CHAPTER 29- HIDE AND SEEK

1.1K 61 6
                                    

"Mauna na muna ako sa kitchen at mukhang marami pa ang pending orders. Tutulungan ko na sila Chief Garrett," paalam ko sa mga kausap ko ngayon.

Dalawang oras na lang din at magsasara na ang resto. Makakauwi na rin kami. Holiday din bukas kaya sarado ang resto-bar.

"Sige, Kenya. Basta kapag napagod..."

"Oo na," kaagad kong pamumutol sa kay Lacey. Tinawanan lang ako nito.

Nakita ko pa na mukhang natataranta na ang mga cashier dahil dinudumog kami ng customers ngayon.

"Relax and focus," nakangiting sabi ko sa kanila nang dumaan ako. Ngumiti naman sila at tumango.

Pumasok ako sa kusina. Kagaya ng nakasanayan ay nagchichismisan habang nagtatrabaho ang mga tao rito.

"Alam mo, Pitchy, 'yong asawa ko ay napakaseloso! Kagabi ay hindi talaga kami nag-usap. Hanggang ngayon ay magkagalit pa rin kami. Sa sofa ko na nga pinatulog, eh. Bahala siya! Siya nga itong babaero ay siya pa ang may ganang magalit."

"Talaga ba? Eh, paano pa kaya ang mister ko? Umuwing lasing kagabi tapos alam mo 'yong pagod ka na nga ay mai-stress ka pa. Sarap na talagang hiwalayan!"

Natawa naman ako dahil sa usapan nila. Buhay may asawa nga naman. Sa umpisa lang ba talaga masaya?

Hindi naman siguro kasi masaya pa rin naman sina Mommy at Daddy. Malambing pa rin sila sa isa't-isa. Depende na lang siguro iyon sa mag-asawa kung paano nila dalhin ang isa't-isa.

"Oh, ikaw ba, Kenya? May asawa ka na ba?"

"O kaya ay boyfriend?" tanong pa nila sa 'kin.

"Wala hong asawa."

Hindi ko rin alam kung may boyfriend pa ba ako. Baka kasi hindi na girlfriend ang turing sa akin ni Dailann.

"Ay, gano'n? Napakagandang bata mo pa naman din. Payo ko lang sa 'yo, ah? Huwag na huwag ka munang mag-aasawa kung hindi mo talaga mahal ang pakakasalan mo dahil life time commitment ang marriage. Dapat sure. Sigurado. One hundred percent check!"

Sigurado naman ako sa kaniya, ang sitwasyon lang ang hindi nakikiayon.

"Sige po, tatandaan ko 'yang sinabi ninyo."

Tinawag ako ni Candy kaya naman lumabas na ako ng kitchen.

"Pasuyo naman nito sa Room 3. Ang hot and handsome kasi ng customer na nandoon. Nakakahiya."

"Baklang 'to! So, ako na naman ang ipapain mo doon?" reklamo ko naman.

Bakit ba ako na lang palagi ang nakikipag-face to face sa mga guwapong solong customer dito?

"Yes naman, ang ganda mo, eh. Kaya mo na 'yon. Sige na at baka mag-transform na 'yon, mayamanin pa naman. Table 4 nga pala."

"Copy," natatawa kong saad at binitbit na ang tray.

Napatingin ako sa mga pagkaing nandodoon. Bigla na lang pumasok sa kukuti ko si Stranger.

Kamusta na kaya siya? Dalawang araw na rin mula noong nagkita kami sa bar. Ngayon kasi ay umaga na ang pasok ko dahil pang-umaga na rin si Lacey. Buti na lang talaga at malakas ako sa manager dito.

May special treatment pa rin naman akong nakukuha kahit papaano. Ang mahalaga ay pinaghihirapan ko naman ang suweldo ko rito.

Pumasok na ako sa Room 3.  Agad na hinanap ng mga mata ko ang table na pakay ko. Lalaki nga ang customer.

Wait a minute... Holy shit!

Nanginig ang kamay ko nang makilala kung sino ang guwapong mayamanin na customer na sinasabi ni Candy.

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon