CHAPTER 15

132 6 0
                                    

LUNA

Malapit ng matapos ang school year and next year college na kami. I admit it naging busy na si Ellie sa school activities, our teacher saw the potential of Ellie in arts kaya kinuha siya ng teacher namin as her assistant sa tuwing nagtuturo siya sa college department ng school hanggang sa naging part time job na niya ito at pinagkakitaan.

I miss her.

Habang naglalakad ako papaunta sa library mag-isa I saw her habang bitbit niya ang ilang art materials.

"Ellie!" Ang masaya kong tawag sakanya nilingon niya ko and gave me a smile.

"Hey Luna." Nahalata ko na nahihirapan siya sa mga bitbit niya.

"Gusto mo tulungan na kita? Magkaklase tayo kaya alam mong vacant ko din ngayon." Napangiti naman siya. Our teachers gave Ellie an exception naipapasa naman niya yung subject namin kahit hindi siya pumasok nakukumpleto din naman niya ang laht ng requirements peto hindi ko talaga maintindihan kung bakit biglaan na lang siyang nag part time job.

"Are you sure malayo dito ang college building?" Napatango naman ako.

Hindi na bale na mahirapan ako sa pagbubuhat basta makasama ko lang siya.

"Yep sure, para makapag libot na din ako kasama ka." Sa totoo lang the last time na nagkasama kami is yung naging date namin sa isang bulalohan at yung road trip then after that wala na. Yes kasama ko siya sa bahay pero kadalasan pagkatapos niya lang maghugas at magluto ay pumapasok na siya sa kwarto, hindi na din niya ko sinasamahan mag tea sa umaga.

Ang hirap kasi sa pakiramdam na kasama mo siya pero parang ang layo-layo niya.

"Ellie may problema ba?" Nahalata naman ang pagkataranta niya sa tanong ko dahil muntikan ng mahulog yung hawak niyang mga art materials.

"W—wala." I know she's lying.

"You can tell me everything Ellie. I know you." Napayuko lang siya.

"Luna alam kong dadating din yung panahon na maghihiwalay tayo and I'm just preparing myself for that." Napahinto ako sa paglalakad kaya huminto din siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Pero ang sabi mo you will neve leave me." Napabuntong hininga siya.

"Luna I want to spend my whole life with you alam mo yan but I can't. You know why I'm doing this? I need to prepare sa college hindi ako pwedeng umasa habang buhay kay Tita Sarah." I understand her but I can't let go her that easily.

"Ellie just tell me that—" napatigil ako sa pagsasalita at tinitigan siya sa mata.

Just tell me that you love me.

" Luna." The way she say my name alam kong she loves me.

"Pwede nating kausapin si Tita tapos—" Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pag-iling niya.

"Luna stop, okay na yung ganito yung magkaibigan tayo, kuntento na ko dun wag ka lang mawala sa'kin." Ramdam ko yung sakit sa bawat salitang binitawan niya.

"Nasasaktan ba kita Ellie?" Umiwas siya ng tingin saakin.

"Ellie!" Sabay kaming napatingin kay Sir Pineda yung kumuha sakanya as his assitant.

"Aalis na ko Luna." Kinuha na din niya yung bag na naglalaman ng art materials na bitbit ko, bago pa man siya makalayo ay tumingin na muna siya saakin.

"Don't think about me Luna. I'm fine as long as you're here on my side." Wala akong nagawa kung hindi pagmasadan siya na makalayo.

Alam kong masasaktan ko lang siya kapag nag stay ako.

HER LAST LETTER FOR ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now