CHAPTER 20- ON PURPOSE

1.1K 59 2
                                    


Tahimik na naglalakad lang ako sa campus. Paikot-ikot lang naman ako sa open field ng MHIS habang nag-iisip na naman.

Ako pa lang yata ang nakakaalam na fiance siya si Dean Havana o baka nga wala talaga silang balak ipaalam sa lahat.

Eh, paano ang kasal? Secret marriage, gano'n? Wait... Bakit ko ba pinag-iisipan ang set-up ng kasal nila?

Ilang araw din akong umiwas sa kanila. Kahit isang kilometro pa ang layo nila sa 'kin ay kaagad na lumilihis na ako ng landas.

Ang signing up naman sa attendance ay nasa Dean's Office talaga. Ang ginagawa ko ay inaagahan ko na ng pasok hindi ko makita si Havana sa kaniyang opisina.

Kapag out naman ay inuuutasan ko na lang si Marciella o Kenshane. Puwede naman 'yon. Sa umaga lang talaga ang hindi.

Teka... nakailang ikot na kaya ako? Medyo nakakahilo na din, ha?

"Ouch!" asik ko nang may bumangga sa akin.

Napaupo talaga ako dahil sa lakas ng impact niyon. Masamang tingin ang ipinukol ko sa bastos na nilalang na iyon. Mas lalong nangdilim ang paningin ko na g mapagtanto kung sino ito.

"I am sorry, Ma'am Guieco. Napadaan lang ako saka nagmamadali rin kaya hindi kita napansin."

Kalmado akong tumayo at pinagpag ang uniform ko at hinarap ang mayabang na dean.

"It's fine but next time pay attention."

Pareho kaming napatingin sa nagsalitang iyon. Si Lysine pala. Napataas naman ang kilay ni Havana.

"Oh, Lysine. Nice meeting you here. Nandito ka rin pala?"

Magkakilala sila?

Ang alam ko kasi ay isang linggo ring wala si Lysine dahil sa isang seminar at siya ang representative ng college department ng MHIS.

"Totoo ngang ikaw na nga pala ang dean dito. Welcome to MHIS. Sana lang ay mapantayan mo ang performance ni Dean Jelo."

"Makakaasa kayo sa 'kin," pagmamayabang pa ng isa sabay siring ng tingin sa akin.

"Miss Guieco, siguro naman ay alam mo na ang lugar ko sa buhay ng chairman, 'di ba?"

"And?" walang pakialam ang tono kong tanong.

"Wala. Just reminding you, dear. Mauna na ako."

Sarap niyang paliparin sa kalawakan!

Lumapit naman sa 'kin si Lysine.

"What? May sasabihin ka rin ba?" pagtataray ko kaagad. Baka maunahan naman ako.

"Wala naman. Good luck, ha?" makahulugan nitong saad saka umalis na.

May saltik din, ha?

Umupo ako sa isang bench at pumulot ng bato at inihagis iyon papunta sa gawi ng office ng chairman at sa kabutihang palad ay tumama iyon sa bubong mismo. Inulit ko pa ng mga dalawang beses.

Sana ay lumusot papunta sa loob ang bato at tumama sa ulo niya.

Sumandal ako sa puno ng mahogany at pumikit. Sariwa ang hangin at hindi rin mainit dahil nasa lilim ng mga puno ang mga bench dito.

"Miss Guieco!"

Napapitlag pa ako dahil sa singhal na iyon. Awtomatikong napamulat ako at siniringan ng masamang tingin nanigaw sa akin.

"What?!" balik asik ko rin.

"Bakit ka nangbabato, ha?"

Nanliit naman ang mata ko. Paano niya namang nalaman na ako?

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Where stories live. Discover now