AAKG 12

2K 38 0
                                    

[SHONE’S POV]

 Nagulat nalang ako ng napakaraming tao ang pumasok mula sa pintuan. Mas ikinagulat ko pa ng makita ko si kuya at Akkina. Sila ang huling pumasok.

What are they doing here?

“Hi Shone.” Si Beth lumapit ito saakin at yumakap.

 “Hoi, kumusta kana?" Si Jhane.

“Ito, hindi man lang kami itext, Alam naman na nag aalala kami” Si Hannie

"Shonelle, you okay?" Si Kuya. 

“I’m fine kuya.” Walang ganang sagot ko naman sakanya at pinatay ang t.v. saka naupo sa single sofa, sumunod na din naman silang nagsiupuan.

“Maiwan ko muna kayo ha! Magpapakuha lang ako ng meryenda.” Sabi ni kuya habang sumulyap pa ito kay Akkina at ngumiti saka tumungo sa kusina.

Ouch lang ah!

“Kumusta ka na?" Biglang tanong ni Akkina saakin, tiningnan ko naman siya.

“Ayos na ako.” Maikli kong sagot.

“Naman! Ako ata nag alaga sakanya, galing ko mag alaga noh? Ahehe!” Singit naman ni Ulap, makapagmalaki naman ‘to e sarap nga ng tulog niya. Para talagang bata!

“Ayy, Ang sweet naman ni Papa Cloud, may pa alaga alaga pang nalalaman.” Sabi naman ni Beth na animo’y kinikilig kilig pa.

“Ahem, mas masarap ako mag alaga, gusto mo I try.” Biglang singit ni Seb. Kilala ko din naman siya dahil schoolmate kami, hindi man ganon ka close pero, hindi rin naman kami magka away. Sa tingin ko mukhang pinopormahan neto kaibigan ko. Napatingin naman ako kay Beth! Namumula ang kaibigan ko.

“Pwede ba?"Hala ang landi!

“Hoy mahiya ka nga." Siko bigla sakanya ni Hannie inirapan lang siya nito.

“Sure.” Sagot naman agad ni Seb.

“Ang corny niyo.” Si Jhane.

“Oo, at ikaw kj, kaya hindi nagkakaboyfriend e.” Pagtataray namang sagot ni Beth.

Haiss! Nagpunta lang ba sila dito para mag asaran. Sana lang hindi na sila nag abala pa! dumako ang paningin ko kay Akkina. Nakatingin siya saakin at nakangiti sinuklian ko naman siya ng pilit na ngiti. Abala parin sa pag aasaran ang mga kaibigan ko nakisali na rin si Cloud aakalain mong matagal na silang close. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Maya maya pa dumating na si kuya, kasama si manang na may dalang meryenda.

“O meryenda muna kayo.” Sabi ni manang matapos niyang mailapag ang mga laman ng tray ganon din ang ginawa ni kuya. Matapos yon inabutan niya ng juice si Akkina at tinanggap naman ito ni Akkina.

Sana Ako nalang ang gumagawa ng mga bagay na ‘yan sayo. Gusto ko ring iparamdam sayo na mahal kita ng mas higit pa sa pagmamahal ng kuya ko.

“Hey babe..“ Nagulat ako ng nakalapit na pala saakin si Cloud at may inaabot na juice, kakameryenda lang namin. Tsk! Ano akala niya sakin patay gutom!

“Ayoko, busog pa ako.” Tanggi ko sa inaalok niya.

“Teka babe... ba’t natutulala ka diyan? Wag mo kong masyadong isipin ang lapit lapit ko lang oh!” Kamote, tamong nag eemote ako dito! Istorbo talaga kahit kelan!

“Shut up!” Anas ko.

“Guys, and Shonelle.” Si kuya mukhang may sasabihin siya.

“I want you to meet my girlfriend Akkina Sharine Samonte.”

“WHATT?" Sabay sabay bulalas ng tatlo. Bakit sila nagulat akala ko alam na nila kasi sabay sabay silang pumasok dito?

“Talaga! Kuya Sechan? This is not a joke right?” Biglang tanong ni Beth. Hindi na ako nagulat sa sinabi ni kuya.

Ang Astig Kong GirlfriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora