Chapter 42: Live in

192 8 4
                                    

HGD42: LIVE IN

"Do not lower your standards to reach theirs. Self-love is a must."-gelyenbalm
--

SOBRANG kaba ang aking nararamdaman. Dere-deretso ako hanggang sa makapasok na ako sa loob ng kanyang bahay.

"Uh, where's my room?" Hinarap ko sya at saka ako ngumiti.

Kumurap ito ng dalawang beses na para bang pilit nitong ina-absorb ang nangyayari. He maybe a speechless.

Hindi ito sumagot sa halip ay tinaas nito ang kamay at saka itinuro ang kwarto sa itaas.

Ngumiti ako "thanks." Sabi ko at kaagad na umakyat sa second floor ng bahay.

"Oh gosh." I murmured once I open the room's door. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko iyon.

Naupo ako sa kama na naroon. Kaunti lamang ang gamit sa kwartong ito. Isang normal size ng kama, isang cabinet, a whole body length size of mirror, a table and a chair. Tapos ay mayroon itong kulay asul na kurtina. Walang sariling banyo pero ang ganda ng disenyo ng kwarto. Napaka classic tignan.

Tinignan ko ang oras gamit ang aking cellphone. Alas onse na ng gabi! Nakakapagtaka lang at hindi pa tulog si Ram kanina nang dumating ako.

Napatalon ako sa gulat ng may kumatok. "Go downstairs. Let's talk." Ram voice filled the silence of the room.

Kahit kabado ay binuksan ko ang pintuan at sinunod ang sinabi nito. Bumaba ako gaya ng sabi nya at sinundan sya. Naupo ito sa dining chair nakita kong may nakalagay na pagkain sa mesa.

"Sit and eat." He said in authority.

Seriously? Bakit ba palagi nya aking gustong kumain? Pa-fall din to e!

"Why?" I ask and sat on the chair in front of him.

"Do I need to explain? Just eat and let's talk." He said in a firm voice.

"Luh? Pa-fall." I commented.

Kumunot ang noo nito ng tignan nya ako. "Huh?" He asks
"N-nothing." Wala sa sariling kinuha ko ang utensils pero wala naman talaga akong balak kumain.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko rito. Ibinaba ko din kaagad ang kutsara at tinidor na hawak ko. Busog ako at wala akong balak kumain. Masisira lang ang diet ko.

"Eat first." He  said

"I'm full." Sagot ko.

Tinaasan ako nito ng kilay. Hindi ko magawang taasan din sya ng kilay dahil unang-una, nasa bahay nya ako at wala akong mapupuntahang iba kaya kailangan kong magpaka-bait. Labag man sa loob ko.

"Masisira ang diet ko e." Sabi ko.

"Diet? Nagda-diet ka pa sa lagay na yan? Ang payat mo na nga"

Gusto ko syang singhalan pero itinikom ko ang aking bibig. Oh gosh, I need patience!

"Wala kang pakielam. Uh, I mean is 11 o' clock na at hindi na healthy ang pagkain ng ganitong oras." Sagot ko,pinipigilang hindi maging maldita.

"Eat or I'll--" he sighed and divert his gaze

Shocks I am waiting for him to complete his sentence e! Parang alam ko kasi ang sasabihin nya

Eat or I'll eat you. Kaagad din akong umiling sa sinabi ko. Nakakakilig man ang iniisip ko pero malabo na iyon dahil alam kong pareho na kaming walang nararamdman sa isa't-isa.

"Fine! Pero kaunti lang ang kakainin ko ha." Sagot ko. Tumango naman ito at nagsimula na ding kumain.

"Ano na iyong pag-uusapan natin?" I asks

Her Greatest DownfallWhere stories live. Discover now