AAKG 20

2.1K 60 1
                                    

----

“Babe, I’ll fetch you later okay!” Sabi niya ng makarating kami sa bahay matapos niya akong ihatid. Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang gagawin ko e.

“Hindi na siguro babe. Isasama ko naman si kuya. Okay lang ba?” medyo nalungkot siya pero ayoko na siyang abalahin pa. Gusto ko rin siyang makapag prepare.

“Hmm. Okay babe! Anything you want.” Tinaggal ko na ang seatbelt ko at bababa na sana ako kaya lang pinigilan niya ang braso ko.

“What?” nagtataka kong tanong.

Nakakunot ang noo niya at nakanguso. Ano nanaman problema nito?

Ba’t ganyan itsura mo?” hindi ko maiwasang mangiti.

“You forgot something.” Nakatitig naman siya ngayon sakin.

Tiningnan ko siya ng ‘clueless-look’.

Wala pa tatlong Segundo hinahalikan niya na ako. Ah ‘yon naman pala e. Wala naman na ako nagawa kundi ang magpaubaya nalang. Kailan pa ba ako tumanggi sa halik niya?

Humiwalay din naman siya agad.

“Ngayon alam mo na babe! Don’t ever forget that again. Aryt?” tango nalang ang naisagot ko. Tingin ko hinding hindi ko talaga makakalimutan ‘yon.

“Sige na bababa na ako.” Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya at kumaway muna sakanya bago ito isinara.

Binuksan niya pa ang bintana sa driver seat at tsaka nag flying kiss bago pinaandar ng tuluyan ang sasakyan niya. Ngayon alam ko na ang feeling ng totally in love. Ang gaan sa pakiramdam.

Pumasok ako sa kwarto at nadatnan ko doon si kuya at Akkina na nag uusap.

“Hi.” Bati ko sa kanilang dalawa.

“Hello.” Kinawayan ako ni Akkina. Umupo ako sa sofa at nahuli ko pa silang dalawa na titig na titig saakin.

“What?” kunot noong tanong ko.

 

“Tinawagan ako ni Cloud kani kanina lang. He’s inviting us for dinner.” Sabi niya. Ang pasaway na ‘yon! Nakikipag usap sa phone habang nagd’drive.

“Yup, you’re coming with me.”

Sa totoo lang nagre relax ako kahit papaano naman mawala ang kaba ko…

“What’s your plan? Wag mong sabihing ganyan ka haharap sa kanila?” buntong hininga lang ang naisagot ko sakanya.

Medyo alangan nga din ako kung paano haharap sa kanila.

Ang totoo kanina ko pa iniisip kung ano ang gagawin ko? Simula sa pag iisip kung ano ang susuotin kung damit. Kasi naman… first impressions last diba…? At naniniwala ako doon.

 

“Shone, I think we can help you with that! kung okay lang sa’yo.”  Sabi ni Akkina na nag niningning ang mga mata. Haiss! Kailangan ko nga ata ng tulong nila.

Wala pang 30mins. Ay nagkita kita na kami ng mga kaibigan ko sa mall.

“Wow! This is it na talaga! I’m so excited!” Si Beth

 

“O ano pang hinihintay natin simulan na ‘yan! Tara let’s!” Si Hannie.

“You ready?” tanong saakin ni Jhane.

Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanilang lahat. Kailangan talaga sama sama kami? Hayaan na nga that’s what friends are for!

Ang Astig Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now