CHAPTER 2- NEW CHAIRMAN

1.5K 74 4
                                    

"Please pleasure me. Just for tonight. After this night... I promise our paths won't cross again. Happiness is all I seek from you."

"Fuck me as hard as you can."

Napakapit ako nang mahigpit kay Marci nang mangatog ang tuhod ko dahil sa lalaking nasa harapan ng lahat.

Stranger.

"I'm Dailann Mhinn. Nice to meet you, everyone."

Marami pa itong sinabi pero wala na akong maintindihan pa. Parang gusto ko na lang tumakbo paalis at huwag nang bumalik sa kasumpa-sumpang lugar na ito.

"Ayos ka lang?" usisa ni Marci.

"A-Ahh, yes. M-Mukhang kailangan ko pumunta ng comfort room," pabulong kong saad pero ni maihakbang ang mga paa ko ay hindi ko magawa.

My goodness! Bakit ganito?

Parang gusto kong maglumpasay sa sahig at ngumawa.

Sinabi kong hindi na magkukrus ang landas namin pero ano 'to?

"Miss Kenya Guieco?"

Holy land of MHIS! Bakit... Paano niya nalaman ang pangalan ko?

Hindi ako umimik at nagpanggap na hindi siya narinig pero ang mga haduf ay napatingin sa gawi ko. Marahan akong nag-angat ng tingin. Nang magtama ang paningin namin ay wala man lang akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nito.

Pastidiyoso nga.

Parang ibang stranger ang nasa harap namin ngayon. O baka naman iba talaga? Sana nga ganoon na lang. Zsss!

Lupa, kainin mo na ako, ngayon na! Ayoko na dito sa Earth! Baka naman may space pa ako sa Mars, 'di ba? O kahit doon na lang sa ring ng Saturn.

"Y-Yes, C-Chairman," nauutal ko pang saad. Parang gusto kong sampalin ang aking sarili.

"You're Kenya, right?"

Haduf! Nagtanong pa eh 'no? Stress na nga ang buhok ko rito.

"Yes. Ako nga po," magalang at tapang-tapangan ko pang saad.

Huwag kang obvious, Kenya. Kaya mo ito. Nakayanan mo ngang lumandi eh, deserve mo ito, haduf ka! Deserve.

"Absent ka sa attendance," bigay-alam nito sa akin.

Napatingin naman ako sa projector at oo nga, ako lang ang ekis doon.

"Late lang po..."

"Why?" kaagad nitong tanong.

"Ahh, because I woke up late too?" kaswal kong tugon. Natawa pa ang iba.

"Know your responsibility," asik nito.

Ang taray ng stranger na ito para bang hindi ko siya napaungol... no, erase that.

Forget it, Kenya. Don't you ever remember it, got it? Ang kapal mo lang na magyabang pa!

"Yes, Chairman. I'm sorry, it won't happen again."

Hindi na ito umimik kaya napayuko na lang ako.

"Miss Kenya," tawag na naman nito sa akin.

Nang-aasar ba ang stranger na ito?

Napakuyom ako at pinigilan ang sariling sugurin ito at sambunutan. "Chairman."

"Come here."

Bakit mo ako pinapahirapan ng ganitong haduf ka? Pareho naman tayong nag-enjoy ha? Kainis!

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Where stories live. Discover now