AAKG 7

1.9K 45 0
                                    

[Cloud’s pov]

Nagmadali akong lumabas ng classroom para makita ang babaeng mahal ko. Ewan ko ba kung anong meron sakanya na hindi ko makita sa iba. Basta ang alam ko gusto ko siya simula palang noong first year kami.

Kakalabas ko palang ng classroom namin ng makita ko siyang kausap ang mga kaibigan niya, lalapit ko na sana siya kaya lang napansin kung nagmamadali siyang pumunta sa parking lot. Bakit kaya siya nagmamadali? Nag-alala ako kaya sinundan ko siya hanggang makarating siya parking lot. Isinuot niya agad ang helmet at pinatakbo ang kanyang motor. Wala naman akong sinayang na oras,agad akong pumunta ng sasakyan ko na nakapark sa malapit. Hindi pa naman nakakalayo ang motor niya kaya naman nasundan ko siya.

Nagulat ako ng mapansin ko kung saan papunta ang direksyong tinatahak niya. Papunta iyon sa village kung saan ako nakatira. Ano kayang gagawin niya dito. Sinundan ko siya hanggang sa pinarada niya ang kanyang motor sa isang malaking gate. Kung hindi ako nagkakamali, sila yong bagong lipat dito sa village kaya lang hindi ko alam kung sino sila. Baka naman kamag anak nila. Ipinarada ko lang sa malapit ang sasakyan ko para hindi niya mahalatang sinusundan ko siya. Dahan dahan siyang lumapit sa gate, akala ko magdodorbell siya kaya lang ilang minute na ang nakakalipas pero nakatayo lang siya doon. Ano bang binabalak niya? Na curious ako kaya naman bumaba ako ng kotse para lapitan siya. ilang hakbang nalang makakalapit na ko sakanya kaya lang nagulat ako sa nakita ko. Si Sechan.

Kahalikan ang isang babae.. . natatandaan ko ang babaeng yon, siya ang laging kasama nila Shone sa school at ang alam ko close din silang dalawa. Tiningnan ko naman ang expression ni Shone, nakayato lang ito at nakakuyom ang mga palad. Bakas sa mukha niya ang pagka gulat at galit. Bakit ganyan ang expression niya? At sino ang babaeng ‘yon? Girlfriend ba siya ni Sechan? Hay... Ang gulo!

Ilang minuto pa ang lumipas, pumasok na ang dalawa sa loob ng bahay ng hindi kami napapansin, makikita mo sa kanila na masaya sila habang nakaakbay pa silang pumasok sa loob. Akala ko magdo doorbell kaya lang bigla siyang humarap at pareho kaming nagulat.

“W-what the f-fuck are you doing here?” Sabi niya sakin, pero medyo garalgal ang boses niya. What’s?

“Hmmn, fyi babe. Dito po ako nakatira sa village na to, that’s why I’m here! E ikaw bat ka nandito babe tsaka si---“ hindi ko na naituloy ang itatanong ko kasi naglakad na siya papunta sa motor niya at umangkas saka pinatakbo ng mabilis kahit hindi isinusuot ang helmet niya.

“Ano ba nangyari don?” Haiss... Pasaway talaga, tsaka bakit ganon nalang ang nagin reaction niya? Hindi na ko nag  isip pa dumiretso na ko sa kotse ko at sinundan na naman siya, sana nga lang hindi pa siya nakakalayo. Hindi pa ako nakakalayo ng makita ko ang motor niya na nakatabi sa malapit na park na nadoon. Itinabi ko ang sasakyan ko at bumaba saka luminga linga sa park, maliit lang? Medyo dumidilim na rin. Tuloy parin ako sa paghahanap, hanggang sa napunta na ako doon sa pinakadulo ng park kung saan may makikita kang maliit na kubo. May naaninag naman akong tao na nakaupo  doon. Dahan dahan akong pumasok at nakita ko si Shonelle na nakasandal ang ulo sa upuan na kawayan na nandoon saka naka cross arms at nakapikit. Medyo natatakpan ng maikli niyang buhok ang mukha niya kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Naupo ako ng dahan dahan pero hindi parin siya gumalaw. Teka natutulog ba siya? Pinagmasdan ko lang ang mukha niya kahit na hindi ko masyadong maaninag yon kasi madilim. Ang ganda parin talaga ng dating niya sakin. Ano kayang pumasok sa utak niya at nag iba siya ng gender. I mean bakit niya ginustong maging lesbian, samantalang napakaganda niya naman. Patuloy parin ako sa pagmamasid sa mukha niya ng makita kung may tumulong luha mula sa mata niya.

She’s crying??? Pero bakit? Dahan dahan akong lumapit sakanya at pinunasan ang mga luhang sunod sunod ng tumulo mula sa mata niya.  Iminulat niya naman ang mga mata niya saka tinabig ang kamay ko.

“Get lost!” Sabi niya sakin.

“No, I won’t leave you here!" Pagmamatigas ko

“Pwede ba cloud, kahit ngayon lang, madala ka naman sa pakiusap ko!” Sigaw niya.

“Hindi parin, not until you tell me what’s going on?” Sabi ko sakanya.

“Ba’t ko sasabihin sayo? Wala kang pakialam at wala kang karapatang magtanong. Kaya pwede ba tantanan muna ko!!!” buong lakas na sigaw niya sa mukha ko.

“I WANT TO BE ALONE” sigaw niya ulit. Wala naman akong nagawa kahit naguguluhan parin ako sa mga nangyayari.  Sa tingin ko nga kelangan niya ngayon mapag isa, kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan habang nakikita kitang nagkakaganyan. Feeling ko wala akong kwenta dahil hindi kita magawang patahanin. Mukha ko palang nakikita mo nanggagalaiti ka na. Haiss!!

“Ok fine! Pero wag kang magpapakamatay ah! Mamahalin mo pa ako!” Sabi ko sakanya ng nakangiti. Hindi naman siya nagreact sa sinabi ko, saka ko siya tinalikuran. hindi ako lalayo wag kang mag alala. Babantayan parin kita. ito palang ang unang beses na nakita ko siyang ganon kalungkot. Hindi ako umalis sa lugar na iyon hanggat hindi siya umaalis don, baka kung anong maisipang gawin ng babaeng ‘yon. Isang oras ang lumipas ng nakita ko siyang sumakay sa motor niya, at ano pa nga ba ang gagawin ko sinunudan ko naman siya. Ano na naman kaya binabalak gawin nito?

Isang bar! Shit! Ano ba gagawin niya diyan mag-isa?

------>>




Ang Astig Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now