CHAPTER 22

128 7 0
                                    

ELLIE

Hindi na ko tumuloy pa kahapon sa pagpunta sa office ni Tita Sarah. Paulit-ulit kong binasa ang sulat na binigay sakin ni Luna, pero kahit ilan beses ko man na itong nabasa nandun padin yung sakit.

Pagpasok ko sa office niya hindi ko maiwasan na mapansin ang bakanteng pwesto kung saan nakalagay ang dating painting ko.

Ang unanag painting na tinitigan namin ni Luna ng magkasama.

"I'm sorry Ellie but I gave your painting to someone na sobrang nagustuhan ang painting mo." Binigyan ko na lang ng isang ngiti si Tita Sarah, kahit ang painting na yun nagsasabing mag let go na ko.

"Okay lang po Tita. Tita Sarah gusto ko lang pong humingi ng sorry. Dahil nung araw po ng graduation bigla na lang po ako nawala sorry po Tita Sarah." Tumayo siya sa pagkakaupo niya at hinawakan ang kamay ko.

"I understand you Ellie." Binigyan lang niya ako ng ngiti.

"Alam ko kung gaano mo na na miss ang mga magulang mo, and for sure sobrang proud sila sayo." Napangoti na lang ako.

"Pero alam mo ang kinakatampo ko lang sayo Ellie bakit hindi mo sinabi sakin na nag wo-working student ka? You don't need to do that Ellie I can help you ako ang magpapaaral sayo sa college." Umiling na lang ako sa mga sinabi niya ayokong habang buhay na umasa kay Tita Sarah.

"Tira Sarah sobrang na appreciate ko po talaga ang lahat ng tulong na binigay niyo po saakin pero Tita Sarah ayaw ko po na habang buhay ay umasa po ako sainyo. Isa pa po mahihirapan lang po ako dahil kay —" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng maramamdaman ko na lang na bigla na lang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Kay Luna. I know Ellie." Napayuko na lang ako.

"Yun ba ang reason mo kung bakit hindi mo tinanggap ang offer ko sayo?"

"Opo Tita mas lalo lang po kaming mahihirapan ni Luna." Bumitaw naman na si Tita Sarah mua sa pagkakahawak sakin.

"So what's your plan now? Alam kong ayaw mo ng tulungan kita pero please kahit sa maliit na paraan Ellie hayaan mong tulungan kita." Napalingon ako sa upuan kung saan unang beses kong nakita si Luna.

Kung saan una kong ginuhit ang mukha niya sa maliit na sketchpad ko.

Kung saan una kong nakilala ang babaeng mamahalin ko ng sobra at magiging dahilan ng mga luha ko sa mahabang panahon.

"I want to ask you one favor Tita Sarah." Ngumiti ako at kinagat ang labi ko para pigilan ang muling pag-iyak ko.

"Anything Ellie."

"Kung hanapin man po ako ni Luna, please tell her—"

"What?"

"That I want to start to paint in my new canvas." Nagtataka lang akong tiningnan ni Tita Sarah.

"That's all Ellie?" Nakangiti lang akong tumango.

"Opo Tita." Sakto naman na tumunog ang alarm ni Tita Sarah for her next meeting.

"Tita Sarah." Yinakap ko siya ng mahigpit.

"Alam ko po na hanggang ngayon dinadala niyo padin po ang biagt sa dibdib niyo dahil sa pagkamatay ng mga magulang namin ni Luna." Naramadamam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya kaya alam kong totoo.

Dahan dahan akong bumitiw at tinitigan si Tita Sarah ng diretso sa mata.

"It's not your fault Tita Sarah don't carry that burden forever. Alam ko po na nakikita ka nila and they are all thankful dahil nagkaroon sila ng mabuting kaibigan katulad niyo po." Dahil sa mga sinabi ko nilabas na niya ang lahat ng bigat na nararamdaman niya.

HER LAST LETTER FOR ME [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora