EPILOGUE

1.6K 69 4
                                    

Kakarating ko lang ng GC Camp kasama si Stranger. Dalawang araw din kaming nanatili sa kaniyang private yacht.

The Prime Agents welcomed me right away. I just learned yesterday that they sent me a notice last month, allowing me to return to camp with just a warning, as agreed by the pioneers. The problem was I hadn't checked my Gmail, so I didn't read it.

Since I was the only one who broke the rules, they thought it was unfair to kick me out of the clan immediately, especially since I acted in self-defense.

"Oh my god, Kenya! I missed you so much!" tili ni Jeannie nang makita ako.

"Miss mo pero hindi ka naman na miss," supalpal naman ni Crystal.

"Wow, ha? Eh di wow," sabi naman ng isa sabay irap.

"Wow talaga," ganti rin ng isa.

Nawala lang ako ay mukhang may dalawang babaitang magkaaway na.

"Na miss kita, Kenya. Sobra," madramang sambit ni Gab.

"Ang drama, wala ka ngang naiambag para mahanap 'yang pinsan ko," bara sa kaniya ni Jinro.

"Apakasama mo talagang bakl..."

"Ituloy mo, Silang."

"Huwag na at baka umiyak ka pa."

"Kens, kamusta?" kaswal na tanong ni Marciella para putulin ang bangayan ng apat.

"Ayos lang naman ako. Miss ko rin kayong lahat," sagot ko naman.

"Bakit kasi nag-run away ka, Ate Kenya? Nalungkot kaming lahat dito. Hinahanap ka rin ng mga admirer mong estudyante sa MHIS," singit naman ni Kendra habang may bitbit pa itong Philosophy book.

"Oh my god! Cous! Nandito ka na!" masiglang saad ni Kenshane na kakarating lang habang nakasaunod naman sa kaniya ang nakasimangot na si Faller.

Nailing na lang ako.  Nilingon ko si Stranger na nakikipag-usap kina Jinro at Lovimer.

"Oo, bumalik na ako para sa inyong lahat. Where's Kuya nga pala?" tanong ko na kay Marciella ang tingin.

"Oh? Anong tingin-tingin mo sa akin?" asik pa nito.

Napataas-kilay naman ako. "High blood kaagad? Malay ko bang alam mo kung nasaan dahil best friend din naman kayong dalawa."

Kahit pa alam ng lahat na higit pa doon ang mayroon kayo.

Napangiwi naman ito. "Hindi ko alam kung nasaan. Baka may date sila ni Percy. I am not sure, hindi rin ako hanapan ng mga nawawalang nyawa..."

"I told you, nasa office lang ako, Marciella Perrer."

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalitang iyon. Nandito na pala ang hinahanap ko.

"Kuya!" sambit ko sabay yakap sa masungit kong kapatid. "I missed you," dagdag ko pa.

"Na miss ka rin namin. Paparating na rin sina Mom at Dad."

Napakalas naman ako mula sa pagkakayakap rito. Napalunok pa ako. "Galit ba sila sa 'kin?"

"Hindi dahil naiintindihan ka nila. Don't worry."

"Hi, Kenya! At last, nakauwi ka na rin."

"Percy! Bakit ngayon ka lang?" usisa ko kaagad.

"Kakarating ko lang galing sa studio ko."

Akmang yayakapin ko ito nang umatras naman ang kugtong. Napakunot-noo naman ako.

"Puwedeng ang kapatid mo muna ang yumakap sa 'kin bago ka?" may halong birong saad pa nito.

"Fine," asik ko.

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon