CHAPTER 10- NO EXCUSES

1.7K 87 4
                                    

I was fixated on my computer screen as the guy on the motorcycle circled the Mhinn Mansion, perfectly captured by the spy cameras. I had set up two of them on the big tree near their main gate.

"It's an 8 out of 10," I declared, indicating the level of danger Dailann Mhinn is currently facing.

Their opponent's actions are extremely aggressive. The former chairman is known as one of the wealthiest people in South Korea, so I'm not surprised that someone is attempting to target his grandchild as the new chairman of MHIS even here in the Philippines.

Napabuntonghininga na lang ako at nagpalit na ng uniform bago pa ako mahuli na naman sa klase. Baka tuluyan na akong ma-kick out ng napaka-moody na bagong chairman namin.

May una at pangalawang session ako kaya wala akong oras para makipag-kulitan sa mga kasamahan ko.

Busy din kami ni Ma'am Elvie sa paparating na School Level Press Conference namin kaya masyado talaga akong abala.

Nang lunch break ay hindi na ako nakasama kila Marciella dahil inuna ko munang tapusin ang PowerPoint presentation namin sa SLPC.

Ako rin ang nakatokang mag-invite sa mga co-teacher namin na maging speaker sa conference kaya iyon muna ang naging priority kong tapusin. Mabuti na lang din at napapayag ko ang lahat, kasama na si Marciella.

Alas-tres na ng hapon ako nagkaroon ng vacant time at kaagad na pumunta ako ng JO. Naabutan ko naman si Ma'am Elvie na nag-aayos ng schedule namin.

"Pasensiya na kung ngayon lang ako. Sunod-sunod kasi ang klase ko ngayong araw," agad na paumanhin ko.

"Okay lang, ano ka ba? Kakarating ko lang din naman. Maghapon din akong abala."

Nagkangitian lang kami. Binuksan ko ang isang computer para simulang i-print ang invitation card namin. Bago mag-uwian ay kailangang maibigay na namin ito sa campus journalists at speakers.

"Mas okay na rin na naging abala tayo maghapon," saad ng kasama ko.

Nang magtama ang aming paningin ay kaagad kong naintindihan ang kahulugan ng sinabi nito. Napatango-tango naman ako.

That's why many people distract themselves during tough times. It helps them momentarily forget about their personal problems.

The same goes for us.

"You're right," tipid kong sagot.

Matapos ang isang oras ay natapos ko na rin ang ginagawa ko. Dito sa MHIS ay kailangan munang mapirmahan ng chairman at dean ang invitation cards bago ipamigay.

Muli kaming nagkatinginan ni Ma'am Elvie sabay buntonghininga. Palibhasa ay pareho kaming nasa iisang sitwasyon lang ngayon kaya kahit sa tititigan lang ay naiintindihan na namin ang isa't-isa.

"Ako na lang ba ang magpapapirma niyan kay Dean Jelo?" usisa nito na may halong suhestiyon.

I took a deep breath and shook my head. We should not let personal conflicts affect our work.

"Ako na lang."

Work is work.

"Sure?"

"Yeah," tugon ko sabay ngiti.

Binitbit ko na ang invitation cards at naunang pumunta sa opisina ng chairman. Tatlong beses muna akong kumatok at pumasok na.

"Good afternoon, Chairman Mhinn," pormal kong saad. Saglit lang din naman ako nitong tinapunan ng tingin.

"Good afternoon, Ms. Guieco."

"Kailangan po namin ang pirma mo," simpleng sabi ko at inilapag sa mesa ang invitation cards.

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Where stories live. Discover now