CHAPTER 14

135 5 2
                                    

LUNA

Hindi ko alam kung bakit ako pinapunta ni Tita Sarah sa office niya After lunch. Ang pinaka bilin niya ay ako lang mag-isa ang pumunta.

Pagpasok ko palang sa company ay sinalubong na agad ako ni Ms.Georgina ang secretary ni Tita Sarah.

"Luna, tara muna sa office ni Ma'am Sarah." Ngumiti naman ako at sinundan si Ms.Georgina.

"Uhmmm Ms.Georgina alam niyo po ba yung reason kung bakit po ako napatawag ni Tita Sarah?" Bumuntong hininga na lang muna siya.

"Si Ma'am Sarah na ang bahalang magpaliwanag sayo." Nginitian niya lang ako. Pagkahatid niya saakin sa office ni Tita Sarah ay nagpaalam na din siyang umalis.

"May gusto ka bang drinks Luna?" Umiling naman ako

"Okay lang po ako." Kaya naiwan na lang akong mag-isa sa office ni Tita Sarah. Umupo ako pero napatitig ako sa painting na una naming nakita ni Ellie nilapitan ko ito at muling tinitigan.

"E.L.F" wait!

"Yes that painting si Ellie ang may gawa niyan." Napatingin naman ako kay Tita Sarah.

"The same painter who gave you a painting on your birthday." Sinundan ko lang ng tingin si Tita Sarah hanggang sa nilapag niya ang bag niya sa lamesa niya.

"Nakita ko kayo ni Ellie at alam kong may iba sainyong dalawa." Napalunok naman ako bago ko lumapit kay Tita Sarah.

"Tita ka-"

"No. Luna you can't. Alam kong magksundo kayo ni Ellie pero hindi pwede. Alam kong magmumukha akong masama but gusto ko lang ang makakabuti sainyong dalawa."

"Pero Tita." Pumikit lang siya at umiling.

"Nakausap ko ang mga magulang ni Leo gusto nilang sabay kayong mag-aral ni Leo after your last sem this year." Napalunok na lang ako

"Then after that magpapaksal na kami? Tita I can't. Ayoko po. Tita promise after ko pong maka graduate mag a-apply po ako ng work I can live on my own Tita lalo na po at nasa legal age na po ako."

"Look Luna ayoko talagang gawin to but I have no choice nangako ako sa mga magulang mo na gagawin ko kung ano ang makakabuti sayo at ito yun, this is not just for you pero para narin kay Ellie." Napayuko na lang ako.

"I'm sorry Luna pero hindi ako payag kung sa ano man ang nararamdamam niyo ni Ellie sa isa't isa." Wala akong magawa.

Yung gusto kong ipagmalaki sa iba na mahal ko siya pero hindi... Dahil yung pagmamahalan nga pala namin ay maraming maaring manghusga.

"May isa pa kayong sem and I'll let you to be ready with it Luna." Hindi ako nagsalita.

"Sige na may meeting pa ko ipapahatid na lang kita sa compnay driver natin." Palabas na sana si Tita Sarah ng office niya ng pigilan ko siya.

"Tita wag niyo po munang sasabihin ito kay Ellie. Alam na po niya ang tungkol saamin ni Leo pero yung tugkol po sa pagpayag niyo please wag po muna." Ngumiti naman si Tita Sarah.

"Someday you'll understand why I'm doing this for you Luna."

- - -
Nakauwi na ko saamin sakto naman at magisimula palang silang kumain tatlo ng hapunan, umuwi kasi muna ko sa bahay namin to relax myself.

"Luna! Tara kain tayo!" Ang masayang aya ni Belle sakin, ikukuha na sana niya ko ng plato pero umiling lang ako.

"Hindi muna ko kakain." Umakyat na lang ako sa kwarto ko, naghilamos na lang din muna ko baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos ay humiga na agad ako sa kama.

HER LAST LETTER FOR ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now