AAKG 1

9.3K 137 1
                                    

(Jhane’s PoV)

“Good morning!” Kumakaway kaway pang bati saakin ng friend ko na si Beth ang isa sa pinakamaingay sa aming magtotropa. Apat kaming magkakasama since grade school.

“Ang aga mo ata ngayon ah?” Tanong ko sakanya. Pano ba naman kasi nitong mga nakaraang taon lagi siyang late.

“Hello guys! Good morning!” Ayan pa ang isa kung tropa si Hannie maganda ‘yan at mabait pero wala nga lang boyfriend.

“Morning!”

“Morning Hannie!”- Si Beth “Naku, mukhang late na naman ang isa nating tropapips ah!” dagdag niya pa. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang iyon.

“Every year naman siyang late e, ngayon ka pa nagtaka!” Sabi ko sakanya. “Kahit kailan talaga hindi na nagbago. O! Ayan na pala hinihintay natin!” Humarurot ang isang motor papalapit saamin wala pa rin talaga siyang pinagbago. Nagtataka nga ako kung bakit buhay pa ‘yan ngayon e napakaskasiro.

Bumaba siya matapos niyang iayos ang motor niya. “Naks! Naman Shone! Ang pogi mo!” Pambungad ni Hannie. Pare parehas ang ngiti namin ng tanggalin iya ang kanyang helmet.

 

“Naks! Bagong tabas! Lalaki kana talaga ‘tol” Biro naman sakanya ni Beth.

Maikli ang buhok niya pero bagay na bagay naman sakanya.

“Late na ba ako?” Aba’t lokong ito ah!

“Ay, Hindi! Nagtanong ka pa talaga.” Inirapan ko siya.

“High blood mo naman ang aga aga!” Sabi niya. Hindi naman sa high blood ako. Ganito lang talaga ako magsalita. “Tara na!” Aya ko sa kanila  sumunod naman agad sila saakin. Tahimik lang kaming naglakad papasok ng school us usual medyo marami na rin ang mga studyante.

“Baaaabe!” Isang malakas na sigaw ng lalaki ang sumasalubong saamin. Nilingon ko si Shone. Patay ka ngayon!

(Shone’s PoV)

“Baaaabe!” Shit! Panira naman talaga ng araw oh! First day na first day! Hindi man lang ako pinatawad! Nakalapit siya saamin pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ganon din ang mga kaibigan ko.

“Hello Papa Cloud!” Nadinig kung bati ni Hannie at Beth sakanya. Shit! naman ‘tong mga ‘to pinapansin pa. “Hello” Sagot niya naman. “Hello Babe! Did you miss me!? Kasi ako na miss kita ng sobra!” Shaks! Ang sakit sa tenga amputik! Hinarap ko siya kahit na nasa gitna na kami ng hallway nahinto naman sa paglalakad ang mga kaibigan ko.

“Pwede ba lubayan muna ako ha! Panira ka ng araw! Kahit ngayon lang na taon na ‘to ibalato mo na sakin.” Malumanay na sabi ko sakanya. Aba’t nangisi pa ang kupal na ‘to!

“Sorry babe but I really love chasing after you!” Nakangising sabi niya.

“Naks, Papa Cloud! Ikaw na talaga. Saludo ako sayo dre!” Pinandilatan ko si Beth dahil sa sinabi niya. “Wala kang mapapala sakin kaya ngayon palang tantanan muna ko. Tagalog ang sinabi ko kaya tingin ko hindi ka mahihirapang intindihin.” Pagkasabi ko ‘non ay tumalikod na ako. Pero bago pa ako tumalikod narinig ko pa ang sinabi niya…

“Ang ganda mo ngayon babe! Kaya lalo akong na iinlove sayo e.” Pakshet ka! “Oww… yaayyy.. kinikilig ako kay Papa Cloud! Haba ng hair mo Shone!” Si Beth!

“Tama!” Si Hannie at nag apir pa ang dalawa. Mga sira  ulo akala ba nila natutuwa ako.

Hindi ko siya pinansin kaya naman sumigaw pa talaga siya ng pagkalakas lakas.

“I Love You Babe!” Sabay tawa. Siya lang ang kilala kung kayang gawin ang mga bagay na ikakapahiya niya misimo. Laking pasasalamat ko at hindi ko siya naging kaklase ngayon. Kainis! Kailan kaya ako patatahimikin ng lalaking ito?

Pumasok kami sa classroom namin syempre section one. Hindi kami pabaya sa klase kaya naman simula palang lagi na kaming nasa first section.

“Ano ba ‘yan wala man lang bagong mukha! Kaumay na ah!” Si Beth. Matapos niyang tingnan kung sino ang mga magiging kakalse namin ngayong taon.

 

“Ang sabihin mo wala ka lang makitang gwapo!” Biro naman sakanya ni Hannie. “Pero in fairness Shone, Kelan mo ba sasagutin si Cloud?” Tanong niya.

“Pwede ba! Hindi na maganda araw ko kaya iwasan niyo ng banggitin ang pangalan niya. Pakiusap lang ha!” Sumandal ako sa upuan at pumikit. Sumasakit talaga ang ulo ko sa lalaking ‘yon. Lahat na ng bagay ginawa ko para layuan niya ako pero takte! Ang tibay talaga!

 

“Ok ka lang? Hindi ka na nasanay sa lalaking ‘yon. Sagutin muna kasi.” Si Jhane.

“Shut up.”Mariin kung sabi.

Silang tatlo nalang ang nagkulitan hanggang sa dumating na ang teacher namin at puro pakilala lang ang ginagawa. Nahinto ang pagpapakilala ng may kumatok sa pintuan at bumungad saamin ang isang …

Tug! Dug! Tug! Tug! Dug! Shit!

Ang Astig Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now