CHAPTER 8- FOOLISH POV

2.1K 89 5
                                    

"Marci!" untag ni Gabriella sa kaniyang kakambal na seryoso lagi sa buhay.

Nandito kaming magto-tropa sa canteen dahil break time naman namin. Hiwalay naman ang canteen ng students sa teachers kaya hindi gano'n kagulo at kaingay ang kinaroroonan namin.

"Bakit?" sagot naman ng isa.

"Kailan tayo dadalaw kina Tita Alexa? Miss ko na ang RAO Camp."

"Busy ako. Ikaw na lang muna dahil palagi ka namang may free time."

"Eh di 'wag! Busy din naman ako, ha? May mission ako bukas. Ikaw ba, Kenya, nabigyan ka na ba ulit ng misyon?"

"Hindi pa, eh. Isang linggo na rin akong walang ambag sa clan natin. Kinukulit ko na nga si Kuya Ash. Nababagot na rin ako," angil ko sabay nakisimsim ng kape ni Marciella.

My arm wound from last week's mission hasn't completely healed yet. That's why my parents ordered me not to be assigned any missions while I'm still recovering.

Perhaps that's how strong parents' instincts are, knowing that their child might be going through something even without them being told. I have huge respect for them.

"Paano ka bibigyan ng misyon, eh sa sitwasyon mong iyan? Para ka na ring inihatid sa hukay ng kapatid mo kung magpapauto siya sa 'yo," sabat ni Crystal. Wala rin talagang brake ang bunganga nito.

"Kaya ko naman. Kayo lang ang nag-iisip ng hindi. Like duh? Agent pa rin naman ako kahit pagbali-baliktarin niyo pa ang mundo."

"Yeah, yeah. Whatever."

Napatingin naman kaming lahat kay Jeannie na siyang nagsalita. Kalmado ang boses nito ngayon.

"Oh? Himala at hindi patili ang pananalita mo ngayon, ha? Anong problem mo? Broken-hearted ka rin ba?" usisa agad ni Gab sa nang-aalaskang tono.

"Wala," tipid namang sagot ng isa.

Masyado naming kilala ang personality ng isa't-isa. Kaya naman kapag may kakaiba sa kilos o pananalita namin ay napaghahalataang may problema kaagad.

Kung minsan ay disadvantage din kapag hinahayaan mo lang na mabasa ng isang tao ang bawat kilos at galaw mo. Kaya mas mabuting huwag maging transparent sa lahat.

"Uy, si Dean at Conda," asik ni Crystal. Napatingin naman kaming lahat. Nandito nga sila.

"Conda?" usisa ni Marci habang nakakunot-noo pa.

"Anaconda. Ano pa ba ang tawag sa babaeng nanulot ng boyfriend ng kaniyang best friend?" dagdag ni Gab.

"Eh di ahas, iyong makamandag sa lahat," sagot ni Jeannie.

"At hindi sa kagubatan nakatira. Iyong iba ay palaging mong nakakasama," sabi naman ni Kenshane.

Anaconda? Conda? I like that. Bagay kay Rheanne.

Nararamdaman ko ang kirot ng aking sentido dahil dalawang oras lang ang tulog ko kaya nanatili akong tahimik.

Napadapo ang tingin ko kina Jelo at Rheanne na kakapasok lang din ng canteen. Napaiwas kaagad ako ng tingin nang maramdaman kong lilingon sa gawi namin ang lalaki.

Pasimple akong napabuntonghininga at muling tinungga ang kape.

"Dean!" tawag pa ni Kenshane.

Gusto kong kurutin ang haduf kong pinsan. Kung pwede lang talagang sambunutan na lang ito ay ginawa ko na.

"Yes, Miss Guieco?"

Bakit feeling ko ako ang tinutukoy niya? Bakit kasi pareho pa kami ng last name ng pinsan kong ito? Pareho rin kaming Ken tapos pareho ring...

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Where stories live. Discover now