CHAPTER 19

134 7 2
                                    

CICI

After the graduation inaya na ni Mama ang mga parents nila Belle. For the first time nagkasama kami ni Mama sa iisang kotse first time simula ng iwan kami ni Papa.

Nakasunod naman saamin sila Belle and sila Leo and Luna together with his parents.

"Ci." Napaayos agad ako ng upo.

"M–ma."

"I want to congratulate you and I'm so proud of you." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Thank you Ma."

"Ci alam kong masama ang loob mo sa naging desisyon ng board." Umiling lang ako and gave her a smile.

My last smile.

"No Ma naiintindihan ko po at dati pa man ayaw ko naman po talaga alam niyo po kung ano ang gusto ko."

"Music." Sabay kaming nagsalita ni Mama.

"Yan ba talaga ang gusto mo?" Tumango nama ako.

"Okay I'll support you with that, may alam akong music school."

"No Ma. Gusto ko pong matutunan ang music through experience." Totoo naman di ba? Hindi naman lahat ng natutunan ay kailangang pinag-aaralan minsan dapat matuto din sa karanasan.

"Don't tell me na aalis ka?"

"Yes Ma. Please." Nagbuntong hininga lang siya.

"Give me some time to think about it My young lady Acici Heron ." Huminto na ang makina ng kotse, nandito na pala kami. Pagbaba namin sa kotse napatingin ako kay Luna na tahimik lang kasi doon siya sumasakay sa sasakyan ng pamily ni Leo.

Mabilis naman nilapitan ni Mama ang pamilya ni Belle para papasukin kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Tita and Tito mag-uusap lang po kami ni Belle." Nagtataka naman akong tiningnan ni Belle. Kaya sumunod na lang siya ng hitakin ko siya sa garden.

"Para saan naman to Cici?" Ang natatawa pa niyang sabi. Humarap ako sakanya at mabilis kong hinawakan ang pisngi niya then I kiss her lips.

Her soft lips.

For one last time.

"Ci—Ci! Baka makita nila tayo!" Tumingin pa siya sa paligid pero wala namang nakakita samin.

"I don't care." Tintigan ko lang siya sa mata.

"Para saan ba yun Acici?! Hays!" Halata ang inis sa kanya.

"Alam mong huli na to. Hindi na tayo magkikita ulit." Bigla naman siyang nalungkot.

"Bakit kung makapag salita ka parang hindi tayo magkikita? 3 hours lang ang biyahe kayang-kaya mo kong puntahan o kaya ako abg ouounta sayo."

"For what?"

"To—" hindi niya na natuloy ang sasabihin at napakagat na lang siya sa labi niya.

"What?! To fuck ourselves?! No Orabelle Dinley let's stop this." Bigla naman siyang nagseryoso ayaw niyang sinasabi ang buo niyang pangalan.

"You know how much I hate to call me by my name Acici Heron."

"And you know how much I love to call you by your name everytime we do that."

"Ano ba Acici! Ano nanaman bang trip mo?! Hindi ka nakakatulong alam mo bang iniisip ko padin kung bakit bigla na lang umalis si Ellie?!" Fuck si Ellie padin!

"What if I'll tell you that I'm leaving too... Iiisipin mo din ba ko?" Sandali kaming natahimik at nagtitigan lang, hanggang sa sumilip saamin sila Leo and Luna para magpaalam.

Pero hindi ako nakaramdam ng selos o ng inis, hindi katulad ng nararamdaman ko ngayon ng sinabi ni Belle ang pangalan ni Ellie.

"Bakit hindi mo pinigilan si Luna?" Ang tanong niya sakin pero halata ang inis sa mga mata niya.

"Ikaw bakit hindi mo pinigilan si Ellie?" Natahimik naman siya sa naging tanong ko.

"Kasi alam ko. Ramdam ko na parehas na tayong pagod." Lumapit ako sakanya then I hold her hand nagtataka lang niya kong tininginan dahil sa ginawa ko.

"To chase those people who can't love us back, to those people who lead us to use each other. Belle totohanin na natin to." Bahagyan siyang nagulat sa sinabi ko. Kaya napaatras siya at dahan dahan inalis ang kamay ko.

"N—No Ci ,I—I'm sorry I can't."

"Belle?"

"I can't love you Acici. I still love her." Ang sakit sa dibdib.

Nakakapanlata.

Nakakapanghina.

Nakakabingi.

Pero, sana bingi na lang ako para hindi ko nnarinig ang mga huling salitang sinabi niya.

I can't love you Acici. I still love her. Tang*na!

Hindi ko na mapigilan ang umiyak hanggang sa maramdaman ko na papalapit siya sakin then she hug me.

"I'm sorry Acici." Sinubsob ko lang ang ulo ko sa balikat niya at umiyak.

She broke me, but still for me she's the most beautiful melody that I ever heard in my whole life.

My Orabelle Dinley.

My one and only Belle.

- - -

HER LAST LETTER FOR ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now