CHAPTER 22- GENUINE LOVE

1.3K 65 3
                                    


"Ano'ng gagawin mo ngayon?" usisa sa akin ni Marciella.

Alam na rin nito ang lahat-lahat tungkol sa amin ni Dailann at siya ang naka-assign na alamin ang tungkol sa away ng pamilyang Mhinn at Gong. Nagpatulong na ako dahil baka mabaril ko na lang bigla si Stranger dahil sa sama ng loob ko sa kaniya.

"Wala," tipid kong sagot.

"Nasa labas ng camp si Chairman Dailann. Mukhang nagbabakasaling makita ka. Kahapon ay nakita rin siya ni Kendra na pasilip-silip dito."

Linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Dalawang araw na rin akong nagmumukmok lang dito sa Flat ko. Hindi rin ako pumunta ng DH namin. Nagpapahatid na lang ako kay Jinro ng pagkain.

"Paalisin niyo na bago ko pa mahagisan ng bomba," walang gana kong sabi.

Saglit lang ako nitong tinitigan saka umiling. "May update na rin ako tungkol sa pinapaggawa mo sa akin."

Inilapag nito sa mesa ang isang pink folder. Kaagad ko naman itong sinuri.

"Malalim talaga ang alitan ng ama ni Dailann at Havana pero lingid sa kaalaman nila ay may isang kasunduang naganap sa dalawa."

Napataas-kilay naman ako dahil sa sinabing iyon ni Marciella. Naibaba ko ang folder.

"Kasunduang ano?"

"Na isa lang sa kanila ang dapat na mabuhay at walang dapat na managot kapag mawala ang isa sa kanila. Nakuha ko rin ang original written agreement nila pero ibinalik ko rin sa pinagtaguan ni Mr. Gong. Mukhang hanggang ngayon ay siya lang ang nakakaalam sa bagay na iyon."

"Wait... So, ibig sabihin ay dahil sa written agreement na iyon ay legal ang pagkakapatay ni Mr. Gong kay Mr. Mhinn?"

"Yeah. There's something like that between the two of them. May sarili silang batas na sinusunod at silang dalawa lang ang nakakaalam niyon."

"Why?"

"Dahil best friend sila bago pa ang lahat. Binago lang ang pagkakaibigan nila ng pera at kapangyarihan."

Napapikit naman ako. Sumasakit ang ulo sa usaping wala namang akong kinalaman at wala akong balak na mangialam. Gusto ko lang malinawan.

"Balang araw ay malalaman din ang katotohanan nina Dailann at Havana kaya hayaan na lang natin sila ang makadiskubre ng bagay na ito. Kung... malalaman nga nila. Mukhang walang balak si Mr. Gong, eh. Saka nasa kasunduan ding walang dapat na makaalam na iba."

Napatango na lang ako. Wala rin akong balak na manghimasok sa away ng dalawa.

"If you're into Chairman Dailann, don't let his beef with Havana mess up your vibe. Revenge is on the table, especially when people are all mad and miserable. Help Chairman Dailann forgive, Kenya. Maybe that's why you guys met. Stick together and ride out whatever comes your way."

I'm so shocked. Can't believe I'm gonna get Marciella's take on me and Dailann Mhinn. Usually, she's all chill about stuff that's not her business, but now she's throwing out advice like it's free candy.

"You know, nobody's perfect. A beast always needs his beauty. And remember, you brought yourself to Chairman Dailann. You also gave him your you-know-what, and I know you love him. You can't fool me, Kenya."

"I'm not fooling you, okay? I just need time to process everything."

"And I'm here to help you understand everything."

"I get your point..."

It's tough when someone like Marciella tries to gaslight you.

"Masyado ng miserable ang buhay mo kaya feeling ko ay kailangan na talaga kitang sampalin..."

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Where stories live. Discover now