AAKG 10

2.1K 41 0
                                    

[Shone’s Pov]

Maaga akong nagising tulad ng nakaugalian ko. Pero wala akong ganang bumangon bukod kasi sa masakit ang ulo ko dahil sa alak. May mas masakit pa akong nararamdaman bukod doon. Bwiseet, hanggang kelan ba ang termino netong sakit na ito?

“Shonelle, hija gumising kana diyan at may pasok ka pa.” Dinig kong tawag sa akin ni Manang. Bakit hindi si kuya ang naandiyan ngayon? Dati rati naman siya ang taga gising ko. Bumangon ako para pagbuksan siya ng pinto. Halos nakapikit pa ang mga mata ko ng tumambad sakin si manang.

“Manang si kuya po?” Tanong ko sakanya habang pilit iminumulat ang mata ko.

“Hala, anong nangyari sayo? Bakit parang pinagpiyestahan ng ipis yang mata mo?” Bungad niya pa sakin habang sinisilip silip ang mukha ko.

“Wala manang napuyat lang po ako.” Pagdadahilan ko.

“Ang kuya mo maagang umalis may pupuntahan daw siya, kaya ayon nagmamadali ki aga aga!” Sabi ni manang saka siya pumasok sa loob ng kwarto para kunin ang labahin ko. Sumunod naman ako sakanya at bumalik ulit sa paghiga.

“Shonelle hija, bumangon ka na diyan at mag ayos mahuhuli ka sa klase mo!” sabi niya ng matapat siya sa bed ko hawak hawak na ang basket na may lamang labahin.

“Hindi po ako papasok.” Sagot ko saka nagtaklob ng kumot. Naramdaman kung inilapag niya ang basket at lumapit sa kama ko upang hawiin ang kumot na nakatakip sa mukha ko.

"Masama ba pakiramdam mo hija?" Tanong niya sakin at kinapa kapa pa ang leeg at noo ko.

“Opo manang kaya magpapahinga nalang po muna ako.” Sabi ko saka nagtaklob ulit.

“Pero, wala ka namang lagnat ah!” takang tanong ni manang. Manang naman masama talaga pakiramdam ko masamang masamang masakit.. Haiss!

“O siya sige, hahatiran nalang kita ng pagkain dito, magpahinga ka nalang muna diyan ha.” Pagkasabi niya noon agad naman siyang umalis na ng kwarto ko. Hay manang kung alam mo lang kung anong nararamdaman ko.

Simula palang ng bata ako gusto ko na talaga ang mga laruan na panlalaki, mga larong panlalaki , mga gawaing panlalaki. Simula palang nahalata na nila mommy kung ano ako, hanggang sa kinalakihan ko na ito.  Tanggap naman nila na ang unica hija nila ay  pusong lalaki. Marami ang nanghihinayang sakin dahil magandang bata raw ako. Nandidiri pa ako kapag sinasabi nilang maganda daw ako, kasi ayokong tawaging maganda dahil gusto ko gwapo. Noong tumuntong ako ng grade school nakilala ko ang tatlo kong kaibigan, tinanggap naman nila ako kaagad ng walang pag aalinlangan. Masaya ako sa pagtanggap ng mga tao saakin hanggang sa tumuntong ako ng high school. Mas lalo kung narealize na tanggap na tanggap nila ang katulad ko dahil walang nangungutya sakin. Mayroon pa ngang nagbibigay ng kung anu-ano para lang mapansin ko sila, karamihan doon halos babae. Kaya naman naging sikat ako sa school kahit na isa akong lesbian o tomboy. Kaya lang may isang taong napasobra naman ata sa paghanga saakin, ni hindi man lang napapagod kakahabol. Minsan nga iniisip ko sa tatlong taong kakahabol niya saakin, pano nangyaring ni hindi man lang siya nagsasawa? Siguro kong isang tunay na babae lang ako, may point na kikiligin ako sa mga ginagawa niya... akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niya saakin.. Manyak siya eww!! Ayoko na maalala ang mga nakakadiring pangyayaring iyon. Erase! Erase! Pinikit ko nalang ulit ang mga mata ko para makabawi ng lakas.

---

“Babe… Babe...” Teka nananaginip ba ako parang naririnig ko ang boses ni Ulap. Shit naman pati ba naman sa panaginip ko nanggugulo parin siya. Hindi ko nalang iyon pinansin at iniayos ko pa ang higa ko, ano ba ‘to parang nilalamig ako?

“Babe... Inom ka muna ng gamot, bangon na sige na.” Dinig ko pang sabi niya. Pero hindi ko parin pinansin ‘yon. May humawak sa braso ko para alalayan akong makaupo sa kama, kaya naman naimulat ko ang mga mata ko…

“Buti naman nagising ka na!” Shit! Anong ginagawa ng kupal na ito dito? So, hindi pala ako nananaginip. Aray! Parang binibiyak ang ulo ko. Kinapa ko ang ulo ko. Sobrang init, nilalagnat nga ako!

“Babe… ano bang nangyayari sayo, ba’t ka ba bigla bigla nalang nagkakasakit?” Lakas naman ng boses ng lalaking to lalong sumasakit ang ulo ko.

“Ano ba ginagawa mo dito?” Tanong ko sakanya habang sapo sapo ang ulo ko. Haiss nahihilo ako!

“Babe… syempre aalagaan ka, kailangan pa bang itanong ‘yan?” Sabi niya saka kinuha ang isang bowl na may kung anong laman, lugaw ata ‘yon.

“Umalis kana. Lalo akong magkakasakit kapag andito ka!” Totoo naman ei. Kapag nakita ko pa ng matagal ang pagmumukha ng lalaking ‘to baka hindi na ako gumaling.

“Wag ka na magmatigas babe. Sige na kainin mo muna ‘tong lugaw na inihanda ni Manang, hindi ka pa daw kumakain.” Sabi pa nito habang hina halo ang lugaw. Seryoso ba siya?

“Ayokong kumain! Tigilan mo na ‘yan, mamaya maging utang na loob ko pa sayo yan.” Sabi ko habang nakaupo parin at nakapikit.

“Ano ka ba naman Shonelle! Willing naman akong gawin lahat ng ito para sayo. Kaya wag kana magmatigas. May sakit ka na nga lahat lahat matigas parin ulo mo.’’ Aba’t talo niya pa daddy ko ah!

“Hoy Ulap, talo mo pa tatay ko ah! Wag ka ngang feeling.”

“Hehe! Ayaw pa kasi kumain e. Sige ito subo na dali.’’ Inilapit niya ang kutsara na may lamang lugaw sa bibig ko. balak niya ba akong subuan? Swerte niya naman.

“Ako na kaya ko kumain mag-isa." Inagaw ko sakanya ang bowl ng lugaw. Kaya lang nahihilo talaga ako. Hindi ko magawang hawakan ng maayos kaya naman muntik ng matapon. Buti nlang nasalo ng ulap na ‘to.

“Ayan kasi, nagmamatigas pa.’’ Sabay kuha ulit ng bowl sakin.

“Say Ahh! Dali para makainom ka na ng gamot!” Wala naman akong nagawa kung hindi ngumanga nalang at sinubuan niya ako ng lugaw. Kahit hindi ko siya tinitingnan alam kong lagpas tenga na ang ngiti niya. Minsan lang to kaya namnamin niya na.

“Ahehehe!! Alam mo babe! Ang saya ko ngayon.” Ay hindi halata... kulang na nga lang magtatalon ka diyan. Parang bakla! Ngumisi lang ako. Pasalamat ka may sakit ako. Matapos kong kumain ay ininom ko na ang gamot na binigay niya saka bumalik sa pagkakahiga.

“Babe. Matulog ka muna babantayan kita, hindi ako aalis dito hanggang sa magising ka.” Bahala ka diyan sa buhay mo basta ako matutulog.

Ang Astig Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon