Chapter 7

59.8K 1.1K 21
                                    

Chapter 7

"Alam mo sa totoo lang hindi ko alam kung anong aayusin sayo, maganda ka naman, nako 'yan talagang si Declan, tsk." napangiwi nalang ako dahil sa sinabi ni ate Ashley, oo nga 'no pangit na pangit ba si Declan sa'kin?Shutang Ines talagang baklang 'yon. Siguro inggit lang s'ya sa ganda ko.

"Pero sige lalo pa kitang pagagandahin. 'yung tipong nganga-s'ya." Excited na sabi ni ate Ashley.

"Wait, beh girlfriend ka ni Declan?" Hindi naman agad ako naka sagot sa sinabi ni ate Ashley.

Ano ba'ng p'wedeng isagot? Shemay alangan namang sabihin ko na may kasunduan kami.

"Ohh, I see." Tumingin ako sa kan'ya dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatingin pala siya sa daliri ko. Suot ko pala ang singsing?! Bwisit pahamak!

"Okay so let's start pero bago 'yan i-iikot muna kita dito sa boutique ko." she held my hand at inalalayan patayo Huhuhu ang bait ni ate Ashley!

Katulad ng sinabi n'ya inikot nya'ko sa boutique n'ya, nakita ko ang iba't ibang klase ng mga damit, gown at dress na mga sinusuot ng mga artistista o higit pa don, s'yempre ano pa nga ba? Itong boutique lang naman na'to ang pang una sa pinakasikat at may pinaka magandang mga tela kaya hindi na ako mag tataka.

Sunod naman ay sa Isa nyang boutique marami ang mga staff dito kumpara kanina, dahil parlor to marami ang mga gamit s'yempre.

"So, Baby start na tayo let's go, papangangahin natin si Declan." tuwang tuwang sabi ni ate Ashley.

"Sugar!"Sigaw  ni ate Ashley, nandito kami ngayon sa parlor so ibig sabihin dito ang una.

"Yes mother?" Lumabas naman dun ang isang magandang bakla! Huhu ang ganda pano ko nalaman na bakla? Dahil sa boses!

"Neveah baby, sya si Sugar s'ya ang mag aasikaso sa'yo." Tumingin ako Kay Sugar na ngayon ay nakatingin sa'kin habang nakangiti.

"Hi darling-- wait mother anong aayusin sa kanya eh ang ganda na n'yan." thank you po! Sana makahanap ka ng lalaking para sayo, Amen!

"Oo nga eh pero maarte ang Declan kaya ayusan mo s'ya, at hahanapan ko naman sya ng mga damit go!" Mahina nya'kong tinulak papalapit Kay sugar.

"Bye darling! Be ready for your transformation." tapos tumawa si ate Ashley.

"Let's go darling," sabi ni Sugar hinawakan niya ang kamay ko tapos ay pumasok na kami sa parlor.

"Dahil straight naman ang hair mo darling, lagyan natin ng dating. I cu-curl natin sa dulo and uhm--lagyan natin ng highlights. Ready?" Nakangiting tanong n'ya. Omg dream hair ko! Pero gosh kinakabahan ako.

Tumango na lang ako "Wag kang kabahan darling." tumawa s'ya.

"So. let's start!" Dagdag niya.

Pinaupo na nya ko sa may upuan at sinumulan ang pag aayos, akala ko si Sugar lang ang mag aayos sa'kin pero dalawa Sila, sinumulan nilang i-shampoo at kung may ano-ano pang nilagay sa buhok ko, minsan makati at nakati sa ulo pero hindi na ako nag reklamo pa, minsan kailangan mo rin sabihing hindi ka nasasaktan kahit yung totoo tagos hanggang buto yung sakit, pero syempre joke lang HAHAHA wala pala akong love life.

Matagal pa bago nila natapos ang pag sha-shampoo sa buhok ko kasi minsan ibababad pa nila ng five minutes or more pag katapos non.

Hindi ko ma-imagine, ano kayang itsura ko pagkatapos? Bagay kaya sa'kin?

Siguro mga tatlo o apat na oras din akong inayusan dahil ang likot ko raw. Sorry na mga ate

"OMG so perfect!" Napatingin  ako kay Sugar dahil sa sigaw n'ya, tapos na?

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon