AAKG 16

1.8K 45 0
                                    

AAKG 16

Dumaan ang dalawang linggo na hindi pa rin ako pinapansin ni Cloud. Kahit ang mga kaibigan ko ay nagtataka na rin. Nalaman na din namin na ang babaeng classmate naming si Lalaine Perez ay fiancée niya. Oo aaminin ko nahulog na talaga ang loob ko sa lalaking iyon. Ang hindi ko matanggap ay kung kailan nagkakagusto na ako sakanya ay saka niya naman ako iiwasan. Matindi hindi ba?

“Shone! Bilisan mo magbihis diyan?! Ang bagal mo kasi.”

Oo na! Kayo na mabilis!” Agad kung kinuha ang P.E Uniform ko. Nahuli ako bumaba ng locker kaya naman nauna sila saakin nagbihis ng P.E uniform. Ramdam ko ang paninitig nila saakin. “Ano ba ginagawa niyo? Lumabas na nga kayo.” Sigaw ko sa kanila.

“Hahahaha!” Sabay sabay nilang tawa.

“Ano ka ba! Wag kana mahiya meron din kami kung anong meron ka noh!” Si Beth.Sheteh. Minsan talaga ayokong napupunta sa ganitong klaseng usapan.

“Mauna na nga lang kayo at susunod ako.”

“Ok. Kala mo naman re-reypen. Tara na nga!” Si Beth.

 

“O sige tara na. Bilisan mo ah! kung ayaw mo mag push up ng wala sa oras.!’- Jhane

“Oo na! Labas na!” Tumawa pa sila bago lumabas ng locker room. Saktong pagkabihis na pagkabihis ko ay pumasok ang isang babae. Sa lahat ba naman ng kaklase ko siya pa … hindi naman sa galit ako sakanya pero hindi ko lang talaga siya feel.

“Hi.” Bati niya saakin habang nagbubukas ng locker niya. Naturuan ako ng magandang asal kaya naman binati ko din siya pabalik.

“Hi.” Bati ko with matching smile pa.

“I heard something about you and my fiancée  CJ” CJ? How nice! Ano namang tungkol samin? Nakakaintriga ka men!

“About what?” tanong ko din. Isinara niya ang locker niya at hinarap ako. “That he is in love with you.” Sabi niya. Well, hindi ko masisisi ang nagsabi sakanya non dahil hindi sila bulag. Nakikita nila kung pano ako buntutan ng … CJ niya!

“Well. Why don’t you ask your CJ about that?”

 

“I think. Hindi na siguro kailangan. He’s in love with me and I feel it.” Talaga lang ah! Mahal ka pala e. Ano namang kinukuda mo diyan? I’m not into a catfight pero parang nanghahamon ang isang ‘to.

 

“And besides, I know him too well. He’s not into lesbian like you. And I won’t let him get into it.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay naglakad na siya palabas ng locker at naiwan akong nangangatog sa galit at inis at idagdag pa ang gulat. Damn you men! He’s not into fucking lesbian! Are you kidding me? Anong ibig sabihin ng tatlong taong pag sunod-sunod niya sakin trip trip lang?

‘Yon kaya ang dahilan kaya hindi niya na ako pinapansin lately? Fuck him!

 

---

“Oh! Ang tagal mo naman buti may kausap pa si Sir!” bulyaw saakin ni Beth ng makarating ako ng gum.. Siya lang mag isa ang nakaupo sa bleacher. Pasalampak akong naupo at tumingin sa court nakita kong wiling wili sa paglalaro ng bola ang tatlo kung kaibigan. Nasagi din ng paningin ko ang bit—babaeng ‘yon na lalong ikinakulo ng dugo ko.

“Hoy. Ano nangyari? Nakasalubong namin ‘yang Lalaine. Nagkausap kayo?” Basang-basa niya talaga ako. Sa mga ganitong pagkakataon hindi ako maaaring magsinungaling sakanya.

“Hmm, nagkausap kami.”

“O ano daw? Tinanong mo ba kung totoo talagang fiancée siya ni Cloud?” Tumingin muna ako kay sir na abala pa rin sa kausap na mukhang importante. Pag nagkataon mahaba habang usapan ‘yan. Mapapahaba din ang pag uusap naming dalawa.

“Oo, totoo daw ‘yon?”

 

“Ha? Uso pa ba ngayon ang arrange marriage? Kasi paniguradong hindi naman sila nagka relasyon kasi parang asong ulol nga si Cloud kung makapaghabol sayo.” Tama, ‘yon nga din ang iniisip ko.

“Tingin mo trip trip niya lang ‘yon?”

 

“Anong trip trip?”

“’Yong pagsunod-sunod sakin ni Ulap”

 

“Haahahaha! Ako ba pinagluluko mo Shone?” Hindi makapaniwala niyang tanong.. Ako nga ang mukhang naluko dito e.

“Hindi.”

“Baliw. Sa tingin mo sino ang sira ulong ulupong ang mangtitrip sa loob ng tatlong taon?” Tingin ko din. E pano kung sira ulo nga siya. Haiss! Humanda ka saking ulap ka sa oras na malaman kong pinagtitripan mo lang ako. Dadalhin kita sa ulap at ihuhulog ng magkapira piraso ‘yang buto mo.

“Ano ba sinabi sayo ng babaeng ‘yan at nagkakaganyan ka?”

 

“Sabi niya, Her CJ is not into lesbians like me.” Nangisi pa ako tuwing naaalala ko ‘yon.

 

“CJ? Ah! Cloud Justin! Hahaha! Ano sabi? Hindi pumapatol sa lesbian si Cloud? E kulang na nga lang sungkitin niya buwan para sayo e. That’s bullshit!” OA na ah! Hyper talaga ng isang ‘to. Dapat pala si Jhane nalang ang kinausap ko. Kalmado pa ‘yon.

“Ok tama na. OA na! Kailangan kong makausap si Ulap.” Malumanay kong sabi. Siya lang ang makakapag patunay saakin ng lahat. Siguraduhin niya lang na maganda ang makukuha kung sagot sakanya dahil kung hindi … sa ulap ka nila hahanapin.

“Tama! Tama! Kailan mo siya balak kausapin?” tanong niya.

 

 “Kapag hindi niya pa ako pinansin sa loob ng tatlong araw ako na mismo ang kakausap sakanya.” At siguraduhin niya lang na maganda ang sasabihin niya sakin. Pero parang may kumukumbinsi sa sarili ko na paniwalaan siya kaya hindi ako masyadong nababahala.

“Wow! Ikaw ba talaga yan Shone? Ow men…! Don’t tell me nahumaling kana rin sakanya?” Parang x-mass light lang ang kinang ng mata niya.

 

“Tsh! San mo naman napulot ‘yang ideya mong yan?” Medyo kunot noo ko pang tanong sakanya. Sana nga lang epektib ang pagpapanggap ko dahil ako mismo sa sarili ko alam kung kong gusto ko na siya. Pero takot pa ko umamin sa kanila lalo na ngayon medyo alanganin na ang sitwasyon. Pero alam na alam na nila ‘yon kahit na hindi na sila magtanong.








Ang Astig Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now