AAKG 14

1.8K 48 0
                                    

 AAKG 14

---

Pare parehas ang ekspresyon ng mukha naming apat ng pumasok kami sa classroom.

“Howaaaw! What is that?” Bulalas na tanong ni Beth. Minsan talaga napaka abnormal ng babaeng ‘to. Alam ng bulaklak ang nakikita niya nagtatanong pa. Sumunod kaming tatlo sakanya. “Hanep ka talaga Shone!” Si Jhane habang tinatapik tapik ang balikat ko. Tsh!

“Kanino galing?” Iisa lang naman ang taong baliw ang nagpapadala saakin ng ganyan.  “Kailangan pa bang itanong ‘yan!” Usal naman ni Hannie. “Oh my god Shone! Hindi ka pa ba nagdadalawang isip na maging tunay na babae. Look oh!” Nakanguso pang dagdag niya.

Porque binigyan ako ng flowers, magbabago na agad ako para sakanya. At isa pa hindi ko hinihingi ang anumang kalokohang pinaggagagawa niya. Umupo ako at hindi na sila pinansin pa. “Oh!” Abot saakin ng bouquet ng bulaklak ni Beth. “Ano gagawin ko diyan?” nakakunot noo kung tanong sakanya.

“Hindi mo man lang ba kukuhanin?” tanong niya.

“Tingin mo bagay sakin ang magbibit sa basurang ‘yan?” Napakunot din ang noo niya. “Kung gusto mo iyo na” Malumanay kung sabi.

“O sige akin nalang ‘to. Ang ganda pa naman.” Umupo na rin siya at nakipagdaldalan. Maya maya pa ay dumating na rin ang teacher namin.

“Himala, wala atang Cloud na sumusulpot sayo ngayon.” Si Beth. Pansin ko nga rin. Dapat kaninang umaga pa siya tumambad sa harapan ko. Well, Mas mabuti na nga ‘yon. Kahit minsan naman matahimik ang buhay ko.

Hanggang sa natapos ang kalse namin ay wala pa rin talaga siya. Ewan ko, may nararamdaman akong kakaiba. Siguro naninibago lang ako dahil hindi ko siya nakikita.

So, pano Shone! Dito na kami.” Tumango lang ako ng magpa alam ang tatlo kung kaibigan at sumakay na sila sa kani kanilang sasakyan. Ako naman ay nagtungo na rin sa parking lot ng sasakyan ko. Iniayos ko iyon at kinuha ang helmet ko. Akmang isusuot ko na ito ng bigla na lang may yumakap galing sa likod ko.

Bahagya pa akong nagulat pero alam na alam ko kung sino ang nagmamay ari ng amoy na ‘yon.

Si Ulap!

 

“I miss you babe.” Ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko na nagdudulot ng hindi kumportableng pakiramdam saakin. Lalong humigpit ang yakap niya ng hindi ko magawang makapagprotesta sakanya. Ano feeling niya gusto ko din…? Agad kung kinalas ang pagkakayakap niya at hinarap siya.

Nagulat ako dahil hindi ako sana’y sa nakikita kung itsura niya. Ang laging hyper na si Cloud Justine ay ngayon kung titingnan mo parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. Kahit anong pilit niyang ngiti saakin. Halatang halata namang pilit lang ‘yon.

 

“Anong problema mo?” tanong ko. Agad siyang ngumiti at nagkamot ng ulo.

 

“A-ah wala babe. Namiss lang kita.”

“Ba’t hindi ka pumasok?” nagulat siya sa tanong ko. Alam ko agad kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Assuming masyado!

“Bakit babe, nag aalala ka sakin? Ganito pala ang pakiramdam kapag nag aalala sayo ang taong mahal mo. Ang saya!” Sabin a e.  Ngayon abo’t tenga naman ang ngiti niya.

“Wag kang assuming! Hindi lang ako sana’y na wala ang presensya mo.”

Ganon pa din ‘yon babe! Aminin mo na kasi babe. May gusto ka na sakin noh?” Anak ng! Kapag talaga nasimulan ng ikasa ang bunganga nito hindi na mapigil.

“Ewan ko sayo! Tabi nga diyan ng maka uwi na!” Hinawi ko siya para maka angkas ako sa motor. Hindi ko pa na iistart ang motor ng umangkas siya bigla at kumapit sa bewang ko. Galit ko siyang nilingon. Hindi ko pa din kasi naisusuot ang helmet ko.

 

“Ano ba ginagawa mo ha!? Bumaba ka nga!” Sigaw ko.

“Ayoko nga babe. Wala akong dalang sasakyan!” Pagmamaktol niya. Tsh! isip bata talaga.

 

“Wala akong pakiaalam kung wala kang dalang sasakyan. Baba bilis!” Hiyaw ko ulit.

“Sige na babe! Ngayon lang naman. Kawawa naman ako, baka mamaya halayin nalang ako diyan sa tabi tabi. Ni hindi mo pa nga ako sinasagot e.” Lalong humigpit ang kapit niya sa bewang ko. Pasimple ‘tong kupal na ‘to.

“Pwede ba tanggalin mo nga ‘yang kamay mo. Sumisimple ka ah!”

“Hindi babe ah! Good boy kaya ‘to. Hindi ko lang kasi mapigilang yakapin ka.” Shit naman!

Ayoko na makipagtalo sakanya kaya naman wala na akong choice kundi ang ihatid siya. Kainis! Dapat babae ang unang makakasakay sa motor ko e! At ang masaklap pa, ihahatid ko siya. The fuck! Baliktad nga ata ang nakatadhana saking mundo.

 

“Hoy Ulap! San ba bahay niyo?” Nakapagtataka talaga kanina pa siya walang kibo. May sapi ata to e. Kani-kanina lang abo’t tenga ang ngiti.

“Liko ka tsaka pang apat na bahay.” Sabi niya in a cold tone. Ginawa ko ang sinabi niya at inihinto ang motor ko sa harap ng isang malaking gate at iniayos iyon. Alam ko namang mayaman talaga ang pamilya niya kaya hindi na ako masyadong na surpresa.

“Hoy, Andito na tayo! Baka gusto mo ng bumaba?” Naihinto ko na kasi lahat lahat ang motor ko hindi pa siya gumagalaw. Shit! Nagulat ako ng isubsub niya ang mukha niya sa leeg ko at lalo pang hinigpitan ang yakap sa bewang ko. Dammit!

“Hoy Ulap! B-bababa ka o i-ihuhulog kita?” Shit! Ba’t ako nauutal. I heard him chuckled. “Ang lakas ng tibok ng puso mo babe. Para sakin ba ‘yan?” Pesteh! Kahit ako ramdam ko din ang pagblis ng tibok nito. Sa tingin mo sino may kasalanan kupal ka?!?!!

Kumalas siya sa pagkakayap saakin at bumaba ng motor. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Gusto ko na sanang patakbuhin ang motor ko pero baka disgrasya lang abutin ko. “Salamat babe ah. Pasensya na ikaw pa ang naghatid sakin. Pero sulit naman, hindi ko kasi matiis ang isang araw na hindi ka makita.” Ramdam ko na uminit ang pisnge ko sa sinabi niya.

“Babe you’re blushing! God! You’re so cute!” Agad agad niyang ikinulong ang mukha ko sa palad niya at hindi na ako nakapag react ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Shit! Gumalaw ito ng dahan dahan at para bang nilalasahan ang lower lip ko. Buti nalang naka ayos ang motor, dahil kung hindi baka natumba na ‘to dahil sa panlalambot ng katawan ko.

Habol hininga kami parehas ng matapos ang nakakapanglambot na halikang ‘yon. Nakangisi siyang tumitig saakin. Kitang kita ko ang kinang at medyo malamlam niyang mata. Shit! Ba’t ang gwapo niya ngayon? Waaah! Erase! Erase!

“That’s so sweet babe!”

“Ahh-  Aarayy!” Angal niya ng bigla kung sinuntok ang tiyan niya.

“’Yan ang bagay sayo! Aba! Umaabuso ka na ah!” Sabi ko saka inayos at pinatakbo ang motor ko. That guy is making me crazy! Shit!

 

“I love you babe! Thank you!” Dinig ko pang sigaw niya. Wala sa sariling napailing ako at ramdam ko pa rin ang kung ano mang kumikiliti sakin mula sa tiyan. Ito na ba ‘yon? Ito na ba ‘yong sinasabi nilang KILIG?? Dafuck!!!

Ang Astig Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon