AAKG 3

3.4K 85 4
                                    

---

Hindi mawala sa isip ko ang babaeng ‘yon. May tendency pala talaga na magkagusto ako sa isang babae, sabihin na nating parang love at first sight pa!

!(>_<)!

Pwede ba talagang mangyari sakin ang ganon. Malamang sa alamang…  siguro! Dahil pinili ko ang ganitong kasarian! Ang tanong nga lang tulad ng sinabi ni Hannie kanina. Sana lang gusto niya rin ng katulad ko. Malay natin tamaan ng charms ko. Lahat naman tayo may sari sariling kalayaan hindi ba? Ngayon lang ako humanga sa babae ng ganito.

Can I make her fall for me?? Maybe…

Takte!, tinamaan ata ako sa babaeng yon ahh!

Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Kuya Sechan na nagbabasa ng libro. Palibhasa kulang nalang idikit niya yong libro sa mukha niya. College na siya sa DN University, taking Business Administration, matalino yan kaya nga saksakan ng pagka book lover, kulang nalang marriage contract nila ng mga libro niya!

Hi kuya!” Itinaas ko ang kaliwa kung kamay.

“Hmm, how’s school?” Tanong niya na hindi man lang ako tinitingnan.

“Good!”

“Kk” ‘Yan ang kuya ko mas gugustuhin niya pa kausap ang mga libro.

“Akyat na ko.”

“Hmm.”

Ganda talaga kausap neto, kahit kelan! Makapagbihis na nga lang!

[        NEXT MORNING      ]

Maaga akong pumasok dahil excited ako para makita ko si CRUSH! Sana nga lang pumasok rin siya ng maaga. Pero pano kami magkikita? Ang laki pa naman ng school na ‘to! Haii makapagpahinga na nga lang sa paborito kung place… ang rooftop! Ang sarap talaga dito, may 2 hours pa ko para makapagpahinga.

“Baaaaabee!!!”

Binabawi ko na! hindi ako makakapagpahinga! Habol ang hininga siyang nakalapit sakin pero hindi ko siya pinansin. Isinandal ko lang ang ulo ko sa upuan at tsaka pumikit.

 

“Babbbee! Hoo!!! S-sabi na -nga ba n-nandito ka lang!” Ba’t di pa to malagutan ng hininga?! Ang aga aga nambubwesit! Hindi ko parin siya pinansin.

“Oi babe, natutulog ka ba? Bakit napuyat ka ba babe? kakaisip sakin!!”

“Oo, napuyat ako, kakaisip kung pano kita papaslangin!” Sabi ko ng nakapikit parin.

“Sus, baka naman babe mamahalin?!? Hahaha!!”

“Bwesiit!!”

Naramdaman kung umupo siya sa tabi ko, pero hinayaan ko lang siya. Mananahimik din naman yan pag napagod na kakadaldal. Kalalaking tao napakadaldal! Haist !!

“Sige na babe, aminin mo na madali naman akong kausap eh!”

“Kamote ka! manahimik ka diyan dahil kung hindi, ako magpapatahimik sayo!”

 

“Gusto ko yan babe! Basta ba halik mo ang magpapatahimik sakin! hahaha!”

“I said shut up!!” Tumayo na ko dahil hindi ko alam kung ano pa magagawa ko sa bwesit na ‘to!

“Wait lang babe!!” Balak niya ba talaga kung bwesitin for life! Naman !!

Hinarap ko siya at nanginginig sa galit na kwinelyuhan at isinandal sa pader! Nagulat pa siya sa ginawa ko.

“Hahahaha! Alam mo bang ito ang pinaka gusto kung ginagawa mo sakin babe! Nakikita ko kasi ang mukha mo sa malapitan.!” Lalong nag init ang ulo ko! pumikit ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hawak ko parin sya sa kwelyo habang nanginginig pa ang kamay ko sa galit!

“Makinig ka nang mabuti Cloud.” Tiningnan ko siya mata sa mata.

“Sure! Babe!”

“Paulit ulit nalang tayo eh, Pwede ba tantanan mo na ko sa mga walang kwentang pinag gagagawa mo. Nakakairita na! Hindi ka pa ba nagsasawa? Kasi ako umay na umay na!! Kaya pwede ba TIGILAN MO NA AKO!!” Sigaw ko mismo sa mukha niya. Hindi ko masabi kung ano ang naging expression niya, tiningnan niya ko ng matalim pero may ngiting nakakaloko sa labi niya! Fuck this guy!!!

Ngumisi siya at sumalubong ang mga mata niya sa mata ‘ko!

“Hoopp!!

 

“Ano ba! Hindi kaba maka intindi?”

 Hindi ko alam kung ano ang nasa kukuti ng lalaking ‘to. Pinagpalit niya bigla ang posisyon namin ako na ngayon ang nakasandal sa pader habang nakakulong sa mga braso niya. He is so close to me! Ano ba nasa utak ng lalaking ‘to. Ngumisi siya at saka nagsalita.

 

“I’m sorry babe, pero hindi ko magagawa ang gusto mo!” Nakatingin siya sakin.

 

“Alam mo namang gustong gusto kita hindi ba? Tatlong taon ko na sa’yong ipinaparamdam na gusto kita . Gustong gusto kita Shonelle Marie Del Castillo!” Pagdidiin niya sa pangalan ‘ko!

“Hahaha! Nakakatawa ka, hindi mo ba nakikita ha Cloud!? Pareho tayo ng gusto! Gusto ko ng babae dahil tomboy ako. I’m a lesbian Cloud. So, pwede bang tumahimik kana!”

 

“Hindi ako titigil dahil sinabi mo Shonelle! Dahil wala akong balak tumigil!”

Nakakabadtrip na ‘to ahh!

“Kahit anong gawin mo Shonelle, babae kapa din! Baliktarin mo man ng paulit ulit ang mundo, BABAE KAPA DIN!” Nagulat ako sa sinabi niya, ganito ba siya kadisperado! Shitehhhhhhh!!! Sinasagad mo ‘ko ahh!

 

“Tama ka! Babae parin ako! Babae na kahit kelan hindi gugustuhin ang isang lalaking tulad mo!” Nagulat siya sa sinabi ko, kaya naman nagkaroon ako ng chance na itulak siya para makaalis ako sa harang niya, nakakadalawang hakbang palang ako kaya lang…

Naramdaman ko nalang na hinigit niya ko pabalik at ..

Sumalubong sakin ang isang malambot na bagay na dumampi sa labi ko..

No way!!!!

 

Ang una kung halik!! Paksheeeeeeet!! Hindi ako makagalaw.. ang lambot ng labi niya!!! Nanlalaki parin ang mata ko, hindi ko magawang kumurap. Naramdaman kung gumagalaw iyon ng dahan dahan, masuyong masuyo. Ba’t ba hindi ako makapalag!? Nakatayo lang ako at hindi ko alam… ang gagawin! Dahil ba ‘yon sa nasasarapan na ko sa halik niya… napaigtad ako na naramdaman kung kinagat niya ng ng bahagya ang lower lip ko, doon lang ako natauhan at itinulak siya palayo ..

PAAAKK!! Sinampal ko siya.

MANYAK!!

 

“Gusto ko lang sabihin na… gagawin ko ang lahat magustuhan mo lang ako.” Saka siya ngumiti na parang walang nangyari and naglakad na siya paalis, at ako …

 

“Gago ka Cloud, hindi kita mapapatawad ! ikaw magnanakaw ka…”

Wahhh!!

Ang una kung halik, nawala na lang bigla.. . napaupo ako sa upuan na hawak hawak ang labi ko ….

Ano ba ang feeling na ‘yon! Ang sarap sa pakiramdam !!

Hindi kaya…

Nagustuhan ko ang halik niya !!

Isang malutong na ………….

HINDI PWEDE !!! (>.<)!!

 

Ang Astig Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now