CHAPTER 13- SOMETHING

1.5K 85 2
                                    

"Am I a pathetic user?" tanong ko sa chairman na mapayapang kumakain sa tabi ko. 

Noong isang araw pa naman iyon sinabi sa akin ni Jelo pero hindi ko pa rin maiwasang pag-isipan kung gano'ng klase ng tao ba talaga ako.

"Yes," direkta niyang sagot. Pasimple ko naman siyang sinamaan ng tingin.

Sabi na nga kasing manahimik na lang, Kenya. Hindi rin maganda sa mental health mo ang chairman na ito.

"Salamat, ha?" may diin at sarkastikong sabi ko naman.

Nasa canteen kami kagaya nang kinagawian.  Kahapon pa kami palaging magkasamang kumain dahil sinisimulan na naming i-build up ang so-called magkasintahang status naming dalawa sa harap ni Jelo at Rheanne.

Bukod sa one night stand namin ay heto at napasok na naman namin ang isa pang komplikadong sitwasyon. Ewan ko ba kung anong meron sa chairman na ito at nakikisabay ako sa kaniyang trip sa buhay.

Pakiramdam ko tuloy ay kami ang talk of the town dahil nga lagi kaming magkasama at kung minsan ay pabigla-bigla ang pagiging sweet sa akin ng stranger na ito. Maging ako ay nagugulat din.

Kagaya ngayon, siya ang naglalagay ng pagkain sa plato ko pero 'di ako natutuwa dahil parang bibitayin na ako maya-maya dahil sa dami.

"I mean, you look pathetic but not a user.  Pumapayat ka na kasi porke't niloko ka lang ng ex-boyfriend..." Hindi niya na naituloy pa ang kaniyang gustong sabihin dahil sa pang-aapak ko sa kaniyang paa. Walang imik na paigik siya sa sakit.

"I'm just sexy, Chairman Mhinn. Don't you agree?" makahulugang sabi ko at peke ang ngiting ibinigay sa kaniya.

"Hep!" untag sa amin ng haduf na Gabriella.

Nasa iisang mesa lang din naman kasi kami ang mga haduf.  Hindi ko tuloy maiwasang mag-overthink na baka iniisip na ng iba na may favouritism siya.

But nevermind. Hindi ko na problema pa kung gano'n nga ang iisipin ng lahat. Hindi ko rin sila masisisi at mas lalong hindi ko maipagtatanggol ang makulit na chairman na nasa tabi ko.

"Bakit parang close na kayo nitong si Kenya? May something ba sa inyo?" usisa na naman ni Silang.

Kamuntik pa akong mabulunan. Mabuti na lang talaga at may tubig sa tabi ko. Kaagad akong napainom at pasimpleng sinamaan ng tingin ang leader ng mga chismosa.

"Mayroon nga..."

"What?!"

Maliban kay Marciella ay sabay-sabay pa silang nagtanong. Napatingin tuloy ang lahat sa amin.

"Hey! You betrayed me, Kenya! You betrayed us!" sabi pa ni Kenshane.

"Minimize your voice. Kumakain ako," reklamo ni Marciella. Naitikom naman nila ang kanilang nakaawang na bibig.

"What are you talking about, Chairman?" nakakunot-noo kong tanong.

Nagsisimula na ba ang show namin?

"May utang kasing three thousands pesos si Ma'am Kenya sa akin kahapon kaya sinisingil ko pero ayaw naman magbayad."

Gusto kong matawa dahil sa mga mukha nila nang marinig ang sinabing iyon ni Dailann Mhinn.

"Oh... my gosh, Kenya. Bakit?" hindi makapaniwalang usal ni Shane.

"May pera naman ako, sa akin ka na lang sana nanghiram. Nakakahiya ka," sabat naman ni Marciella.

Kinurot ko nang pasimple ang aking sarili para huwag matawa sa pagmumukha nito. Para bang gusto ako nitong sambunutan.

Akmang magsasalita na ako nang bigla na lang ding tumunog ang bell. Tapos na ang break time namin kaya kaniya-kaniya na ring alisan. Hindi ko na tuloy naipagtanggol pa ang aking sarili.

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Where stories live. Discover now