Chapter 47: Hurt

224 5 8
                                    

SOTT47: Hurt

"Wondering is a new way to learn such new things."

--

DALAWANG linggo na ang lumipas buhat ng tumira ako sa bahay ni Ram. Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay hindi ako nakaramdam ng pagka-bored dahil madalas nasa bahay si Ram, hindi ko nga alam kung bakit dito pa sya nanatili e puro trabaho naman ang kanyang inaatupag. Wala rin ako sa mood umalis ng bahay kaya naman maghapon akong nasa bahay ni Ram.

Nagvibrate ang aking cellphone kaya binuksan ko iyon at binasa ang mensahe

Diego the bully
Punta ka ha. :) sabay na kayo ni baby Ram mo

I rolled my eyes and type a message. Isang linggo na ang nakakaraan buhat ng malaman nyang sa bahay ako ni Ram nakatira pero hanggang ngayon ay iniinis pa rin nya ako. Napaka-bully talaga.

Me:
Shut up! Di ako pupunta

Diego the bully:
Oh? Sure ka? Pupunta si Ram, maraming chiks na imbitado. Ikaw din, bahala ka baka ipagpalit ka nyan.

Me:
Matagal na akong pinagpalit duh.

Tomorrow is Diego's birthday so he sent an invitation for me and Ram. Napairap nga ako ng malaman na isang invitation lang ang pinadala nya saamin, naka-indicate ang pangalan namin sa likod ng invitation 'Mr. & Mrs. Salvador'

Ako ang nakatanggap ng invitation mabuti nalang at hindi pa iyon nababasa ni Ram, at wala naman akong balak ipabasa iyon, tutal e sure naman ako na ininvite na ni Diego si Ram sa birthday party nito.

Diego the bully:
Smooooth hahaha, sakin ka nalang di kita ipagpapalit haha.

Me:
Tss, ayaw mo nga akong ampunin e.

Diego the bully:
Ano ka bata? Haha. Basta punta ka ha, madami akong foods and drinks alam kong PG ka. Haha

Me:
Wth! Di talaga ako pupunta

Diego the bully:
Ah ganon? Isipin mo nalang yung panahon na tinulungan kita tapos di ka pupunta? Galit na ako, iniinform lang kita.

Me:
Sinusumbat mo na ngayon yon ah. Nagbago ka na :(

Diego the bully:
Pag di ka pumunta, ihahanap ko ng babae si Ram dito bahala ka!

I rolled my eyes and turned off my phone. Wala akong balak pumunta sa birthday nya na kasama si Ram.

Today was Ram's day off so he's here in his house and probably he's still asleep.

I cooked a breakfast for the both of us, minutes passed I already saw Ram walking down the stairs.

"You're early." He said.

Talagang inagahan kong gumising ngayon, madalas kasi ay si Ram na ang nagluluto ng breakfast namin at nakakahiya naman iyon.

"Yeah. By the way, aalis ako mamaya." Sambit ko matapos ilapag ang tasa ng kape sa mesa.

He looked at me and asks "where?"

Do I need to tell him?

"I have a date" I smiled at him and sat on my chair. Naupo na rin ito sa upuan nya.

"Okay." Anito at nagsimulang kumain.

"May isusuot ka na ba para bukas?" Tanong niya.

Kumunot ang aking noo bago ko na-realize ang ibig nyang sabihin.

Her Greatest DownfallWhere stories live. Discover now