AAKG 21

2.9K 75 8
                                    

-----

Nang makarating kami ng bahay nila Cloud ay agad bumusina si kuya. Agad namang bumukas ang gate na para bang inaasahan na ang pagdating naming.

Bago pa kami bumaba ay may sinabi pa si kuya habang nakatingin saakin…

“Kung nakikita kalang ng parents natin ngayon siguradong masayang masaya sila.”

 

Kahit ako hindi ko maiwasang hindi magtampo sa kanila lalo na ngayon. Busy pa rin sila kahit na sa isa sa pinaka importanteng araw ng buhay ko.

Pagkababa namin ay agad kaming sinalubong ni Cloud. Pero nangangalahati palang siya ng paglalakad papunta sa gawi namin ay na statwa na siya. Natatawa kami sa itsura niya! Dahil sa hindi na siya makalakad palapit saamin. Kami na ang lumapit sakanya.

“Hey bro, Si Shonelle ‘yan kung hindi mo nakikilala.” Si kuya sabay ngisi.

 

“Oh! He’s so much affected by your new look Shone! Glad to see that.” Si Akkina na nakangiti na rin.

Lumapit ako sakanya habang hindi parin siya kumukurap sa pagkakatitig saakin.

“Hi.” Paunang bati ko. Take note may halong pang aasar ‘yon. Ngayon confident na ako dahil sa reaksyon na ‘to ni Cloud.

“I-is it for r-real.” Takang tanong niya. Habang nauutal pa.

Nagkibit balikat lang ako.

 

“God! You’re so beautiful babe.” Sabi niya saka yakap saakin. Yakap palang niya naibsan na ang kaba ko.

 

“So, What now? Are you guys going to hug each other ‘til morning? I thought we’re having a dinner?” Sabad ni kuya.

 

“Sorry bro, I just can’t help to stare at my lady! Haha!” napakamot nalang siya sa ulo.

So, success naman pala ang dress up ko! Binalingan ko si Akkina na nakatingin sa akin at kumindat! I think that’s a good luck!

“Shall we.” Iginiya kami ni Cloud papasok ng dining room habang ang kamay niya ay nakaalalay sa bewang ko. Hindi iyon komportable pero nakakagaan ng feeling.

Naabutan namin ang mga magulang ni Cloud na nakaupo na sa dining room at nagk’kwentuhan. Pareho silang napabaling saamin ng maramdaman ang pagdating namin. Unang tumayo si Mr. Angeles at sumunod naman si Mrs. Angeles.

 

“Mom, Dad, this is Shonelle Marie Del Castillo, my girlfriend!”

 

“Good Evening Ma’am and Sir.” Yumuko pa ako sa kanila bilang pagbibigay galang. Kalmado lang ang mukha ng daddy ni Cloud at ng binalingan ko ang Mommy niya, wala ring expression ang mukha.

 

“And this is her brother Sechan Marcus Del Castillo and his girlfriend Akkina Sharine Samonte.” Baling nito sa mga kasama ko.

 

“Good evening Mr. & Mrs. Angeles!” Lumapit pa si kuya at kinamayan ang mag asawa. Ganon din ang ginawa ni Akkina.

 

“Hello po.” Aniya.

“Good evening.” Tanging sagot nito saamin

Ang Astig Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now