AAKG 9

1.8K 39 0
                                    

[Shone’s PoV]

Nang makarating ako ng bahay galing ng bar. Dire deritso akong pumasok sa kwarto ko, saka pabagsak na humiga at pumikit. Nakarehistro pa rin sa utak ko ang nga eksena kanina. Ang kuya ko. Ano pa ba ang mga hindi ko nalalaman sakanya? Una, si Cloud.  Ngayon naman si Akkina. Bakit siya pa? May relasyon ba silang dalawa? Bakit hindi ko alam? Sa dinami dami ba naman ng lalaking makikita ko ang kuya ko pa. Shit naman!

Sa pag iisip ko hindi ko namalayan na may tumulo ng luha sa mga mata ko. Ang sakit ei. Ang sakit sakit! Ito naba yong tinatawag nilang first heartbreak! Ang saklap pala. Masakit pa sa masakit parang pinupokpok ng paulit ulit ang puso ko! Siguro ito ang kapalaran ko. Shit naman oh! Minsan na nga lang ako magmahal ganito pa ang nangyari.

Toktoktok!!

Natigil ang pag iisip ko ng makarinig ako ng katok. Alam ko naman na kung sino yon. Ayoko muna siyang makita dahil sa nakita ko kanina, pero gusto ko rin itanong sakanya ang mga nangyayari. Inayos ko ang sarili ko medyo nahihilo pa ko dahil sa ininom ko, kaya lang bigla nalang pumasok si kuya sa loob kaya naman bumalik nalang ako sa pagkakahiga. Ipinatong ko ang siko ko sa namamagang mata ko.

“Why are you here?” Tanong ko sakanya. Umupo siya sa kama ko dahil gumalaw iyon.

“Saan ka nanggaling? Kanina pa tapos ang klase mo? Sabi kasi ni Manang kararating mo lang din.” Tanong niya, Bakit ba napakadaldal na nito ngayon.

"May ginawa lang kaming homework sa bahay nila Jhane.” Pagsisinungaling ko. Hindi pa rin ako bumabangon sa pagkakahiga.

“Ah ok, akala ko kasi kung saan ka nanaman dinala ng motor mo?” Sabi niya pa.

“E ikaw kuya, San ka nanggaling?” Dahan dahan akung bumangon at inayos ang sarili ko. Sumandal sa headboard ng kama, saka ko siya tiningnan. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan.

“I’m with someone." Sabi niya ng nakangiti.

“She’s the girl I’ve been looking for years. Akala ko nga hindi ko na siya makikita. Nakilala ko siya ng isinama ako nila Daddy sa Cebu when I was in 8th grade.” Naalala ko pa. Iyon 'yong time na nasa grade school palang ako. Kinailangan ng parents ko na pumunta ng Cebu for business, kaya lang walang mag aalaga kay kuya kaya sinama nalang nila ito. Samantalang ako naiwan sa tita Mel ko kapatid ni Mama.

“Ah ganon ba? You love her?”  Kalmadong  tanong ko. Pero alam ko naman na ang sagot doon.

“Actually, siya lang ang babaeng minahal ko.” Ouch! Isang malaking palakol ang bigla nalang tumama sa puso ko.

“Ganon ba? Gusto ka rin ba niya?” Sa tanong kong ‘yon para narin akong kumuha ng kutsilyo pangsaksak sa sarili ko mismo.  Nakatingin parin ako sa kanya matapos ang tanong na iyon.

“Well, oo mahal niya rin ako, at ito na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay ko . Actually nagkita kami kaninang umaga sa isang coffee shop. And I saw her wearing your school uniform, malamang kilala mo rin siya!” So, kanina pa pala sila magkasamang dalawa. Iyon pala ang importanteng nangyari sakanya kanina. Stop it Shone! Don’t act like her boyfriend! Coz you’re not! And you will never be her boyfriend, ever!

“I’m happy for you kuya, sana maging masaya ka sakanya.” Isa kang malaking sinungaling Shone.

“Thanks Shone! Siya na nga ang babaeng binabalak kong pakasalan. Kaya lang kailangan pa naming tapusin studies namin. But, she promised me na wala siyang ibang mamahaling lalaki kung hundi ako lang.” Sila magpapaksal, Shit!! Magiging sister-in-law ko siya …

“Sigurado akong magugustuhan mo siya. Napakabait niyang tao at napakalambing pa! I’m so lucky to have her." Huminga siya ng malalim.

“Balak ko na siyang ipakilala sa family sa oras na makabalik na sila sila Dad dito.” Sabi niya pa saka tumayo na.

Tatalikod na sana siya kaya lang...

“Kuya Sechan, Sigurado ka na ba talaga sa kanya?” Biglang tanong ko.

“I’m 100 percent sure Shone, I really love her.” Sagot niya sakin.

“O-ok. Goodnight. I'm happy for you.” Pagkasabi ko noon dumausdus na ko para makahiga ng maayos. Itinalukbong ko ang kumot ko dahil hindi ko na maitatago pa ang sakit na nararamdaman ko.

“Thank you. Goodnight sis! Sleep well.” Pagkasabi niya ay naglakad na siya palabas ng room ko at isinara ang pinto. Pagkasara na pagkasara ng pinto, agad bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Pakiramdam ko paunti unti na akong nalulunod sa sobrang sakit. Ang mga bagay na sinabi ni kuya kanina. Ang mga expression ng mukha niya, ang kasiyahang nakikita ko sa mga mata niya. Ang pagmamahal na sinasabi niya para kay Akkina. Lahat ba ng ‘yon ay kaya kung tapatan? Bakit ang sakit? Ito ba talaga ang kapalaran ng mga tulad namin? Ang masaktan na lang? Nagmamahal din lang naman kami ah! Pero anong gagawin ko kasi hindi naman ako mahal ng taong mahal na mahal ko na? Nakakainis! Patuloy parin sa pag agos ang luha ko hanggang sa nakatulogan ko na ito.




Ang Astig Kong GirlfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang