CHAPTER 12- PATHETIC USER

1.5K 85 5
                                    

Halos malaglag ang suot kong eyeglasses nang pabagsak na inilapag ni Kenshane ang isang makapal na libro sa aking mesa. Mukhang kagagaling lang nito sa klase.

"Malaki ka na para pagsabihan pa, Kenya. Please lang, Kenya Guieco," asik nito na may halong pakiusap.

Bigla naman akong nalito. Wala naman akong ginawang masama rito para maging badtrip na naman sa akin.

"Ano na naman ba ang problema mo, Kenshane Guieco?" kaswal kong tanong at muling itinuon ang aking atensiyon sa laptop ko.

"Behind every woman's success is her own unique shadow."

Napataas-kilay naman ako. Madalas ay hindi ko talaga makita ang koneksiyon naming dalawa kahit na magkadugo't-ugat pa kami.

"I mean, you could live without Jelo, right? Over 26 years, he hasn't been in your life, but you were doing great during that time. There are lots of handsome and decent guys out there."

"Puwede ba, Kenshane? Tantanan mo muna ako ngayon. May sinabi ba akong hindi ako mabubuhay ng wala siya?"

"Talaga ba? Hindi mo talaga nasabi o ni naisip ang gano'n? Iyong totoo nga."

Dinampot ko ang libro nitong inilapag sa aking mesa. Bago ko pa mahampas ang bruha ay kaagad naman itong nagsalita.

"Tumawag sa akin si Tita Adelle na kaisa-isang ina ninyo ni Kuya Ashmer. Ipaalala ko raw sa 'yong kumain at matulog ka nang maayos dahil hindi ka raw robot para hindi magkasakit."

Agad akong napasiring ng tingin kay Marciella na tahimik ding nagtatrabaho sa isang tabi. Nanliit ang aking mga mata sa ideyang ito na naman ang naging reporter ni Mommy.

Hindi ko inalis ang aking tingin sa babaita hangga't hindi ito tumitingin sa akin. Nang magtama ang aming paningin ay agad na tumayo ito at lumapit sa amin.

"Bakit?"

"Ikaw ang nagsumbong kay Mommy?"

"Na? Sinong may sabi?"

O baka si Gabriella na naman ang espiya ni Mommy. Haduf!

Nagkatinginan naman kami ni Kenshane. Agad itong umiling at mukhang nasindak sa titig ni Marciella.

"Mukha ba akong spy o chimosa, Kenshane?"

"Bakit ako? Aba, wala akong sinasabing si Marciella ang nagsumbong na hindi ka kumakain at natutulog nang maayos simula nang breakup ninyo ni Jelo..."

Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang takpan ni Marciella ang bunganga nito.

"At bakit mo naman naisip na ako ang nagsumbong, ha?" asik nito sa akin. Hindi naman ako nakasagot.

Sabi ko nga ay hindi. Tamang hinala, hindi naman tumatama, Kenya.

"Akala ko lang..."

"Bakit kasi hindi ka kumakain at..."

"Ito na, ito na!" may kalakasan kong saad.

Napatingin tuloy sa gawi namin ang mga lecturer na nandidito rin ngayon sa FR. Walang salitang lumabas ako at dumiretso ng canteen. Hindi talaga mabubuo ang araw kapag hindi nila ako pinakikialamanan.

Isa pa ay hindi naman dahil sa breakup namin ni Jelo kaya hindi ako nakakakain at nakakatulog sa tamang oras. Busy lang talaga ngayong linggo dahil exam week, idagdag pa na sa susunod na linggo na ang writing tilt ng mga bata. Isa rin ako sa panel ng research papers ng Senior High.

Alam kong nakabusangot ako nang tuluyan akong makapasok sa canteen. Halos mauntog pa ako sa nakatabi kong college professor dahil sa gulat nang may bigla na lang sumabog na confetti mula sa kung saan.

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Where stories live. Discover now