AAKG 8

1.9K 45 0
                                    

Ano bang nasa utak ng babaeng ito? Ngayon ko lang din siya nakitang pumasok sa isang bar. Alam niya kaya ang lugar na pinuntahan niya? Baka naman ganon na nga? Pero malayo yata ang mangyaring naligaw lang sya dahil andon na siya sa harap ng bartender at umuorder ng drinks!

“Hi, mukhang nag iisa ka?" Tanong ng babae saakin na malumanay pa ang pagkakasabi halata mong nang aakit. Ikinawit pa neto ang isang kamay sa kaliwa kong braso.

“No, I’m with someone.” Sabi ko “So, if you’ll excuse me miss, I have some important business to take off!” Sabi ko ng nakangiti at binawi ko ang kamay ko. Naiwan namang disappointed yong babae. Umupo ako malapit sa kina uupuan ni Shonelle saka umurder ng drinks na may low alcohol content. Hindi ako pwedeng malasing kasi naman yong binabantayan ko halos lagukin na ’yong bawat glass na iseneserve sakanya ng bartender. So, balak niya talagang magpakalasing.

Lumapit ako ng makita kung may lumapit sakanyang babae. Babae talaga!

“Hi! Cutie! Come on let’s enjoy!" Hinahatak nito ang kamay ni Shone. Kaya lang pilit niya naman itong iniiwas. Halatang naiinis na siya dahil nakikita kung nanlilisik na ang mga mata niya pero hindi nakatingin sa babae. Tsk! Pag hindi pa ako lumapit siguradong manghihiram nag mukha ang babaeng lumalapit sakanya bukas.

“Excuse me miss, I’m with her so please back off..” Malumanay kung sabi. Nilingon ko si Shone. Busy parin siya sa paglagok ng alak. Napairap naman ang babae pero umalis naman ito kaagad. Buti naman.

“Shonelle, tama na ‘yan." Sabi ko saka inagaw ang tutunggain niya sanang alak.

“Hahaha.. makulit ka talaga sa makulit ei no.” sabi niya na humarap saakin at tinapik tapik niya ang braso ko. Lasing na nga sya.

“Alam mo naman pala dapat hinahayaan mo nalang ako sa tabi mo!” Sabi ko naman sakanya saka umupo sa katabi niyang seat.

“Hahayaan? Ba’t ko gagawin yon ha? Ano ka sinuswerte?" Kinuha niya ulit yong baso niya saka uminom. Hayaan na nga siya magpakalasing. Babantayan ko nalang siya. Minsan niya lang ako kausapin ng ganito.

“Bakit hindi mo subukang gawin, malay mo marealize mo na gusto mo rin pala ako. Hehe!” Kapal ng mukha ko noh! Baka mamaya upakan ako neto ei…. Ng pagmamahal hahaha .. . <meron bang ganon?>

“Kelan mo kaya marerealize na ayoko talaga sayo. Ok fine! Let’s talk man to man.” Man to man!(_’_)!!! Hahaha pano mangyayari yon ei babae nga siya. Tsk!

“Siguro pagnarealize mong gusto mo pala ako.” Shit! Korni mo tsong! Tatalab kaya ung sinabi ko.. Haiss nevermind!

“Shit! Nakakasuka yang mga sinasabi mo. Talo pa netong iniinom ko ah.” Sabi niya habang pinaglalaruan ang baso niya na may lamang alak. Tibay ng babae na ‘to.. . di paba siya lasing? Sa dami ng nainom niya halata naman eh. Dire-diretso pa siyang magsalita kala mo hindi umiinom.

“Ok let’s talk." Kanina pa kaya kami nag uusap.

“Ok, ano gusto mo sabihin?" I ask.

“Ano bang gagawin ko para tigilan muna ‘ko? Tandaan mo usapang lalaki ‘to ah!” Sabi niya habang dinuduro duro pa ko. Halikan kita diyan eh! Nakahalik na nga pala ako sakanya. Naalala niya pa kaya?

“Ok madali lang ako kausap. Isa lang naman ang gusto kong gawin mo.” Tumikhim muna ako.

“Then, what is it?" Kunot noong tanong niya.

“You Choose.”

"LIKE ME

OR

LOVE ME!!” Seryoso ako sa sinabi ko man to man nga diba?

“As easy as that."

“Ah! Bullshit! Wala kang kwentang kausap!" Tumayo siya saka nagmadaling lumabas ng bar. Ano pa ba gagawin ko? Ano pa nga ba? O siya sunod na Cloud!

“Waittt! Baabbbee!!”

Hala asan na iyon? Ang bilis naman niyang nakaalis. Pasaway talaga! Babe naman! Pasalamat ka mahal  na mahal kita! Pero saan ba nagsusuot ‘yon? Baka naman umuwi na! It’s already 10pm.

So, nagdrive ako papunta sa bahay nila pagdating ko don nakita ko naman agad yong motor niya. Pano kaya siya naka uwi? Tibay talaga ng babae na ‘to. Ang bilis niya namang magmaneho. Nagdorbell muna ako at lumabas naman si Manang. Kilala niya na ko kasi remember nong pumunta kami sa foundation.

“O hijo. Ikaw pala gabi na ah!” Sabi niya pagkabukas ng gate.

“Ah manang.. Kararating lang ho ba ni bab--- este Shonelle?” Oha Careful!!

“Ay, oo kaka akyat niya lang sa kwarto niya. Kakarating lang din ni Sechan. Gusto mo bang pumasok hijo?”

“Wag na po manang, napadaan lang po ako”  

“Ganun ba? Sige sasabihin ko nalang sa dalawa na dumaan ka.”

“Wag na ho manang!" Baka mamaya kung ano pa isipin nila.

“Siya sige mag iingat ka sa pagmamaneho.” Tumango nalang ako saka umatras para maisara niya ang gate at tumalikod na matapos kung magpaalam. Sana talaga ok lang siya.



Ang Astig Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now