CHAPTER 16

131 6 0
                                    

LUNA

Sabado ng umaga nagulat na lang ako ng katukin ni Cici yung kwarto ko at galit na galit siya saakin.

"Sinungaling ka Luna! I trust you! Ngayon kalat na kalat na sa buong company ang kalagayan ko!" Halos maiyak na ko dahil sa pagsigaw saakin ni Cici.

"Cici." Pumagitna na saamin si Ellie.

"Wag kang mangielam dito Ellie Leira Ford." Halata ang panggigilid ng luha ni Cici dahil sa inis.

"Ci please maniwala ka hindi ako ang nagsabi kay Tita Sarah." Hinawakan ni Ellie ang kamay ko to calm me down, hindi ako snaay sa ganitong sitwasyon.

"Is it about your case Cici?" Ang tanong ni Ellie.  Napatingin naman ako kay Belle na halatang naguguluhan sa nangyayari, pero bakit alam din ni Ellie?

"Ah alam mo na din?! Fuck!"

"Kumalma ka Ci pwede?! Hindi si Luna ang nagsabi nun kay Tita Sarah." Napatingin naman ako kay Ellie.

"Sige magkampihan kayong dalawa putcha!" Padabog na umalis si Cici. Napatingin naman ako ng hawakan ni Belle ang braso ko.

"Ako na ang sasama sakanya." Mabilis naman na tumakbo si Belle para sundan si Ci.

Nanginginig padin ako sa takot. All my life hindi pa ko nasigawan ng ganun at ngayon ko lang nakita na ganun magalit si Ci.

Pero I swear hindi talaga ako ang nagsabi kay Tita Sarah pero paanong nalaman din yun ni Ellie?

"Luna kumalma ka muna." Yinakap na lang ako ni Ellie ng sobrang higpit, gusto ko mang tanungin pero kailangan pakalmahin ko na muna ang sarili ko.

Unti-unti ng kumalma ang sarili ko hinayaan ko na muna na nakayakap ako kay Ellie habang nakasandal ako sa dibdib niya.

Ayokong bumitaw.

"Paano mo nalaman ang kalagayan ni Ci?" Ang tanong ko sakanya habang magkayakap parin kaming dalawa.

"Kinausap ako ni Tita Sarah." Dahan dahan ay bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin.

"Hindi ako ang nagsabi kay Tita Sarah."

"I know, I trust you. Yung doctor nila ang nagsabi kay Tita Sarah." Hinawi niya ang ilamg hibla ng buhok ko at kinawit iyon sa likod ng tenga ko at binigyan ako ng isang magandang ngiti.

"Yung doctor nila? Pero ang sabi ni Ci kinausap niya ang doctor nila na wag sasabihin ang case niya kay Tita Sarah."

"Oo pero, baka naisip ng doctor na karapatan ni Tita Sarah na malaman ang lahat isa pa nakasalalay doon ang kinabukasan ng kompanya nila." Napaupo na lang ako sa salas dahil sa panghihina ko sa mga nalaman ko paano na ngayon si Ci?

"Hindi ka pa ba nakakausap ni Tita Sarah tungkl dito?" Napailing na lang ako.

Sandali yun ba ang rason ng pag-iwas niya saakin?

Hindi habang buhay aasa ako kay Tita Sarah.

Now I get it! Aalis siya!  Okay naintindihan ko na nagtra-trabaho siya para sa tuition niya sa college but hindi ko alam na aalis na din siya dito sa bahay.

I want to live my life with her.

"So you really have a plan to leave me huh?" Naiinis ako! Pinaasa niya na ko.

"Luna." I just take a deep sigh.

"I'm sorry pero pupuntahan ko muna si Tita Sarah at kakausapin tungkol dito." Palabas na sana ko pero hinawakan niya ang kamay ko. Pinakita ko talaga sa mga tingin ko sakanya na wala akong balak na tanggapin yun.

HER LAST LETTER FOR ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now