CHAPTER 21

154 8 0
                                    

ELLIE

Grabe ang sakit ng ulo ko, kaya siguro si Cici tuwing umaga mainit lagi ang ulo.

Tumayo na ko para maghanda ng makakakin ko dadaanan ko na lang si Tita Sarah sa office niya para makapag pasalamat, pero paglabas ko may naamoy ako na nagluluto then I saw Belle.

"Belle." Binigyan niya ko ng isang magandang ngiti.

"Good morning El!" Tiningnan ko lang siya, I know pinipilit niya na maging okay lang ang lahat sa pagitan naming dalawa, kaya yun na lang din ang ginawa ko.

"Siguraduhin mo lang na may lasa yan." Inirapan niya lang ako.

"Ilagay ko kaya yung isang pack ng magic sarap dito?" Pinigilan ko na lang yung tawa ko at lumapit sakanya sinilip ko kung ano yung niluluto niya.

"New recipe?" Masyado pala kaming magkalapit dalawa kaya napaatras ako.

"Yep tinuro saakin to ni Ci." Sandali siyang napahinto pero umiling at pinagpatuloy ulit ang paghahalo sa fried rice niya na may toyo, hotdog at itlog na may corn at carrots.

"What do you want to drink?"

"Te- I mean milk." Nginitian niya lang ako.

"You don't need to change yourself El, If you really want to drink tea then go." May nilabas siya sa dala niyang paper bag.

"Hindi ko alam kung ano yung mga tea na iniinom mo but here, nakita ko sa kusina natin kila Ci, yung lagi niyong iniinom ni Lu-" napahinto siya sa pagsasalita.

"Luna." Sabihin ko lang ang pangalan niya nasasaktan na ko. Tumingin ako kay Belle at alam ko kung gaano niya iniisip na nasira niya ang aura sa pagitan naming dalawa kaya ngumiti na lang ako and just change our topic.

"Do you have any plan for today?" Tumango naman siya.

"Aayusin ko lang yung papers ko sa school natin para makapag enroll na ko for college. Gusto mo sabay na tayo?" Umiling lang ako.

"May gagawin ako ngayon, tsaka ko na aayusin yung saakin." Tumayo na ko para maghanda ng gatas para sakin and coffee for her, nag-aalala niya lang akong tiningnan that's why I pat her head.

"Trust me I really want to drink milk for today." Nginitian niya lang ako.

Habang kumakain kami nakita ko na may tumatawag sakanya nakita ko sa picture yung naiinis na mukha ni Ci habang nakaakbay si Belle sakanya.

Pero imbis na sagutin ay tinaob niya lang ang cellphone niya at hinayaan na ma vibrate.

"Why you didn't answer her?" Tiningnan lang niya ko and I saw in her eyes na nakokonsensya siya.

"I'll talk to her later, but not now." Nararamdaman ko na may ibang nangyari sakanilang dalawa.

"May nangyari ba sainyo ni Ci?" Halata na bahagya siyang nabigla sa sinabi ko pero just like she always do she just fake her smile.

"Wala ah! Mang-aasar lang naman yung babaeng yun!" Tumango na lang ako I don't want to force her.

But I know maybe Acici confess her feelings for her, but Belle rejcted her because of me.

"Belle." Napatigil siya sa pagsubo niya sa pagkain niya at tiningnan ako maybe she knows that I want to talk about what happened last night ,hindi naman ako ganun kalasing I still rememeber everything.

About her confession.

I know she didn't say it directly that she loves me but I know that is her way to tell her feelings for me.

HER LAST LETTER FOR ME [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz