Chapter 21: Drunk and drown

193 11 1
                                    

HGD21: Drunk and drown.

"If you're tired, you can stop and rest for a while, you can rest until you're ready, just don't give up.. because a quitters never win.." -g.balm.

--

"TIKMAN mo ito." Iniabot ko ang ibinigay ni ate Pearl saakin na choco kisses na shake.

"Salamat ate." I said and take a sip on it.

Hindi na ako gaanong nabobore this past few weeks.

Nasa kabilang kanto ako kung saan naroon nakatira si Ate Pearl. Nagtitinda sya ng mga shakes at kung ano-ano pa. Sabi nya itinayo nya iyong negosyong ito para di sya mabored. Dahil next month ay aalis na ulit si ate Pearl para magtrabaho sa Manila.

"Sarap ate." Sabi ko at ngumiti.

"Ate, hindi naman sakin kaagad sinabi ni Ram na birthday nya ngayon." I pouted

Birthday ni Ram ngayon, hindi ko iyon alam. Nalaman ko lang kay ate Pearl kaninang umaga ng magpunta sya sa bahay para batiin si Ram.

Hindi kasi kami gaanong nagpapansinan ni Ram nitong nakaraang linggo. Ewan, iniiwasan yata nya ako. Syempre hindi ako ang unang babati saaming dalawa dapat ay sya!.

Sobra akong nabored nitong nakaraang linggo dahil nga hindi ako kinibo ni Ram, ewan ko sakanya. Nagsimula iyon ng madatnan nya ako sa bahay kausap ni Micho. Binisita kasi ako ni Micho at sinabi nga nyang balak nya akong ligawan. Pero sinabi ko naman kay Micho na hindi pa ako ready dahil kagagaling ko palang din sa break-up. He understands my decision and he said that he's willing to wait but I refuse his offer. I rejected him and be friend of him..
Tapos ay kinausap ko si Ram dahil hindi na nya ako kinausap kagabihan. Naiinis ako sakanya. Ang arte nya !

Tapos ito nga. Birthday nya pala di man lang nagsabi.

Umalis ako sa bahay at nagpasyang sumama kay ate Pearl ngayon. Iniiwasan nya ako. Ramdam ko e.
Kaya naman lalayo nalang din ako. Ang arte nya kasi!.

"Ayaw din naman maghanda ni Ram." Ate pearl said.

Bumuntong hininga lamang ako.
Tatlong araw na akong suma-sama kay ate Pearl sa pagtitinda nya. Aniya e swerte raw ako sa paninda nya dahil ang daming nabili. Natawa lang ako.

"Maaga tayong magsasara mga alas dos lang." Ani ate Pearl.

"Bakit?"

"Gaga! Syempre birthday ni Ram ngayon! Kaya makikikain tayo sa kanila." Hagikgik ni ate.

Umalis ako at naghahanda na ang pamilya ni Ram ng pagkain. Tapos si Ram ay tumutulong din. Umalis ako, ayoko syang kausapin.

"Okay" sabi ko at humigop ng shake.

Gaya nga ng pinlano, alas dos palang ay nagsara na ang tindahan ni ate Pearl. Bumili kami ni ate Pearl ng isang bilao ng puto at dalawang box ng pizza.

Pagkarating namin ay maraming bisita. Naroon ang mga kaibigan at kaklase ni Ram, pero paalis na ang mga ito.

"Uy! Micho, mukhang di ka pa makakauwi ah." The man besides Micho giggled

Nagtama ang mata namin ni Ram. Umirap ako at iniwasan sya ng tinggin.

"Uuwi ka na?" Tanong ko kay Micho

"Ha? Oo sana pero mamaya nalang." Micho said.

"Ace!" It was Diego holding his gift. Kadarating lang yata nya.

"Kakain muna kami mga pogi. " sabi ni ate Pearl at hinatak na ako papuntang lamesa kung saan naroon ang mga pagkain.

Kumuha ako ng kaunting pagkain at humanap ng pwesto.

Her Greatest DownfallWhere stories live. Discover now