AAKG 11

2.1K 42 0
                                    

[CLOUD’S POV]

Matapos kung mapainom ng gamot si Babe, nahiga na siya at nagtalukbong ng kumot. Ano ba ‘yan hindi ko man lang matititigan ‘yong mukha niya. Nakakatuwang isispin na nagagawa koi to sakanya ngayon. Sa araw araw ba naman na pagsunod ko sakanya halos masuka na siya tuwing nakikita niya ako. Pero ngayon feeling ko may pag asa na akong gawin siyang babae. ‘Yon naman talaga ang gusto ko eh. Gusto kung iparealize sakanya kung ano ba talaga siya. Ganon din ang gusto ng kuya niya kaya naman noong nalaman niyang may gusto ako sa kapatid niya. Hinahayaan niya lang akong umaligid sa kapatid niya kasi gusto niya ring maging tunay na babae ang kapatid niya. Haiss! Kunting tiyaga nalang Cloud, ngayon pa ba ako sususko? Lumapit  ako sakanya, mukhang nakatulog na ata siya, siguro dahil ‘yon sa gamot na ininom niya. Iniayos ko ang pagkakahiga niya at kinumutan siya ng maayos. Naupo ako sa upuan sa may side ng bed niya at pinagmasdan ang mukha niya. Ang amo ng mukha nito. Para siyang anghel kung titingnan mo. Habang tinitingnan ko siya may isang bagay akong naisip, ang babaeng to. Siya ang gusto kung makasama habang buhay.

---

“Hmmn…” Naimulat ko ang mga mata ko. Haiss! Nakatulog pala ako. Napatingin ako sa kama. Wala nang tao doon. San naman kaya nagpunta ‘yon? Agad akong lumabas ng room niya at bumaba ng hagdan. Ayon! Nakita ko siyang naka indian set sa couch habang nanunuod ng t.v.

“O hijo, gising ka na pala. Ang sabi ni Shonelle nakatulog ka daw!” Bungad sakin ni manang, kakalabas niya lang galing ng dining area na may dala dalang isang baso ng orange juice. Para kay Shonelle ata ‘yon.

“Opo manang, kaya lang po hindi man lang ako ginising ng babe ko.” Nilingon ko naman si Shonelle na napatingin saakin, pero iniiwas din agad. Natatawa tawa naman si manang ng tingnan ko.

“Hijo, mabuti pa pakibigay nalang ito kay Shonelle at ikukuha kita ng meryenda.” Iniabot niya saakin ang baso ng juice. Kinuha ko naman iyon. Teka! Meryenda?  Napataingin ako sa wrist watch ko 3pm na pala. Napahaba naman ng tulog ko.

“Sige po manang, Thank you po!” Tumalikod narin siya at ako naman dumiretso sa sala at naupo malapit kay Shonelle. Bali nasa mahaba kaming couch nakaupo at nakaharap sa t.v. hindi parin siya tumitingin sakin habang kumakain ng cake. Inilapag ko sa table ang juice niya katabi ng plate na may lamang cake at saka siya tiningnan na nakatuon parin ang paningin sa t.v! Tingin ko magaling na siya.

“Babe? Magaling ka na ba?” Tanong ko.

“Obvious ba?” Sabi niya na hindi parin nakatingin sakin.

“A-ah  oo nga tingin ko magaling na magaling ka na, ang galing ko talaga mag alaga.” Sabi ko pa nangingiti ngiti sakanya. Napakunot naman ang noo niya.

“Bakit babe? Totoo naman ah!” Nakangusong sabi ko. Ngumisi lang siya sakin.

“Wag mo ng asahang pasasalamatan kita, kasi hindi ko naman hiniling na gawin mo ‘yon.” Sabi niya na hindi parin ako tinitingnan. Umusod ako ng bahagya sakanya kaya kunti nalang ang distansyang naiwan saming dalawa. Lumingon siya saakin at pinanlakihan ako ng mata. Ngumisi lang ako.

“Ano ka ba babe? Hindi mo naman kailangan gawin ‘yon e. Responsibilidad kong pangalagaan ka. Ganon kita kamahal.”

“Kilabutan ka nga diyan sa mga pinagsasabi mo. Pati kalamnan ko hindi kinakaya!” Umusod siya ng kaunti, kaunti lang kasi dulo na iyon ng couch na inuupuuan namin.

“Ah – Hehehe.. talaga babe! E bakit namumula ka! Oy ang babe ko tinatamaan narin ng charms ko. Aminin mo na kinikilig ka sakin noh!?” Ahehe kung nakikita niyo lang siguro ang face niya ngayon haha! Nakakatuwa.. Hindi kasi siya makatingin sakin, mukha siyang natetense!

“Shut up!” Sabi niya saka nag cross arms at tumutok sa t.v..

“Babe sige na aminin mo na! Oy kinikilig din yan! Ayiee babae na ang babe ko.” Sinundot sundot ko pa ang tagiliran niya.

“Hindi ka ba talaga titigil ha?” ang sama ng tingin niya sakin . Uh oh!

PAKKK!!!

“Aray ko babe! Teka lang babe!! Awww – wooh ‘’tek----ah ang saki--- babe tama na--- aray---aray … Ahh ---Awww !!!

“’Yan ang nababagay sayo, kapag hindi kapa tumigil, mas malala pa diyan ang aabutin mo sakin!”  Pinagpapalo ba naman ako sa ulo at para siyang babaeng naubusan ng pasensya sa kausap at pinagsasaktan, kung saan saan dumadapo ang mga mga kamay niya.

 “B-babe naman!" Sabi ko habang nakasangga parin ang dalawang kamay.

“O, ano ba nangyayari sainyong dalawa? May naririnig akong sumisigaw.” Si Manang na may dala dalang tray na may lamang cake din at saka juice.

“Manang kasi ‘yang alaga niyo napakasadista!” Turo ko kay  Shonelle na nakaupo at nakakunot ang noo.

“Hay mga kabataan talaga! O siya marami pa akong gagawin maiwan ko na muna kayo.” Inilapag nito ang dala niyang tray at tumalikod.

“Thank you Manang!” Pahabol ko pa sakanya.

“Hindi ka pa ba uuwi? Mukhang nasasarapan ka na naman dito.” Baling niya saakin. Umiling iling naman ako.

“Gusto pa kita makasama e!” Seryosong sabi ko. “Tsaka nagpromise ako sa kuya mo na aalagaan kita.” Nagulat naman siya sa sinabi ko.

“Ano bang meron sainyo ng kuya ko at pinagkakatiwalaan ka niya ng ganyan?” Sabi naman niya. Kung alam mo lang babe. Iisa lang ang misyon namin kaya kami nagkakasundo.

“We're close friends! May tiwala siya sakin kasi good boy ako.” Proud ko namang sabi.

“Tch!” Ngumisi lang siya saka tumayo sa couch pipigilan ko sana siya kaya lang nakita kung doon siya pumunta malapit sa drawer at binuksan iyon, na curious ako at lumapit din sakanya. Sinilip ko ang laman ng drawer at tumambad saakin ang dvd’s na puro Korean novelas.

“Babe, mahilig ka pala sa Korean novelas hindi halata ah!” Ngingisi ngisi kung sabi hindi niya ako pinansin at isinarado niya iyon matapos niyang kumuha ng dalawang dvd’s. Dumiretso naman siya sa dvd player at isinalang iyong unang cd. Matapos niyang gawin yon umupo ulit siya sa couch at ganon din ang ginawa ko.

“Babe, magmo movie marathon tayo?”

“Pwede ka ng lumabas kung ayaw mo.” Hay ang taray naman ng babe ko.

“Siyempre gusto, gustong gusto!!” Tatanggi pa ba ako! No way!

“E di manahimik ka diyan.” Nanahimik naman akong napasandal nalang sa couch at tumingin sa t.v.. Hindi ako mahilig sa Korean novelas kasi hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi nila. Tiningnan ko ang title “1oo days with my arrogant boy” ang nakalagay na title ng movie. Nilingon ko si Shone tahimik lang siyang nanunuod ng movie. Ganon na din ang ginawa ko. Haiss! Wala akong maintindihan pero nakakatuwa ‘yong babae. Panay parin ang lingon ko kay Shonelle na tutok na tutok sa pinapanuod namin. Natapos ang isang movie na iyon na parang siya lang din ang pinanuod ko. All in all maganda naman iyon! Isasalang niya na ulit ‘yong isa pang movie kaya lang biglang bumukas ang pinto at napakaraming tao ang iniluwa noon!! Madaming istorbo!!

“Hi Shone!" Si Beth. Napatayo naman kaming dalawa habang papalapit sila saamin. Si Beth ang unang lumapit kasunod noon ang kuya niya at si Akkina. Hannie,Jhane, at ..

“Hi dude!” Si Seb? Bakit ba ito nandito?

Ang Astig Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon