samin din.

"Hi Nev, Shae, Jane," He smiled and I smiled back.

"Uuwi na pala kayo?"

"Ay hindi papasok kami," Pabalang na sagot ni Shae na ikinatawa na lang namin. Noon pa ganiyan na naman siya kay Gelo kaya sanay na rin kami.

"Manahimik ka 'di kita kinakausap," lalo akong natawa dahil sa ginawang pag susungit ni Gelo.

"Ano? Tara na hanggang sa inyo? Uuwi muna kasi ako eh buti ako nasakyan niyo wag na mag bayad sus," Tumawa siya at tinanggihan ang bayad na inabot namin.

"E-eh, Gelo? Ano ka ba wala ng libre ngayon," Pilit kong inaabot sa kaniya ang bayad pero nag drive muli sya.

"Wag na nga, it's fine,"

"Hahalikan kita diyan pag hindi mo tinaggap, sige. Fight me," Seryosong sabi ni Shae. Nagkatinginan pa kami ni Jane bago parehas na mahinang natawa.

"Edi halikan mo ako lalapit sayo," He then chuckled. Natawa rin kami ni Jane ng makita kung paano natigilan si Shae na parang hindi inaasahan iyon pero maya-maya ay ngumiwi siya at umamba pa ng sapak kay Gelo na agad naming pinigilan ni Jane.

"Sige, thank you, Gelo," Si Jane. Itinaas lang ni Gelo ang kamay niya at pinag patuloy ang pag mamaneho

"Hula ko kayo mag kakatuluyan in the future," Jane joked at them.

Puro tawa na lang ang ginawa ko ng magsimula na silang mag bangayang tatlo, hindi na naman ako nakisali dahil mas masayang makitawa na lang.

Hinayaan ko na lang sila roon. Sumandal akong muli sa backrest habang isip si Declan.

I'm starting to like him at natatakot ako na baka ako lang ang may nararamdaman saming dalawa. Alam ko simula palang na gusto lang nyang makipag laro sa'kin.

"Guys? Okay lang ba matutulog muna ako? Gisingin nyo nalang ako kapag nandon na tayo?" Tumango sila kaya ipinikit ko na ang mata ko.

Nagising nalang ako dahil sa malakas na preno ni Gelo.

"Ay sorry? Nagising ko ba kayo nandito na tayo eh," Napakamot na lang sya ng ulo at isang beses pang humingi ng sorry. Napatingin ako sa mga katabi ko na nagkukusot ng mata, nakatulog din pala sila.

"Mukha mo! Sinadya mo kaming gisingin eh," Akmang hahampasin oa ni Shae si Gelo pero bumaba na si Gelo, buti naman. Magsisimula na naman sila naku.

"Hays kayong dalawa talaga hindi ko alam kung may secret relationship ba kayo o trip niyo lang yan," Sabi ni Jane at tumawa. Saan niya naman nakuha iyon?

"Gelo! Thank you!" Sigaw ko sa kaniya.

"Thank you, Gelo!" Si Jane.

"Nyemas ka Gelo! Panget mo!" Napailing na lang kami ni Jane kay Shae.

"Manahimik ka na nga lang diyan Shae," Ngumuso lang siya at inirapan ako ng sawayin ko pa siya.

Pare preho nanaming isinakbit ang mga bag namin at nag lakad papasok sa bahay.

"Nero! Papa dito na po kami!" Sigaw ko mula sa labas ng gate agad namang lumabas don ang kapatid kong parang bagong gising.

"Hi ate! Shae tsaka Jane! Musta po? Pasok kayo?" Sinamaan ko siya ng tingin. Batang ito. Papapasukin kami pero hindi man lang nakilos para buksan ang gate?

"Nero!" Mariing sigaw ko, natatawang lumakad naman sya palapit sa gate at binuksan iyon.

"Joke lang ate highblood ka agad eh," Anito pag kabukas ng gate.

"Na-miss  kita ate may pasalubong ba?" Ibinigay ko lang sa kanya ang bag ko bago nag patuloy sa pag pasok sa loob ng Bahay.

"Sa bag ko Kirito may pasalubong," rinig kong sabi ng dalawa pag kapasok ko sa bahay.

Nakita ko si papa na nakahiga sa sofa pagpasok sa sala. He's obviously sleeping, umupo ako sa paanan niya. Bahagya siyang gumalaw bago tuluyang nagising.

"Hi pa, miss you po," lumapit ako kay pala at hinalikan siya sa pisgi.

"Oh Neveah, I miss you din, ikaw lang ba mag isa?" papa tapped my head.

"Hindi pa nandyan din po sila Shae at Jane sasama daw po eh,"

Umupo si papa at nag unat bago siya tumayo.

"Nag luto ako diyan ng marami, kumain na ba kayo?"

Tumigin ako sa wall clock namin Eight ng umalis kami at alas dos na agad ang bilis naman.

"Hindi pa po," sagot ko kay papa.

"Kumain muna kayo bago mag pahinga sya tara tara," nauna si papa na mag lakad patungomg kusina tinawag ko naman sa labas ang tatlo para kumain.

"Mag papalit lang po ako ng damit pa, kayo?" Tumigin ako sa dalawa.

"Mamaya na kami," tumango ako sa kanila bago tumalikod at nag lakad pataas.

Hindi kalakihan ang bahay namin pero mas malaki ito kumpara sa apartment namin at parehong nasa taas ng kwarto ko.

Habang nag lalakad ako ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Declan, ako at ang contract..

I know I don't love him for now but one thing is so sure..I like him.

Started With a Dare [EDITING]Where stories live. Discover now