AAKG 15

1.8K 49 0
                                    

AAKG  15

---

“Wow ang ganda niya naman!” Beth

“Saan kaya siya galing?” Jhane

“Siguro mayaman ‘yan ganda ng kutis oh!” Hannie

Opinyon nila ng pumasok si Ma’am kasama ang babaeng maganda. Maganda siya kung maganda pero hindi ako interesado.

“Good Morning class! I want you to meet Ms. Lalaine Perez your new classmate.”

“Hi!” Masiglang bati niya saamin. Makikita sa mukha niya na masayahin siya at lalo iyon nakakadagdag sa ganda niya.

“Shone! Nakatingin sayo oh! Mukhang type ka.” Sabi ni Beth saakin.

 

“Oo nga Shone!” Dagdag pa ni Akkina. Tumingin ako sa babae at tama nga sila, saakin nakatuon ang tingin niya habang nakangiti, at may kung anong meaning ang ngiting ‘yon. Nagawa ko siyang suklian ng ngiti pero umiwas ito. What the fuck! What’s your’re problem men!?!!

 

‘Oppss! Mukhang basted ka agad dude!” Nakangising biro sakin ni Beth. Inirapan ko lang siya.

“Tsch! As if namang type ko siya.”

 

“Ah! Hindi mo siya type? Baka naman kasi si Cloud na ngayon ang type mo?” Halos malaglag ako sa upuan sa banat na ‘yon ni Akkina.

 

“Ow… Sorry, I’m just kidding! Hehe!” Wala naman akong nagawa kundi ang tumahimik nalang. Speaking of that devil. Hindi niya ako pinatulog kagabi. Bwesit na ‘yon. Iniangat ko ang paningin ko at umiling iling. Dumako ang paningin ko sa bago naming classmate na ngayon ay naka upo na sa may unahan. Tsh! Unang tingin palang maarte na.

---

 

“Okay! Lunch break na!” Si Beth.

Napatingin ako sa gawi ng bago naming kaklase. Kinakausap siya ng mga kaklase kong malapit sakanya.

“Gusto mo sumabay maglunch?” Sabi nong isa.

“No, I’m with someone.” Sabi nito saka dire-diretsong lumabas ng room. Sabi na nga ba e. May ugali ang isang ‘to.

“Tara na.” Sabay sabay kaming lima pumuntang canteen.

“Guys, nakikita niyo ba ang nakikita ko?”Si Beth. Tumingin ako sa gawi kung saan siya nakatingin.

“Oh my…” Si Hannie

 

“Uh oh! Close ba sila?” Si Jhane.

 

“I think they are more than just close.” Si Akkina.

Tama. Kasi walang magkaibigang lalaki at babae ang nagho-holding hands. Hindi nila kami napapansin dahil abala sila sa pag uusap habang magkahawak ang kamay. Kahit sa malayo halata ang pagka irita sa mukha ni Cloud habang kausap ‘yong babaeng transferee. Ano bang pake ko sa kanila. Tsaka mukha siyang iretable pero bakit nakahawak kamay. Labo mo ‘tol! Manalamin ka nga!! Tsh!

“Tara na.” Nauna akong naglakad sa kanila.

“Uyy. Selos yan~~ haha!” Si Beth na sinabayan pa ng tawa ng tatlo kong kasama. Naman!

“Ako selos? No fucking way!”

 

“O, ba’t ka sumisigaw? Easy lang dude!” Si Jhane.

 

“Amin amin din kasi pag may time!” Dagdag pa ni Hannie.

“Uy. Tigilan niyo na ‘yan baka biglang umamin ‘yan ng wala sa oras.” Isa pa ‘to! Napagkakaisahan na naman ako ng mga ito ah.

“Iyon nga ang ina antay namin e.” Si Beth. Hindi naman sa pikon ako pero nakakapikon talaga.

“Pwede ba tigilan niyo nga ako. I AM. NOT. JEALOUS. OKAY!” Madiin kung sabi sa kanila.

“Okay! Okay! Sabi mo e” Nakangising sabi ni Beth.

“Okay hindi daw siya selos ah! Tara na let’s eat!” Nakangisi ring sabi ni Jhane at nagpauna silang maglakad. Dammit! Alam ko namang they are not convinced. What the hell is going on with me? Selos nga ba ako? Why would I be? Shit!

 

“Let’s go. Ayos ka lang?” Si Akkina. Pati ba naman siya? “You’re not convinced that I am not jealous, aren’t you?” Kunot noong tanong ko sakanya. Nagkibit balikat lang siya at naglakad. Sumunod naman ako. “Do I really look jealous?” tanong ko sakanya habang naglalakad kami.

Nang makarating kami ng canteen.

“Look at them.” Tiningnan ko ang inginuso niya. Saktong pagtingin ko sa gawing iyon, nakita ko kaagad si Cloud na kaharap ‘yong babae na nakaupo sa iisang mesa. Nag uusap pa rin sila pero ngayon mukhang kalmado na ang mukha ni Cloud. Napakunot ang noo ko ng ngumiti siya dito. Ang mga ngiting iyon na sumasalubong saakin araw araw.

“Hey. Now tell me. What do you feel by looking at them?”

 

“I don’t know what you’re talking about.” Sagot ko. Pero may kung anong kirot sa puso ko habang nakikita siyang nginingitian ang babaeng ‘yan. Saktong pagbaling ko ulit sa kanila ay nagtama ang paningin namin at nagulat pa siya. Pero agad ding umiwas? What’s that? Parang lalong kumirot ang dibdib ko sa ginawa niyang iyon. Shit ka Ulap!

 “Let’s go.”Aya ko. Lumapit kami sa mesang kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

“Okay. Don’t hide it from me. I know what’s going on you.”

“Whatever.”

Tahimik lang ako habang kumakain samantalang itong mga kasama ko kung saan saan napupunta ang usapan. Pero ramdam ko ang pagtingin nila saakin at paminsan minsan nagtitinginan sila. Hinayaan ko ‘yon at nagpatuloy sa pagkain. Tanging sa pagkain lang ako nakatingin dahil ayokong magkamaling mapatingin sa gawi ni Ulap.

Shit! Hindi na maganda ‘tong nararamdaman ko!

Nagpaalaam akong mauuna na sa kanila at nagmadaling umakyat ng rooftop na hindi man lang lumilingon. I took a deep breath bago humiga sa upuan. Meron pa akong 30 mins. Para magrelax. Iniisip ko kung ano nga ba nangyayari saakin. Nakakapanibago dahil hindi ako pinapansin ni Ulap. At isa pa, kaanu-ano niya ang babaeng ‘yon?

Kung iisipin kong mabuti. Dapat masaya pa nga ako ngayon dahil sa wakas lulubayan na ako ni Cloud. Iyon naman talaga ang matagal ko ng hinihiling hindi ba? Ang malayo sakanya at hindi niya ako pansinin. Pero tuwing iisipin ko ‘yon. Hindi maganda ang nagiging pakiramdam ko.

Shit! Hindi kaya?

I’m falling in love with him?

 

 


Ang Astig Kong GirlfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin