CHAPTER 18

136 4 0
                                    

LUNA

Wala akong magawa.

Gusto ko siyang pigilan.

Gusto ko lagi lang siyang nasa tabi ko.

Gusto ko si Ellie lang ang makasama ko habang buhay.

Pero siya? Ano ba talaga ang gusto niya?

Gusto kaya talaga niya kong iwan?

Hindi ako makagalaw tinitingnan ko lang ang sasakyan niya hanggang makalayo. Kagabi pa lang alam ko ng aalis siya. Pero bakit hindi ko siya pinigilan? Dahil ayokong maging makasarili. Hindi niya alam na naihalo ko na sa mga gamit niya ang pinaka magandang regalo ko para sakanya.

Nagbalik lang ang lahat ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko. It's Leonardo.

"Luna." Pinunasan ko ang mga natirang luha sa mata ko.

"Hinahanap ka na nila." Tumango naman ako. Habang naglalakd kami pabalik sa gym hindi padin ako nagsasalita.

And this time I regret the 98% of words that I didn't say to her kasama na dun ang stay with me.

"I know you're not fine Luna, I saw everything what happened there sa pagitan niyo ni Ellie." Huminto ako sa paglalakad then I face him.

"Leo I know you know that after this gradution the agreement of our parents will start. Now I want to ask you something." I asked him while I'm looking him straightly into his eyes.

"Do you really love me?" My question caught him off guard nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya kinakabahan.

I know that eyes of him ganyan ang mata ko sa tuwing tinititigan ako ni Ellie. Kinakabahan dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Yes I really love you Luna." I know Leo.

"But do you still love me the same after what you saw?" He just nod his head.

"Walang magbabago Luna mahal padin kita."

"But what if I'll tell you that I don't love you? That I'd rather to choose to live my life with Ellie." I just saw that she close his fist.

"I still love you Luna, but if you really love her I'll set you free hindi kita pipilitin." Tiningnan ko lang siya ng diretso sa mata and I just take a deep sigh.

"Forget it Leo." Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Tulad nga ng plano ni Tita Sarah nagkaroon kami ng salu-salo sa bahay na tinitirhan namin kasama si Belle and Leo with their families.

Hindi ko nakalimutan sila Mom and Dad pagkagising ko I greeted them through my prayers but I think I need to talk to them.

"Tita Sarah." Lumapit ako kay Tita Sarah habang kumukuha siya ng maiinom sa ref.

"Yes Luna? Ano nakausap mo ba si Ellie? Anong oras daw uwi niya? Pinaluto ko sa chef natin ang favorite niya." I just bit my lower lip pinipigilan ko ang maiyak.

Walang nakakaalam ni isa sakanila na hindi na babalik si Ellie.

"Hindi pa po niya ko tintawagan, pero tita gusto ko lang po sanang magpaalam gusto ko lang po sanang dalawin sila Mama at Papa."

"Ganun ba? Pero hindi pa nga tayo nagsisimula sa party. Kumain ka na muna." Umiling lang ako.

"Busog po ako Tita magpapahatid na lang po ako sa driver."

"Nako wag na si Leo na lang ang maghahatid sayo di ba Leo?" Napatingin naman ako kay Leo na nasa likuran ko pala at kumukuha ng upuan.

"Y–Yes po tita." Binaling ko ulit ang atensyon ko kay tita.

HER LAST LETTER FOR ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now