AAKG 17

1.9K 49 0
                                    

AAKG17

Linggo kaya naman sobrang bored ako at wala sa mood, kaya naman lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko si kuya na bihis na bihis, iba talaga pag luma love-lyp. Linggo linggo may date.  

“Nice! Mukhang pormadong pormado tayo ah!” Pagbibiro ko sakanya at pasalampak na naupo sa sofa.

“I need to look good. Para naman ‘to kay Akkina e. Kaya worth it naman magpagod magpa gwapo.”

’Korni mo tsong!” Halos kilabutan ako sa pinagsasasabi niya. Pero naisip ko ganyan din kaya si Cloud saakin? Siguro dati at hindi na ngayon. “Maiintindihan mo rin ako kapag nainlove ka na.” Sabi niya. Ok baka nga!

“I got to go. How do I look?” baling niya saakin. Seriously, siya ba talaga ang kapatid ko “Oo na gwapo ka na, pero mas gwapo pa rin ako sayo!”Nakangisi kung sabi, pinandilatan niya naman ako.

 

“Bye sis.” Akmang hahalik siya saakin pero pinigilan ko. I don’t like doing that.

“Sige na kuya. Masamang pinaghihintay ang mga babae.”

“Kung makapagsalita ka kala mo talaga lalaki. Tsh!”

 

‘’Whatever.”

Umiiling iling naman ito palabas ng bahay. Ganyan din kaya ako kasaya kung naging kami ni Akkina? Definitely yes! Dahil mahal ko talaga siya ng oras na iyon. Pero hindi na ngayon. Letchugas namang puso ito, ambilis magpakatotoo.

Walang magawa sa bahay kaya naman ng sumapit ang hapon ay lumabas ako ng bahay. May malapit na park saamin kaya doon ko balak pumunta baka sakaling maging matino ang utak ko. Habang naglalakad ako ay ramdam na ramdam kung may sumusunod saakin. Umikot ako bigla para tingnan pero wala namang tao. Weird! Ang creepy…

--------

Ito na ang pangatlong araw na palugit ko para pansinin ako ni Cloud pero deadma pa rin siya. Dammit! Selos na selos ako tuwing nakikita ko silang magkasama lalo na kapag ngumingiti siya sa babaeng ‘yon. Sakin lang dapat ang mga ngiting ‘yan. Kaya naman ‘nong lunch break ay napagdesisyunan kung kausapin na siya.

Pagka bell na pagka bell ay agad akong lumabas ng classroom. Rinig ko ang tawag saakin ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinansin. Saktong palabas na si Cloud ng hatakin ko siya at nagulat pa siya ng gawin ko ‘yon.

“What the?”

Hindi na siya nagreklamo at nagpatiunod nalang sakin hanggang sa makarating kami ng rooftop. Patapon kung binitawan ang kamay niya at hinarap siya.

 

“Sabihin mo nga sakin. Pinagtitripan mo lang ba ako ha?” Nagulat siya sa tanong ko pero, napatigil ako ng mapatingin ako sa mata niya. I miss those eyes very much! Umiwas siya ng tingin kaya ganon na din ang ginawa ko.

 

“Sumagot ka Cloud. Ano? Pinagtripan mo lang ba ako ha?”

 

“What are you saying?” What am I saying? Shit! Where’s the fucking babe? Para akong maiiyak sa trato niya ngayon saakin pero nilakasan ko ang loob ko.

 

“Ano ng nangyari sayo? Ba’t hindi ka na namamansin bigla? Ba’t mo nalang ako binaliwala bigla?” hindi ko maintindihan ang mga lumalabas sa bibig ko. Kung ano ang sinasabi ko ay galing iyon sa puso at isip ko.

Ang Astig Kong GirlfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora