Chapter 40: He's living with someone

197 4 2
                                    

HGD40: living with someone

"And if this story wasn't written for us then, I'm gonna end it here if you're not my happy ending" -gelyenbalm

---

NANG oras na imulat ko ang aking mata ay napahawak kaagad ako sa aking ulo. Naupo ako sa kama at kinuha ang tumbler sa katabing mesa at saka uminom ng tubig.

May trabaho pa ako kaya naman tumayo ako at nag-inat. Sasabihin ko nalang kay ate Lana na male-late ako. Napakurap ako ng maalala na nasa Pilipinas na nga pala ako. Luminga ako sa buong kwarto, I'm safe. Nasa bahay ako ni Clive.
Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kusina doon ay naabutan ko si Clive. Nang tignan ako ni Clive ay nanlisik ang mata nito na para bang may mali akong nagawa.

"Ano yang niluto mo?" Tanong ko. Ibinaba nito ang nilutong fried hotdogs, eggs, fried rice, at saka slice fruits.

Naupo ito sa katabi kong upuan pero hindi parin inaalis ang tinggin saakin.

"Bakit ganyan ka makatinggin?" Tanong ko at tinaasan sya ng kilay.
Wala naman akong ginawang mali, uminom lang naman kami ng alak kagabi sa isang bar tapos-- oh my gosh! I cover my mouth when I realize what happened last night. Ang naalala ko lang ay mayroon akong kahalikang lalaki tapos...

"Di mo agad sinabi saakin. Nagkabalikan na kayo ng ex mo? Kaya mo ko iniwan huh? Punyeta ka! Ang rupok mo! May pahatid hatid pang nalalaman. Tarantado ka, siguro nag sex kayo no?" Derederetso nitong ani at saka sumubo ng hotdog.

"Fuck!" I cursed when it flashed on my mind.

Everything seems so vivid. Naalala ko na ang lahat! Oh my gosh, we've met again at nakakahiya ang pagkikita namin. I even told myself na kung magkikita kami ay ipapakita ko sakanyang maganda ang buhay ko na hindi ko dinamdam ang pagkawala nya sa buhay ko pero naabutan nya akong lasing at nasa presinto! Oh my gosh!

"Kwento mo naman, masarap ba?" She asks and smirk.

"Fuck! No! " i yelled in frustration. I saw her laughed.

"Ang damot ah." She pouted and grin after.

Ikinuwento ko sakanya ang naalala ko at todo sigaw si Clive habang nagku-kwento ako, sa huli ay humagalpak lamang ito ng tawa.

"Putcha! Napaka cool ng pagkikita nyo. Hahahhahaha"

"Shut up!" I hissed and eat the food on my plate.

He brings me here, nakakahiya ano kayang ginawa ko matapos kong sumakay sa kotse nya? Sana naman wala akong ginawang nakakahiya.

Matapos kong kumain ay naligo ako ag nagtooth brush at saka nag make-up. Plano kong puntahan sina mom and dad sa cemetery.

"Clive!" I called Clive's name.

"What?!" Nagmamadali itong pumasok sa kwarto ko, nakapalupot pa ang tuwalya nito sa kanyang ulo.

"Yung bag ko nakita mo?" Tanong ko.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Aba malay ko."

"What?! Hindi pwedeng mawala iyon. Naroon iyong pera ko, saka iyong passport ko!" I said in frustration.

"Hindi ko ba dala nang iuwi ako ni Ram dito?" Kinakabahan kong tanong.

"Wala kang dala kundi sarili mo lang girl." She said and smirk.

"Oh gosh, pahiram ng cellphone mo, tatawagan ko iyong phone ko." Sabi ko.

Tumango ito at lumabas ng kwarto para kuhanin ang phone nito. Pagkabalik nito ay inabot kaagad nito saakin ang cellphone nya.

Her Greatest DownfallWhere stories live. Discover now