CHAPTER 8

157 8 1
                                    

LUNA

Saturday ngayon and I don't have plans for today kaya nakakulong lang ako sa kwarto ko.
Cup noodles check
Potato chips check
Water check
Soda check
Cake check
Ice cream check
Chocolates check

Perfect.

Ito na pipindutin ko na lang yung green button!!!

"Luna." It's Tita Sarah, kaya mabilis akong tumayo sa kama ko at pinagbuksan siya ng pinto.

"Are you okay there?"

"Yes po tita."

"Uhmmm I know that you want to spend your weekends in your room but can I ask you something?"

"Opo Tita."

"Kasi alam mo naman na mas bumaba ang grades ni Cici and pinatawag ako sa school kahapon ng adviser niyo and she asked me to make move about it or else hindi siya makaka graduate, I know may advantage siya as a player of archery but it's not enough para maipasa siya in academics. So can I ask you if you can help her to study her lessons for this upcoming exam?" Hinawakan ni Tita Sarah yung kamay ko to please me.

"S–sure tita. Nasaan po ba siya ngayon?"

"Haist about that sabi nung security guard umuwi na daw si Cici ng 3am at lasing na lasing kaya tulog pa din sa kwarto niya."

"Okay tita Sarah ako na po ang bahala, mukhang may meeting pa po kayo baka ma late na po kayo."

"Thank you so much Luna."

"Aalis na ko, by the way sila Ellie and Belle umuwi muna sakanila." Kaya pala nag-iwan lang siya ng breakfast kanina, 9am na din kasi.

"Sige po tita ako na po bahala." Binigyan niya muna ko ng kiss bago siya umalis.

Ako naman ay inayos ko na yung mga kakaininin ko sana para sa movie marathon ko tsaka ako dumiretso sa kwarto ni Cici.

"Ci" sinubukan kong kumatok pero walang nagbubukas. Kaya kinuha ko na yung susi ng kwarto niya at binuksan to, at tulad ng inaasahan ko ang gulo ng kwarto niya.

May mga poster ng mga paborito niyang banda, nakakalat ang mga maruruming damit, yung bag niya nakita ko na nga sa basurahan na may laman na din ng mga damit niya. Haist.

"Ci wake up." Umingit lang siya at tinalikuran ako.

"Ci this is me Luna, bumangon ka na diyan."

"Just 5 minutes. Please." Ok she use the word please, wala na kong magawa kung hindi pulutin at iayos ang mga kalat nag set na din ako ng timer sa cellphone ko ng 10 minutes may pasobra ng 5 minutes malamang kasi sobrang sakit nanaman ng ulo nito.

After 10 minutes naayos ko na yung gamit niya.

"Ci 10 minutes na ang nakakalipas bumangon ka na diyan." Ginulo niya muna yung buhok niya at umupo na sa kama niya at tiningnan ako ng masama.

"What now Luna?"

"Tita Sarah asked me a favor kaya please sumunod ka na lang pwede?" Tiningnan niya lang ako.

"Ok fine!" Bumangon na siya ay dumiretso sa banyo para maghilamos ako naman ay kinuna na yung sapin, punda, at kumot niya, sinama ko na din yung mga marurumi niyang damit at nagpatulong sa maid na kinuha ni tita Sarah tuwing weekends para maglaba ng mga damit namin 4.

"Kwarto ko ba to?" Ang sarcastic niyang tanong.

"Hindi ka padin nagbabago Cici ang kalat padin ng kwarto mo."

"At hindi ka padin nagbabago Luna mahilig mo pading pakielaman ang gamit ko." Lumabas na siya ng kwarto at ako eto napailing na lang dala dala yung bag niya. Dumiretso na siya sa kusina at kinain ang pagkain na natira para sakanya sa lamesa.

HER LAST LETTER FOR ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now