CHAPTER 12

148 6 1
                                    

ELLIE

What the!!!!!!! Anong ginawa ko kahapon?! Ano ba ang sumanib saakin kahapon?! Bumalik ulit ako at tinitigan ang maganda niyang mukha sa pininta ko kahapon.

"She's perfect." Napahawak na lang ako sa maganda niyang mukha.

Paanoo ko to nagawa? Paano ko siya natitigan kung dati naman ay hindi man lang ako makatitig sakanya?

Hindi ko maiwasan na mangiti habang nakatitig sa larawang niyang pininta ko.

She's like a flower, she bloomed beautifully into my life.

"Ellie." Mabilis kong tinakpan ang painting ko kay Luna at bahagyang binuksan ang pinto para hindi makita ang canvas, it's Belle.

"Lunch na hindi ka ba kakain?" Ang nag-aalala niyang tanong

"Hindi muna pasensya na." Kaninang umaga pa ko hindi lumalabas ng kwarto kaya sila munang tatlo ang nagluluto.

"Kanina ka pa hindi kumakain." Lumabas ako mula sa kwarto ko then I pat her head.

"Don't worry about me Belle I'm fine." Ngumiti naman siya.

"Gusto mo ba dalhan nalang kita ng pagkain?" Umiling lang ako.

"Nag pa-paint ka no? I know you El magiging ganyan ka lang kapag nag pa-paint ka." Nginitian ko naman sya.

"Yes and this time it's for someone." Napatango naman siya.

"Okay." Paalis na sana siya but I grab this is the right time to ask her.

"Belle." Lumingon siya saakin.

"Anong meron sainyo ni Cici?" She just gave me a bitter smile.

"We're just friends. Nagseselos ka?" May pang-aasar pa sa pananalita niya pero umilig lang ako. Hindi naman talaga ko nagseselos nag-aalala lang ako para sakanya.

"No. I'm just worried about you."

"As your friend?"

"No. As my bestfriend."

"Hay nako sige kakain na ko." Umalis na siya kaya bumalik na ko sa painting. Tinitigan ko kung anong maari ko pang idagdag dito.

Bloom

- - -

Today is the birthday of Luna and I'm preparing for a birthday cake and her favorite pasta dish Cilantro Lime shrimp pasta. Sa sobrang tagal na namin magkasama hindi ko na namalayan ang paglipas ng panahon. Masyadong mabilis but my feelings for her blooming slowly.

"Woah! Ano yan spaghetti na may hipon?" Si Belle napangiti na lang ako at napailing.

"Wag kang mag-alala may lasa to kesa sa mga luto mo." Tumawa naman siya ng malakas.

"Ang galing mo talagang mag joke El!" Tiningnan ko lang siya.

"I'm not joking Belle. Hindi pa ba nakakabalik sila Cici and Luna?" Umiling lang siya.

"Hindi pa pero tingnan mo tong dala ko! tadah!" May nilabas siyang Japanese Sake.

"Ano naman yan Belle? Iinom tayo?"

"Ano ka ba hindi masaya ang birthday-an ng walang inuman sayang din tong binigay ni Mama na limang bote special day to for Luna!" Napailing na lang ako. Hindi kasi ko umiinom. Well sanay naman ako pero I prefer the taste of Tea.

"Sige ikaw na bahala." Then may nilabas siyang beef na naka marinate.

"Okay so diyan ka na and I'll grilled this one okay." Hinayaan ko na lang siya na mag grilled sa labas busy din kasi ko dito.

HER LAST LETTER FOR ME [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt